ANG KALAGAYAN NG PATAY SA LIBINGAN
Ngayon pag-aralan natin Ano ang nangyayari sa tao sa kaarawan ng kanyang kamatayan...totoo ba pagkatapus mamatay ang tao ang kaluluwa ng tao agad-agad hinahatulan at agad-agad nagmamana ng parusa at gantimpala...totoo ba na hindi namamatay ang kaluluwa ng tao...totoo bang nalalaman ng patay ang nangyayari sa ilalim ng araw o sa daigdig ng mga buhay.
Ito ngayon ang ating paguusapan...unang tanung Ano ang nangyayari sa tao sa kaarawan ng kanyang kamatayan
"At ang alabok ay nauuwi sa lupa gaya ng una ,at ang espiritu ay nababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.(Ecle.12:7)
- ang nangyayari pala sa tao sa kaarawan ng kanyang kamatayan ang kanyang katawang lupa ay nababalik sa lupa at ang espiritu o hininga ng buhay .(Job 33:4,Gen.2:7) ay bumabalik sa Dios na nagbigay nito.
"...Sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi."(Gen.3:19)at iyong hahanapin sila sila ay mawawala na.(Awit 37:10)
Ngayon nalalaman ba ng patay ang nangyayari sa ilalim ng araw.
"Sapagkat nalalaman ng mga buhay ,na silay nangamamatay ngunit hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan sapagkat ang alaala sa kanila ay nakalimutan.Maging ang kanilang Pagibig gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailanman sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.(Ecle.9:5-6)
Na kung saan ang kanyang alaala ay nahihiwalay sa lupa.(Awit 34:16) sa libingang pupuntahan ng tao ay wala ng gawa ,ni katha man ni kaalaman man ,ni karunungan man.(Ecle.9:10)at silang bumababa sa libingan ay hindi na makakaasa ng katotohanan.(Isa.38:18) at hindi na malalaman o makikita ng patay ang nangyayari sa mga buhay.(Isa.38:10-11)na kung saan doon sa libingan naglilikat ang masama sa pagbagabag at doon nagpapahinga ang pagod at doon ang mga bihag ay nagpapahingang magkakasama na kung saan doon hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag,ang mababa at ang mataas ay naroon at ang alipin at laya sa kaniyang panginoon.(Job 3:17-19)
"...Gayon siyang bumababa sa sheol (libingan)ay hindi na aahon pa .siya ,y hindi na babalik pa sa kanyang bahay ,ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako."(Job 7:9-10)
kaya hindi totoo yong sinasabi nila nagbabalik ang patay at nagmumulto sabi ng salita ng Dios hindi na babalik pa sa kanyang bahay ni malalaman pa man ang niya ang kanyang dako hindi na siya aahon pa o magbabalik pa.(Job 10:21,Job 16:22) gayon ang tao na namamatay hindi siya babangon o magigising hanggang sa dumating ang pagbabago(Job 14:12-14)ito pagbabago ng ating katawan sa maluwalhating katawan sa pagkabuhay na mag uli ng mga patay.(1 Cor.15:51-54)
Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon .(Awit 115:17) kaya mali yang paniniwala na ang kaluluwa ng patay sa langit ay pumupuri sa Dios kasama ng mga taong banal.Ang kalagayan ng isang patay sa Libingan ay nasa mahimbing na pagtulog o natutulog.(Rom.11:8,Juan 11:11,1Tes.4:14) na naghihintay sa takdang araw ng pagkabuhay ng mga patay.(1Tes.4:15-17) sa huling araw.(Juan 11:24)
Ngayon totoo ba pagkamatay ng tao hinahatulan Agad-Agad ang tao?
"Sapagkat ang hatol laban sa Masamang gawa ay HINDI ISINASAGAWA AGAD ,kayat ang puso ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan.(Ecle.8:11) na hindi niya muna pinapansin.(Job 11:10-11)Sapagkat nagtakda sia ng isang araw na kanyang paghuhukom sa mga buhay at patay.(Acts 17:31)
Ang sunod nating tanung totoo ba ang kaluluwa ng tao ay hindi namamatay?
"Ang kaluluwang nagkakasala ay mamatay.(Ezek.18:4).
"At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan ,datapuwat hindi nangakakapatay sa kaluluwa ;kundi bagkus ang katakutan ninyo ,y yaong makakapuksa sa kaluluwa at katawan sa impierno.(Mat.10:28)namamatay ang kaluluwa dahil sa kasalanan.(Juan 8:24)
katusuhan ng demonyo ang paniniwala na ang kaluluwa ay hindi namamatay kundi umiiral na buhay .(Gen.3:4)
Comments
Post a Comment