Maria ng mga Katoliko nagpapadidi pa haggang 1146
Maria ng mga Katoliko nagpapadidi pa haggang 1146 A.D
Cistercian Abbot Saint Bernard, he was reportedly praying one day in 1146 before a statue of the Virgin Mary in Speyer Cathedral. In his prayer he asked the Virgin to "Show that you are a mother..." (Monstra te esse matrem). The statue suddenly came alive and squirted milk on Bernard's lips. In this mystical encounter Bernard becomes a spiritual son of Mary sharing a kinship with Christ who was also nourished by Mary's milk.
ISANG KATAWA-TAWANG KWENTO ANG NANGYARI NUONG TAONG 1146 ISANG CIRTERCIAN ABBOT SA IGLESIA KATOLIKA NA SI BERNARD OF CLAIRVAUX KUNG SAAN PINAGPAKITAAN SIYA NG SO-CALLED MARY AT PINADIDI NG GATAS MULA SA SUSO NG SO-CALLED MARY --DI BA NAKAKATAWA ITO NA 1146 NA MAY GATAS PA ANG SUSO NG SO -CALLED MARY --PARANG GUSTO KO ITANONG BAKIT MAY PINADIDI PA BA SI MARIA SA LANGIT KAYA MAY GATAS PA ANG KANYANG SUSO --NAKAKATAWA NGA DIBA ISANG MAY EDAD NA ABBOT SA IGLESIA KATOLIKA DUMIDI PA SA BABAE NA NAGPAPAKILALA NA MARIA NA INA NG PANGINOONG JESU CRISTO.
May mga taong nagsisunod sa mga kathang ginawang mainam. mga kwento na ginawa sa kasinungalingan na naniniwala sa mga kathang kwento.
Ang Iglesia Katolica ay mahilig mag-fabricate ng mga kinathang kwento na nagliligaw sa marami.
Nariyan ang mga apparition ng So-called Mary
ISANG KATAWA-TAWANG KWENTO ANG NANGYARI NUONG TAONG 1146 ISANG CIRTERCIAN ABBOT SA IGLESIA KATOLIKA NA SI BERNARD OF CLAIRVAUX KUNG SAAN PINAGPAKITAAN SIYA NG SO-CALLED MARY AT PINADIDI NG GATAS MULA SA SUSO NG SO-CALLED MARY --DI BA NAKAKATAWA ITO NA 1146 NA MAY GATAS PA ANG SUSO NG SO -CALLED MARY --PARANG GUSTO KO ITANONG BAKIT MAY PINADIDI PA BA SI MARIA SA LANGIT KAYA MAY GATAS PA ANG KANYANG SUSO --NAKAKATAWA NGA DIBA ISANG MAY EDAD NA ABBOT SA IGLESIA KATOLIKA DUMIDI PA SA BABAE NA NAGPAPAKILALA NA MARIA NA INA NG PANGINOONG JESU CRISTO.
May mga taong nagsisunod sa mga kathang ginawang mainam. mga kwento na ginawa sa kasinungalingan na naniniwala sa mga kathang kwento.
Ang Iglesia Katolica ay mahilig mag-fabricate ng mga kinathang kwento na nagliligaw sa marami.
Nariyan ang mga apparition ng So-called Mary
Sapagka't kami ay hindi nagsisunod sa mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan.(2 Ped.1:16)
At sa araw ng Paghuhukom ay parurusahan ng Dios ang bahay bata ng masamang espiritu na ito na nag-aanyong maria at ang kanyang suso ay mapapawi at matutunaw gaya ng naagas sa babae na hindi makakita ng araw.
Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan. Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas: sila'y gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig; At hindi nakakarinig ng tinig ng mga enkantador, na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan. Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, Oh Dios, sa kanilang bibig: iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon. Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos: pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray. Maging gaya nawa ng laman ng laman ng suso na natutunaw at napapawi: na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw. Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong, kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas. (Awit 58:3-9)
marami naman apparition ang mahal na apo maria. kung saan sang bansa. at itinuturo nito ang pagdarasal ng santo rosaryo.
ReplyDeleteKASAYSAYAN NG APARISYON NG MAHAL NA INANG BIRHEN MARIA NG AKITA, JAPAN KAY SISTER AGNES SASAGAWA:
Ang mga pambihirang kaganapan ay nagsimula noong Hunyo 12, 1973, nang masilayan ni Sister Agnes Sasagawa ang mahiwagang sinag na kumikinang na nagmula sa tabernakulo. Ang kaganapang ito ay muling nangyari kinabukasan at naulit pa ng sumunod na araw.
Noong Hunyo 28, 1973, lumabas ang isang hugis-krus na sugat sa loob ng kaliwang kamayni Sister Agnes. Ito ay labis na nagdugo at nagdulot sa kanya ng sobrang sakit.
Noong Hulyo 6, narinig ni Sister Agnes ang isang boses na nagmumula sa Imahe ng Mahal na Birheng Maria sa kapilya kung saan siya ay nagdarasal. Ang Imahe ay inukit mula sa isang bahagi ng kahoy mula sa isang puno ng Katsuura na may taas na tatlong talampakan. Sa parehong araw, ang ilan sa mga Madre ay napansin ang mga patak ng dugo na dumadaloy mula sa kanang kamay ng Banal na Imahe. Sa apat na okasyon ay patuloy ang pagdaloy ng dugo mula sa Imahe. Ang sugat sa kamay ng Imahe ay nanatili hanggang sumapit ang ika-29 ng Setyembre na nahinto na ang pagdurugo. Noong ika-29 ng Setyembre, kasabay ng pagkawala ng sugat sa Imahe, ay napansin naman ng mga Madre na nagsimula namang pumatak ang "pawis" mula sa Mahal na Imahe, lalo na sa noo at leeg nito. Noong Agosto 3, ay nakatanggap si Sister Agnes ng ikalawang mensahe mula sa Mahal na Ina. Noong Oktubre 13 naman, siyaay nakatanggap ng ikatlo at huling mensahe sa Mahal na Inang Birhen.
Dalawang taon ang lumipas, noong Enero 4, 1975, ang Imahe ng Mahal na Inang Birhen Maria ay nagsimulang lumuha. Nagpatuloy ito sa pagluha ng may pagitan sa loob ng 6 na taon at walong buwan. Sa kabuuan, ang Mahal na Imahe ay lumuha ng isandaa’t isang (101) beses.
To be continued...
Continuation...
ReplyDeleteANG MGA MENSAHE NG MAHAL NA INANG BIRHEN KAY SISTER AGNES SASAGAWA
UNANG MENSAHE (HULYO 6, 1973)
"Aking anak, aking nobisyada, iniiwan mo ang lahat upang sumunod sa aking kalooban.Ang kahinaan ng iyong pandinig ay nagdudulot ba sa yo ng pasakit? Ang iyong kabingihan ay tuluyan nang gagaling,nakasisiguro ako. Ang sugat ba sa iyong mga kamay ay dahilan ng iyong pagdurusa? Manalangin sa pagbabayad-puri para sa mga kasalanan ng mga tao. Ang bawat tao sa lugar na ito ay hindi ko maaring ipagpalit bilang aking mga anak. Dinarasal mo bang mabuti ang panalangin para sa Banal na Eukaristiya? Kung gayon,magkasama tayong dasalin ito.”
"O Kabanal-banalang Puso ni Jesus, na tunay na nananahan sa Banal na Eukaristiya, pinapaging banal ko ang aking katawan at kaluluwa upang maging ganap na kaisa ng Iyong Puso, na isinakripisyo sa bawat pagdiriwing sa lahat ng mga dambana ng mundo at nagbibigay papuri sa Ama,nagsusumamo sa pagdating ng Kanyang Kaharian. "
"Nawa ay tanggapin Mo ay mapagpakumbabang pag-aalay ng aking sarili. Kasangkapanin Mo po ako ayon sa Iyong Kalooban para sa kaluwalhatian ng Ama at sa kaligtasan ng mga kaluluwa."
"O Kabanal-banalang Ina ng Diyos, hwag mo nawang ipahintulot na kami ay mawalay sa Iyong Banal na Anak. Nawa’y ipagtanggol at ingatan mo ako bilang iyong natatanging anak. Amen."
Nang matapos ang panalangin, ang makalangit na tinig ay nagwika: "Manalangin ng mabuti para sa Papa, Obispo, at mga Kaparian. Sapagkat ang Bautismo na meron kayo ay ang inyong matapat na panalangin para sa kanila. Magpatuloy kayo sa pananalangin, higit pang pananalangin. Ipaalam mo sa nakataas sa iyo ang mga naganap ngayon at sundin mo ang lahat ng sasabihin nya.. Siya ay humiling na ikaw ay manalangin ng buong puso. "
To be continued
Continuation...
ReplyDeleteIKALAWANG MENSAHE (AGOSTO 3, 1973)
"Aking anak,aking nobisyada, iniibig mo ba ang Panginoon? Kung iniibig mo ang Panginoon, pakinggan mo ang wiwikain ko sa iyo.”
"Ito ay napakahalaga ... Ipapaalam mo ito sa namumuno sa iyo."
"Maraming tao sa mundo ang nagbibigay pasakit sa Panginoon. Hinahangad ko na ang mgakaluluwa ay magsumamo sa Kanya upang humupa ang galit ng Ama sa langit. Nais ko, kasama ang aking Anak, para sa kaluluwa, na magbayad-puri sa pamamagitan ng kanilang pagsasakripisyo at ang kanilang mga kahirapan para sa mga makasalanan at sa mga lumayo sa Diyos."
“Upang malaman ng mundo ang Kanyang galit, ang Ama sa langit ay naghahanda gumawa ng matinding kaparusahan sa sangkatauhan. Kasama ng aking Anak, ako ay labis na namagitan upang mawala ang galit ng Ama. Napigilan ko ang pagdating ng mga kalamidad sa pamamagitan ng pag-aalay sa Kanya ng paghihirap ng aking Anak sa Krus, ang Kanyang Mahal na Dugo, at ang mga minahal na kaluluwa na nakiisa sa Kanya na bumuo ng isang pangkat ng mga biktimang kaluluwa. Pagdarasal, paghingi ng kapatawaran, at ang matapang na pagsakripisyo ang tanging makapagpapahupa ng galit ng Ama. Hinahangad ko na ito ay mangyari mula sa inyong komunidad…na minamahal ang kahirapan, na magpapabanal sa kanyang sariliat manalangin para sa ikapagbabayad-puri para sa mga kasalanan at mga nagmamalabis na karamihan sa mga tao.
Dasalin ang Panalangin para sa Banal na Eukaristiya ng may pagpapahalaga ng kanyang kahulugan; isabuhay ito; iaalay para sa pagbabayad-puri(anuman ang ipagkaloob ng Diyos) para sa kasalanan. Nawa’y ang bawat isa, ayon sa kanyang kakayahan at katayuan sa buhay ay maialay ang kanyang buong sarili sa Panginoon.”
“Maging sa ibang samahang relihiyoso ay kailangan ang panalangin. Ang mga kaluluwa na nagnanais manalangin ay patungo na sa daan upang sila ay tipunin. Nang walang labis na pagbibigay pansin sa material na bagay, manampalataya at taimtim na manalangin upangmapasaya ang Panginoon.”
Matapos ang katahimikan:
“Ang iniisip mo ba sa iyong puso ay totoo? Ikaw ba ay tunay na nakapaghanda na upang maging isang batong itinakwil? Aking nobisyada, hinahangad mo na mapabilang na walang paghahanda sa Panginoon, upang maging karapat-dapat na maging esposa, gawin mo ang panata nanalalaman mo na kailangan mo rin na tumanggap ng pagkapako sa Krus sa pamamagitan ng tatlong pako. Ang tatlong pako ng kahirapan, katapatan at pagsunod. Sa tatlong ito, ang pagsunod ay ang pundasyon. Sa kabuuan, hayaan mo ang iyong sarili ay pamunuan ng nakatataas sa iyo. Alam nya kung paano ka nya mauunwaan at kung ano ang iuutos nya sa iyo.”
To be continued...
Continuation...
ReplyDeleteIKATLONG MENSAHE (OKTUBRE 13, 1973)
“Aking mahal na anak, pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sa iyo. Ipaalam mo ito sa namumuno sa iyo.”
Matapos ang maikling katahimikan:
“Gaya ng winika ko sa iyo, kung ang tao ay hindi magsisisi at magbabago, ay isasagawa na ng Ama ang kakila-kilabot na kaparusahan sa buong sangkatauhan. Ang kaparusahan na ito ay daig pa ang isang delubyo na hindi pa kailanman nakita ng tao. Mahuhulog ang apoy mula sa langit at papawiin ang malaking bahagi ng sangkatauhan, maging mabubuti at ang masasama, kasama kahit mga kaparian at mga tapat. Ang makaliligtas ay matatagpuan ang kanilang sarili na nag-iisa na kaiinggitan nila ang mga yumao.Ang tanging armas na mananatili sa yo ay ang Rosaryo at ang Tanda na iniwan ng aking Anak. Sa bawat araw, dasalin ng Santo Rosaryo. Sa pamamagitan ng Rosaryo,manalangin para sa Papa, sa mga Obispo at mga kaparian.”
“Ang diyablo ay walang patawad labansa mga kaluluwa na naghandog ng kanilang sarili sa Diyos. Ang pag-iisip ng pagkawala ng maraming kaluluwa ang sanhi ng aking kalungkutan. Kung ang kasalanan ay madaragdagan at magiging mabigat, ay mawawalan na ng kapatawaran para sa kanila.”
“Tibayan mo ang iyong loob. Kausapin mo ang namumuno sa yo . Alam nya kung paano kayo hihikayatin na magdasal at upang makamit ang gawain ng pagbabayad-puri.”
Siya ay si Obispo Ito na gagabay sainyong komunidad.”
Ang Mahal na Birhen ay ngumiti at pagkatapos ay nagwika:
“Meron ka pa bang bagay na itatanong sa akin anak? Ngayon ay huling oras na ako ay makikipag-usap sa yo sa pamamagitan ng aking buhay na tinig. Mula ngayon, susundin mo ang isa napinadala sa yo at ang namumuno sa iyo.”
Manalangin ng mabuti, magdasal ng Rosaryo. Kahit ako lang ay kaya ko kayong iligtas sa mga kalamidad na paparating. Sa lahat ng mga magtitiwala sa akin ay maliligtas.”
To be continued...
Continuation...
ReplyDeleteKASAYSAYAN NG EKLESIYASTIKONG PAGTANGGAP
Pebrero 27, 1978 –Ang Papa Pablo VI ay inaprubahan ang Kongregasyon para sa Doktrina ng Pananampalatayang“Norms of the Congregation for Proceeding in Judging Alleged Apparitions andRevelations”. Ang kaugalian na ito ay nagbibigay ng pamantayan para suriin ang isang mahimalang pangyayari at mapagtibay ang Lokal na Ordinaryo bilang karampatang mga Awtoridad na gumawa nito. Sila rin ang nagsasagawa ng pang rehiyon o pangbansa na konperensya at maaring mamagitan kung pahihintulutan gaya ng Santo Papa.
Abril 22, 1984 –Matapos ang walong taong pagsisiyasat, Ang Kanyang Kabutihan, John Shojiro ito, Obispo ng Niigata, Japan ay kinilala ang “pambihirang katangian ng serye na mga mahiwagang kaganapan tungkol sa Imahe ng Banal na Inang Maria” at kanyang pinahintulutan “na sa buong diyosesis, ang pamimintuho sa Mahal na Inang ng Akita, habang naghihintay na ipahayag ng Santo Papa ang tiyak na pasya ukol sa bagay na ito.”
To be continued...
Continuation...
ReplyDeleteANG PAGTATALAGA NG SIMBAHAN, APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH SA MAHAL NA INANG BIRHEN MARIA NG AKITA BILANG PATRONA AT DIYOSESIS NG JAPAN
KASAYSAYAN:
Sa kapangyarihan ng Inang Simbahan ng Apostolic Catholic Church sa patnubay ng Banal na Patriarka, Ang Kanyang Kabanalan, + Juan Florentino L. Teruel P.P.,PhD. at sa kapangyarihan ng Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong. Ang Mahal na Inang Birhen ng Akita ay itinakda bilang Patrona ng bansang Japan noong June 14, 2005.
Taong 2005 din naganap ang kauna-unahang basbasan ng Mahal na Ingkong sa bansang Japan sa pamamagitan ng Banal na Patriarka. Sa taong ding ito nagsimula ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa bansang Japan sa pamamagitan ng mga Kaparian ng Kongregasyon, Order of the Missionaries of the Holy Spirit (O.M.H.S.) sa ilalim ng Inang Simbahan, APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH.
Kaalinsabay nito, noong taong 2005 din ay nagkaroon ng kauna-unahang Third Order Member Sisters ang bansang Japan sa patnubay ng Mahal na Patriarka at ng Kongregasyon ng mga Madre, OMHS Sisters.
Sa kauna-unahangpagkakataon, matagumpay na napabilang ang Imahe ng Mahal na Inang Birhen Mariasa 20th National Block RosaryConvention at Marian Procession ng Apostolic Catholic Church noong ika-8 ngDisyembre 2007 na ginanap sa Luneta Grandstand, Philippines bilang isa sa mga opisyal na Patrona ng Diosesis ng Japan.
Taong 2007, buwan ng Oktubre, nagsimula ang pag-aakyat ng Banal na Imahe ng Mahal na Inang Birhen ng Akita sa bawat tahanan sa pamamagitan ng Block Rosary sa Japan sa pangunguna ng mga Third Order Members Sisters kasama ng mga hinirang at tinatakan ng Mahal na Ingkong.
Ang Block Rosary na siyang mensahe ng Mahal na Inang Birhen ng Akita at ng Mahal na Mama, Santa Maria Virginia para sa ikaliligtas ng maraming kaluluwa ay lumaganap hanggang sa kasalukuyan sa lugar ng Sagamihara, Tokyo, Yokohama, Fujisawa, Ikuta, Saitama, Shi-zooka-ken, Akabane, Ofuna, Kawasaki, Shin-yurigaoka,at iba pang kalapit lugar sa bansa.