TRADISYON UTOS NG MGA TAO
Isa "Authority "o source ng panampalatayang katoliko ay ang tradisyon "Tradition" ito ay aral katoliko na nagmula sa mga salin-saling sabi daw ng mga mga magulang sa panampalataya ng una.at karamihan sa aral o katuruang katoliko ay nakabatay sa Salin-saling sabi o tradisyon ngayon pag-aralan natin anu ba ang masasabi ng Banal na kasulatan ukol sa tinatawag na Tradisyon ito ba ay nakabatay sa Turo ng ating Panginoong Jesu Cristo o sa mga Apostol at mga propeta.(2 Ped.3:2,Efe.3:5) Ang tradisyon ba ay pundasyon ng panampalataya.
Ngayon Unang tanung Ano sabi ng Panginoong Jesu cristo ukol sa Tradisyon
Ganito ang ating mababasa sa (Marcos 7:8-9)..."For laying aside the Commandment of God ,ye hold the TRADITION OF MEN,as the washing of pots and cups;and many other such like things ye do.And he said unto them ,Full well ye reject the COMMANDMENT OF GOD that ye may keep your own TRADITION".
Dito makikita natin may mga tao na nilisan ang mga utos ng Dios at pinanghawakan ang Tradisyon ng mga tao sabi ng Dios itinakwil ninyo ang mga utos ng Dios upang maganap ninyo ang iyong mga sariling tradisyon ito masamang naibubunga ng panghahawak sa tradisyon nagbubunga ito ng pagtakwil o paglisan sa utos ng Dios nagbubunga rin ang panghahawak sa tradisyon sa paglabag ng Utos ng Dios.
"But he answered and said unto them ,why do ye also transgress the Commandment of God by your TRADITION.(Mat.15:3)
At dahil sa pagsunod sa Tradisyon nawawalang kabuluhan ang Utos ng Dios..."And honour not this father or his mother ,he shall be free ,thus have made the Commandment of God of none effect by your TRADITION.(Mat.15:6)
Nawawalan kabuluhan ang Utos ng Dios dahil sa tradisyon sapagkat ang Tradisyon ay pawang utos lamang ng mga tao.
"Ang bayang ito 'y iginagalang ako ng kanilang mga labi Datapuwat ang kanilang puso ay malayo sa akin .Datapuwat walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng ng mga tao."(Mat.15:8-9,Mar.7:6-7,Isa.29:13)
Kaya ang mga ALAGAD ni Cristo nilabag nila ang TRADISYON hindi nila ito pinanghawakan bagkus kanilang Sinuway.
"Why do thy disciples transgress the TRADITION of the elder?(Mat.15:2)
Dahil dito pinapaingat ng Apostol Pablo ang mga alagad sa maling naibubunga ng panghahawak sa tradisyon..."Beware lest any man spoil your through philosophy and vain deceit after TRADITION of Men ,after the rudiment of the world,and not after Christ.(Col.2:8)
At ang panghahawak sa tradisyon ay pagpapaalipin sa utos ng mga tao.(Gal.4:9) na mga kathang ginawang mainam.(2 Ped.1:16) o Inembento lamang.(Ecle 7:29) na ang pagsunod sa mga ito ay naglalayo sa atin sa Dios.(efe.2:2)
"Ang Ephraim ay napighati siya'y nadikdik sa kahatulan,sapagkat siya'y nasiyahang lumakad ng ayon sa utos ng tao.(Oseas 5:11)
"Na huwag makinig sa mga KATHA NG MGA JUDIO at sa mga Utos ng mga TAO na nangagsisisinsay sa katotohanan.(Tito.1:14)
Sapagkat darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral kundi pagkakaroon nila ng kati ng tainga ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling masamang pita;at ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga ,at mga ibabaling sa katha.(2 Tim.4:3-4)
Noon pa man pinagpauna ng apostol Pablo na may magsisibaling sa mga katha at ihihiwalay ang kanilang mga tainga sa katotohanan kaya ating mga masusumpungan karamihan sa Dogma o aral ng Iglesia katolika ay galing sa Katha o tradisyon ng tao lamang.(2 king's 17:19) sa pagsusumakit maitayo ang sariling kanila ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.(rom.10:3)
Ngayon para matiyak ng Tao na UTOS ng Dios ang kanyang pinanghahawakan dapat ito ay nakasalig sa Aklat ng Kautusan ng Dios.
"Ngayon yumaon ka ,isulat mo harap nila sa isang tapyas na bato,at ititik mo sa isang AKLAT upang manatili sa panahong darating na walang hanggan.(Isa.30:8)
At itong nakatitik sa aklat na MGA UTOS ng Dios ito ang babasahin sa mga lalaki at babae at mga bata at taga ibang lupa upang kanilang pag-aralan at magkaroon sila ng takot sa Panginoon at kanilang isagawa ang lahat ng Utos.(Deut.31:11-12,Mat.28:20) na walang dagdag at walang bawas.(Deut.12:32)
Sapagkat ang hindi pagkaalam ng KASULATAN ay nagiging dahilan ng pagkakamali o pagkaligaw..."Ngunit sumagot at sinabi sa kanila .NANGAGKAKAMALI kayo sa hindi ninyo PAGKAALAM NG MGA KASULATAN ,ni ng kapangyarihan man ng Dios.(Mat.22:29)
At paghigit sa mga bagay na nangasusulat ay pagpapalalo.(1 cor.4:6) tinuturuan tayo na mangatutoto tayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat sapagkat ang nangasusulat ng una ay isinulat sa ikatututo natin upang sa pagtitiis nat pag-aliw ng KASULATAN ay mangagkaroon tayo ng pag-asa.(Rom.15:4) ang Pag-asa sa buhay na Walang hanggan.(Tito 1:2) kaya sapat na ang nasusulat para magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan.(Juan 20:31,Luc.10:25-28)
Listahan ng Tradisyon ng Simbahan na hindi ayon sa aral ng evangelio?
www.jesus-is-savior.com/False%20Religions/Roman%20Catcholicism/catcholic_heresies-a_list.htm
Listahan ng Tradisyon ng Simbahan na hindi ayon sa aral ng evangelio?
www.jesus-is-savior.com/False%20Religions/Roman%20Catcholicism/catcholic_heresies-a_list.htm
Ebanghelyo pa rin ang tawag sa mga oral teachings ng mga apostol at hindi tradisyon.
ReplyDeleteIto po mga dahilan nila kung bakit ganon katindi ang kanilang paniniwala sa tradisyon kesa sa Bibliya:
ReplyDelete1) Wala sa bibliya nasusulat na si Lukas ay nag sulat ng kasulatang Lukas dahil ito ay isang Sacred Tradition ng Katoliko...
2)Wala sa Gospel of Luke makikita ang pangalan ni Lukas dahil ito ay Katolikong tradition...
3) Wala sa bibliya nasusulat na si Mark ay nag sulat ng kasulatang Mark dahil ito ay isang Sacred Tradition ng Katoliko...
4)Wala sa Gospel of Mark makikita ang pangalan ni Mark dahil ito ay Katolikong tradition...
3) Wala sa bibliya nasusulat na si Mathew ay nag sulat ng kasulatang Mateo dahil ito ay isang Sacred Tradition ng Katoliko...
4)Wala sa Gospel of Mathew makikita ang pangalan ni Mathew dahil ito ay Katolikong tradition..
5) wala sa bibliya nasusulat na si "luke, mark, mathew at john" ang nagsulat ng Gospels.. Walang sitas... wala wala wala wala...
Master, puwede po ba, tapusin nyo na po mga pinakamatindi nilang mga alibi pls. ano po sagot nyo?
Lahat ng sinabi mong tauhan nasa BIBLE lalo na sa apat na evangelio na tinukoy mo eh di naka sulat sila...ngayon di mahalaga sila ang mahalaga ang sinulat nila ...parang ganito yan alam mo dati nagtabaho ako sa isang Constraction Firm ....kami ang nagdesinyo ng Building kami rin gumawa nung matapus ito di naman isinulat ang pangalan ko dooon at mga kasama kung laborer ...pero alam ng may ari ng building kami ang gumawa non ....Kami mga ALIPING WALANG KABULUHAN na gumagawa kung Ano iutos ng PANGINOON namin ....ganon yon di mo naman ikaliligtas kung isulat ni Lucas ...AKO SI LUCAS ang nagsulat ng AKLAT ng LUCAS...maliligtas kaba sa salita na yan...maliwanag ang stand namin sapat ang nakasulat sa IKALILIGTAS...
ReplyDelete