MISA SA KATOLIKO PAGSASAKRIPISYO KAY CRISTO

Ito ang ating Paksa "Misa (Holy Mass) sa katoliko pagsasakripisyo kay Cristo .marami sa mga kababayan nating katoliko ay hindi alam ang aral na ito ...marahil marami sa nakikibahagi sa "Misa" hindi alam na may nagaganap na pagsasakripisyo sa pamamagitan ng anyo ng tinapay at alak sa pamamagitan ng isang Pari o obispo na nagsasagawa nito ...at marahil marami ang hindi alam na sa sakripisyo sa misa ang "victim" ay ang ating Panginoong Jesu Cristo ...nangangahulugan ito na si Cristo ang sacripisyo sa misa.



Sa matandang tipan ang isang hinahandog o sinasakripisyo ay pinapatay gaya ng ginagawa sa israel ang tupang sacripisyo ay pinapatay upang ihandog sa Dios.ngayon ano ba ang aral ng Iglesia Katolica tungkol sa sacripisyo na ginagawa nila sa "Misa"

Ito ay mababasa natin sa kanilang aklat na ang pamagat (Our Victory through Christ p.23 prepared by daughter of St. Paul under Direction of Rev.James Alberione ,S.S.P..S.T.D)

"What is Mass?

Ans.The Mass is a SACRIFICE of the new law in which Christ through the ministry of the priest ,offer himselp to God in an bloody manner under the appearances of bread and wine.(p.23)

Ayon sa aklat katoliko tahasang inaamin nila na ang "Misa" ay isang Pagsasakripisyo o Paghahandog at naisasagawa ito sa pamamagitan ng isang pari na nangangasiwa sa "Misa"sa anyo ng tinapay at alak.kaya tuwing may misa na isinasagawa may sacripisyo na nagaganap .kaya kung araw-araw at oras -oras mag mimisa ang pari ay may pagsasakripisyo silang ginagawa kay Cristo ...ngayon isip-isipin mo na lang kung ilang pari kaya tuwing linggo -linggo at nagmimisa isama mupa ang misa sa binyag ,kasal,libing at misa sa Fiesta naka ilang bisis kaya isakripisyo si Cristo sa boung taon...naka ilang ulit kaya isakripisyo sa isang araw ...o nakaka ilang ulit kaya isakripisyo si Cristo sa isang linggo.

  • Ang isa pa sa mapapansin natin sa aral na ito ayon sa kanila ang inihahandog na tinapay at alak ay si Cristo at ang naghahandog ay si Cristo rin sa katauhan ng isang Pari.

Kaya ang aral na ito ay isang masalimoot na aral .Ito ba ay sang ayon sa Banal na kasulatan ...Kulang pa ba ang sakripisyo sa krus ng ating Panginoong Jesu Cristo na kailangan pa siyang ulit-ulitin na isasakripisyo. hayaan natin ang banal na kasulatan ang sumagot sa mga bagay na ito.

"Siya'y gaya ng tupa na dinadala sa patayan At kung paanong hindi umimik ang cordero sa harap ng mangugupit sa kaniya gayon din hindi niya binubuka ang kanyang bibig.(Acts 8:32)

"...yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios ,at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.(Heb.6:6)

Ganito ang ginagawa ng Iglesia Katolika sa ating Panginoo tuwing nagsasagawa sila ng tinatawag na "Misa" o (Holy Mass) kanilang muli ipinapapako sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios ,at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.

"Gayon may sapagkat sa gawang ito'y iyong binibigyan ng malaking pagkakataon ang mga kaaway ng Panginoon upang magsipanungayaw..."(2 Sam.12:14)

"Sapagkat ang pangalan ng Dios ay nalalait ng mga Gentil ..."(Rom.2:24)

na anopat sa "misa"nagbububo sila ng dugo..."At iyong sabihin ,Ganito ang sabi ng Panginoong Dios ,Bayang nagbububo ng dugo sa gitna niya na ang kaniyang panahon ay darating at gumagawa ng mga diosdiosan laban sa kanyang sarili ,upang mapahamak siya.(Ezek.22:3) anopat ang kanilang mga kamay ay puno ng dugo.(Isa.1:15)

na kung saan ang kanilang mga saserdote o pari ay natigmak ng dugo ang kanilang mga kasuotan..."Dahil nga sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta at sa kasamaan ng kaniyang mga saserdote na nagbububo ng dugo ng mga ganap sa gitna niya.Sila'y nagsisikapa sa mga lansangan na parang mga bulag ,silay nangadumihan ng DUGO na anopa't hindi mahipo ng mga tao ang kanilang mga suot.(Pan.4:13-14)

Their sorrows shall be multiplied that hasten after another god: their drink offerings of blood will I not offer, nor take up their names into my lips.(Psalms 16:4)
"Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao upang patayin siya ninyong lahat ,na gaya ng pader na tumagilid ,o bakod na nabubuwal?Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibasak siya sa kaniyang karilagan ,silay nagsisibasbas ng kanilang bibig ,ngunit nanganunumpa sa loob.(Awit 62:3-4)

"At sumagot ang boung bayan at nagsasabi Mapasa amin ang kaniyang DUGO ,at sa aming mga anak.(Mat.27:25)

Kaya sa "Misa"tiwalang tiwala ang mga katoliko na ang kanilang sinasakripisyo ay ang ating Panginoong Jesu Cristo at silay nagsisibasbas ng kanilang bibig ngunit nanganunumpa sa loob na nagsisipagsabi mapasa amin ang kanyang dugo at sa aming mga anak.

Ngayon ang tanung kailangan pa ba ulit-ulitin ang pagsasakripisyo ng ating Panginoong Jesu Cristo sa pamamagitan ng sakripisyo sa "Misa"

"At gayon din naman si Cristo na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan,sa ikaliligtas ng mga nagsisipalataya.(Heb.9:28)

Minsan laman inihandog si Cristo upang dalhin ang kasalanan ng marami at ang paghahandog ni Cristo na minsan yon ay sapat at sakdal na hindi marapat ulit-ulitin.

"Ngunit siya nang makaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailanman,ay umupo sa kanan ng Dios.(Heb.10:12)

"Ngunit pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo,na hindi gawa ng mga kamay ,sa makatuwid bagay hindi sa paglalang na ito,at hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng kambing at ng mga bulong baka kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo ay pumasok na MINSAN MAGPAKAILAN MAN sa dakong banal na kinamtan ang walang hanggang katubusan.(Heb.9:11-12,Rom.6:10)

"Na hindi NANGANGAILANGAN ARAW-ARAW na MAGHANDOG ng HAIN na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una patungkol sa kanyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan;sapagkat ito'y ginawa niyang MINSAN magpaikailan man nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili....ngunit ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak na SAKDAL magpakailan man.(Heb.7:27-28)

"Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging -banal sa pamamagitan ng paghahandog ng katawan ni Cristo na Minsan magpakailan man.(Heb.10:10)

"At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay WALA nang PAGHAHANDOG na pa tungkol sa kasalanan.(Heb.10:18) at dahil dito wala nang hain pang natitira pa tungkol sa mga kasalanan.(Heb.10:26)

Dito makikita natin ang sakripisyo na tinapus sa ibabaw ng krus ng ating Panginoong Jesus ay sapat na yon sa ikapagpatawad ng ating mga kasalanan na hindi na kailangang ulit-ulitin ang bagay na kanya ng tinapus sa ibabaw ng krus.(Juan 19:30)sapagkat yon ay MINSAN lang at MAGPAKAILAN MAN.

Kaya Ano masasabi ng kasulatan sa Misa "o Holy Mass" na isinasagawa ng katoliko.

"At sa katotohanan ang bawat saserdote na ARAW-ARAW ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na MADALAS ng gayon ding mga HAIN ,na hindi MAKAALIS kailan pa man ng mga KASALANAN.(Heb.10:11)

Sapagkat HAIN at HANDOG ay hindi nya ibig at hain patungkol sa kasalanan ay hindi nya kinaluluguran.(Heb.10:5-6)at hindi nya Hinihingi.(Awit 40:6) sapagkat maigi ang pagsunod kay sa Hain.(1 sam.15:22)at habag ang ibig ko at hindi HAIN.(Mat.19:13,Oseas 6:6)sapagkat ang mga gayong HAIN ay hindi tinatanggap ng Panginoon.(Oseas 8:13)

"Nang kayo'y nagsidating na pakita sa harap ko ,sinong humihingi nito sa inyong kamay upang inyong yapakan ang aking kalooban? Huwag na kayong magdala ng WALANG KABULUHANG HAIN..."(Isa.1:12-13,Oseas 4:19)

"Iganagalang ng anak ang kaniyang Ama ,at ng alila ang kaniyang panginoon ;kung ako nga'y Ama ,saan nandoon ang aking dangal ?at kung ako'y panginoon ,saan nandoon ang takot sa akin?sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo,Oh mga saserdote ,na nagsisihamak ng aking Pangalan,at inyong sinasabi Sa ano namin hinahamak ang iyong Pangalan.Kayo'y nangaghahandog ng karumaldumal na HAIN sa aking dambana At inyong sinabi ,Sa ano namin nilapastangan ka?sa inyong sinasabi ,ang dulang ng Panginoon ay hamak.(Mal.1:6-7) Sapagkat Ang Paghahain ay Inalis na.(Dan.12:11)

"Ang HAIN ng MASAMA ay kasuklamsukam sa Panginoon..."(Kaw.15:8)
  • "...Ang kanilang mga HAIN ay magiging sa kanila 'y parang TINAPAY ng NANGAGLUKSA ;lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak ;sapagkat ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana hindi papasok sa bahay ng Panginoon.(Oseas 9:4)
  • What say I then ?That the Idol is anything or what that which is offered in SACRIFICE to idol is any thing?But I say ,that the thing which the gentiles sacrifice ,they SACRIFICE to the DEVIL and not to God..."(1 Cor.10:19-20)
Ang tinuturo sa atin na gawin nating Sakripisyo o HAIN sa Dios ay hindi ang ating Panginoong Jesu- cristo kundi ang ating Mga sarili ang IHAIN natin sa Dios na siya nating Karampatang pagsamba sa kanya.
"I beseech you therefore ,brethren ,by the mercies of God ,that ye present YOUR BODIES a living SACRIFICE ,HOLY ,acceptable unto God ,which is your reasonable service.(Romans 12:1)
"...But yield YOURSELVES unto God,as those that are alive from the dead ,and your members as iNSTRUMENTS of RIGTEOUSNESS unto God.(Romans 6:13)

Comments

  1. Kuya Ely Guadalupe, gawan nyo naman ng topic yung pinresent ko sa inyo doon sa comment section na ang topic ay INDULHENSYA, SUHOL SA DIOS?

    ReplyDelete
  2. nalimutan nyo po na sa Misa doon nangyayari yung sinasabing Transubtantation na yung ostia naging katawan ni Cristo at ang alak ay naging dugo.

    kaya rin nagmimisa ay para rin daw bilang pag alalaala kay Cristo.

    actually ang Misa ayon sa natutunan ko sa Catholic theology ay pagganap ulit ng Last Supper.

    Ang Misa rin ay isa ding pagsamba tuwing Linggong Sabbath na kapag hindi na ginagawa ay isa nang mortal na kasalanan.

    ito naman ang sagutin nyo para sa mga nagbabasa.

    ReplyDelete
  3. Yon nga susunod na topic natin kapatid hintay lang ng kunti hinahati kulang ang oras natin..,salamat kapatid ...Shalom sayo...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts