ONE SAVE ALWAYS SAVE (OSAS) BIBLICAL BA
Ang Paksa:
ONE SAVE ALWAYS SAVE (OSAS) BIBLICAL BA?
Isa ito sa mga katuruan na pinapalaganap ng mga nag papagpapakilalang mga Baptist na ayon sa aral na ito na kaligtasan tinanggap ng isang Kristiano sa tubig ng bautismo ay hindi na pwedi maiwala naniniwala sila na ang kaligtasan pag-natanggap mo ito ay hindi na ito pwedi mawala sa tao kahit sa anomang dahilan o mga pangyayari kahit magpakasama o magpaligaw ang tao sa harap ng Dios ay hindi na daw ito mawawala.
Totoo ba ang ganitong paniniwala? May batayan ba sa loob ng biblia ang ganitong katuruan? Ito ngayon ang ating paksa na reresulbahin.
Ang una natin katanungan Pwedi ba maiwala ng tao ang kaligtasan natanggap niya mula sa Dios ?
Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo,At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.(Heb.6:4-6)
Dito maliwanag na ang sagot sa ating katanungan tungkol ito sa mga taong minsan naliwanagan at nakalasap na ng kaloob ng kalangitan at nakabahagi ng Espiritu Santo at nakalasap ng mabuting salita ng Dios at ng kapangyarihan ng panahong darating at saka NAHIWALAY SA DIOS ay di maaring baguhin sila muli ng pagsisisi.
Bakit hindi na ito maaring baguhin ng pagsisisi Ano ang dahilan?
Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.(Heb.10:26-27)
Ang dahilan pala kung sinasadya na natin ang pagkakasala pagkatapus ating matanggap ang pagkakakilala sa katotohanan at wala nan haing natitira pa patungkol sa mga kasalanan kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom ng kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway ng Dios kaya hindi na ito pwedi baguhin ng pagsisisi.(Kaw.1:24-31)
Kaya ang pasabi ng Panginoon:
Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.(Heb.10:38).
Nawawala pala ang kaligtasan sa panahon ang lingkod na matuwid ay umurong? Ngayon paano nagagawa ng lingkod ang pag urong?
Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo. Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.(2 Ped.1:8-9)
Ito palang mga nagsiurong ito pala yong mga mananampalataya pagkatapus malinis sa kanilang mga kasalanan ay nakalimot at naging mga tamad at bulag at silay muling nahalubihan at muling nadaig ng kasalanan pagkatapus nilang talikuran ang banal na utos nangyari ang ayon sa kawikaan Nababalik na muli ang sa kaniyang sariling suka at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan
Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una. Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila. Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.(2 Ped.2-20-22)
Kaya hindi totoo ang sinasabi ng mga Baptist na ang kaligtasan ay hindi nawawala hindi ito mawawala kung iingatan mo itong maingat .(1 Cor.15:1-2,2Tes.2:14-15,Josua 1:8) pero kung ikaw mismo ang magwala nito maiwawala mo ito kung ihihiwalay ka sa paggawa ng katuwiran at gumawa ka ng kasamaan ay katiyakang mamamatay ka sa iyong kasalanan .
Ito ang patunay sa Aklat ng Ezekiel
Nguni't pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya. ..."Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at kinamamatayan; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya.(Ezek.18:24,26)
Dahil ang Dios ay makatuwirang Dios kung ayaw mo ng kaligtasan ay pwedi ka itakwil ng Dios at ang kanyang Espiritu ay hihiwalay sayo .(1Sam.16:14)
At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.(1 Cro.28:9)
Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na.(2 Cor.13:5)
Itatakuwil sila ng aking Dios, sapagka't hindi nila dininig siya; at sila'y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa.(Hosea 9:17)
Kaya ang sabi ni Apostol Pablo..."Dahil dito naman, nang hindi ko na matiis pa, ako'y nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya, baka sa anomang paraan kayo'y nangatukso ng manunukso, at ang aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan.(1 Tes.3:5)
Kahit hinirang kana pwedi kapa maligaw o mailigaw:
Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.(Mat.24:24)
Kaya ang Katuruan na "One save always save " ay hindi Biblical na aral kundi ito ay tuwirang sumasalungat sa aral ng Dios na nakasulat sa Biblia.
Comments
Post a Comment