PAPA SA ROMA HINDI NAGKAKAMALI
Ang "Papal Infallibility" o di pagkakamali ng papa sa Roma ayon sa aral na ito ang papa sa roma ay hindi nagkakamali pagdating sa pagbibigay ng aral sa panampalataya o mga dogma at usapin sa mga payong pang-moral.Ang aral na ito ay ipinahayag sa konselyo Vaticano nuong "July 8,1870"sa pamamagitan ni pope Pius IX ito bang aral na ito ay biblical.
Ngayon titignan natin sa Liwanag ng kasulatan ano ang masasabi ng salita ng Dios tungkol sa aral o dogma na ito.
Una itinuturo ng kasulatan na..."Walang matuwid na gumagawa ng mabuti ang hindi nagkakasala.(Ecle.7:20) sapagkat walang tao ang di nagkasala.(2 cro.6:36,Rom.5:12,rom.3:23)
Dito makikita natin na kahit ang gumagawa ng matuwid o ang gumagawa ng mabuti ay nagkakasala o nagkakamali at kung sinomang magsabi na siya ay hindi nagkakasala o nagkakamali ay ginagawa nyang sinungaling ang Dios at ang kanyang salita ay wala sa atin.(1 John 1:10) sa kasaysayan maraming banal na tao na naglingkod sa Dios ang kinasumpungan ng pagkakasala o pagkakamali kahit sa mga apostol ng panginoon Jesus ay may mga nalihis ng landas gaya ni Judas Iscariote na ipinagkanulo kanyang ang Panginoon at ni Apostol Pedro na ikinatwa ang kanyang Panginoon.
Kaya ang hindi pagkakamali ng papa sa Roma isa lamang kathang aral na walang batayan sa salita ng Dios sa Banal na kasulatan.
Mula ng pasimula maraming natala na lingkod ng Dios ang nagkamali maging ito ay panampalataya o moral si Noe na Patriarca na sinugo ng Dios upang iligtas ang lahi ng sangkatauhan sa delubyo ng baha ay nagkasala sa moral nung malasing sa Alak.(Gen.9:20-24)
Si Moses na naging Leader ng israel at Propeta ay nagkamali sa harap ng Dios kaya nag-alab ang poot ng Dios sa kanya.(Exo.4:13-14) kahit si propeta Aaron at propetisa Miriam ay nagkamali o nagkasala sa harap ng Dios ng matukso silang ibuyo ang israel sa pagsamba sa Hindi tunay na Dios.(Exo.32:1-8,Num.12:1-16)
Maging ang haring Si David ay kinasumpungan ng kasalanan ng pakikiapid sa Asawa ni Uria.(1 sam.11:1-13)
Maging ang pinaka matalino sa kanyang panahon na si haring Solomon ay nagkamali at nailigaw ng kanyang mga asawa sa paglilingkod sa Dios.(1 King's 11:1-11)
Maging ang propeta Micheas ay minali ang pangitain ng Dios sa kanya sa harap ni Josaphat na hari.(2 Cro.18:22-27)
Dito makikita natin na maging mga tanyag na Tao ng Dios at Propeta ng Dios ay hindi nakaligtas sa pagkakasala at pagkakamali .
Ngayon Itong kinikilala nilang kauna-unahang Papa sa Roma na si San Pedro ay maraming pagkakataon nagkulang ng panampalataya.(Mat.14:22-33) nakapagpanungayaw.(Mat.26:69-74) at naka ilang uit na ikinaila ang Panginoong jesus.(mat.26:74) at nakapag isip ng bagay ng tao.(Mat.16:23) at dahil sa mga kahinaan ito ng apostol Pedro sinaway siya ng mukhaan ng apostol Pablo.(Gal. 2:11-14).
Kaya kauna-unahang papa na sinasabi nila na si San Pedro ay hindi "Infallible" sa kanyang sarili mismo.
"Datapuwat ng makita ni Simon Pedro ,ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus na nagsasabi LUMAYO ka sa akin ,sapagkat AKOY TAONG MAKASALANAN ,oh Panginoon.(Luke 5:8)
- Kahit ang apostol Pablo mismo umamin na kahit sia ay hindi "infallible"..."Sapagkat ano nga ang inyong kinahuli sa ibang mga iglesia kundi ang ako'y hindi naging pasanin ninyo ?ipagpatawad ninyo sa akin ang KAMALIANG ito.(2 Cor.12:13) kahit si Apostol Pablo aminado na may mga kahinaan sia sa Laman .(Rom.7:14-21)
kaya Soma Total ang aral ukol sa di pagkakamali ng papa sa roma ay isang Hidwang aral at Hindi biblical eh kung mga propeta at apostol ay nagkakamali ang papa sa roma pa na wala naman sa kalingkingan ng mga Tao ng Dios at ng mga propeta at Apostol ng Dios ang magsabi na hindi siya nagkakamali.
- Tanging ang Dios .(Job 34:10-12,Awit 5:4,Heb.6:10) at ang kanyang Anak na si Jesu cristo lamang ang infallible.(Heb.4:15,1 Ped.2:22,2 cor.5:21)
Isama mo pa yung isyu tungkol kay Galileo.
ReplyDeletedati naniniwala ang Simbahan sa GEOCENTRIC THEORY o ang mundo ay ang sentro ng universe at hindi ang araw na ang tawag ay HELIOCENTRIC THEORY.
dyan palang sa nangyaring ito ay hindi na totoo ang Infalliability ng Papa.
pero Brod, panahon na para sagutin mo ang pinakamatindi nilang alibi kung bakit ganon kalakas silang gumawa ng maling aral.
ito batayan nila sa Bibliya:
Mateo 16:19 "At anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit."
kung puwedeng magkalag at magtali ang Papa para sa kanila at unang gumawa nito ay si Pedro na Unang Papa kuno, ibig sabihin Popes can use this power to create teachings kahit hayagang labag na sa Bibliya.
Ah ganon ba! Pansinin ang ibinigay kay Pedro na authority ay magkalag at magtali...hindi po gumawa ng tali ...may TALI na ...ang gagawin nlang ni Pedro magtatali ...at magkalag kung may mga tali na dapat kalagin...
ReplyDeleteNgayon sa Banal na kasulatan ang Tali ay sumisimbolo sa Kautusan.(Rom.7:2,kaw.3:3) diba mangangaral naman talaga ang nagtuturo ng kautusan.(Mat.28:20) ang pagtatali ay pagtuturo ng kautusan...kaya ang tinatalian ng mangangaral sumusunod na sa utos yon...ngayon nasa kapangyarihan din ng mangangaral ang kalagan ng tali ang dapat kalagan kaya nasa posisyon ng mangangaral ang mag-alis ng kalag sa mga masasamang kapatid sa iglesia.(1Cor.5:12-13)kaya ang tinitiwalag sa iglesia ay kinakalagan ng TALI.(Awit 2:3-4)...Ang kinakalagan sa lupa ay kakalagan sa langit ibig sabihin nito kapatid iwawala ng Dios ang Pagiingat niya sa mga kinakalagan.(Job 1:10)