HEBREO 5:7
[Hebreo 5:7 ] Ano ang kahulugan nito patunay ba ito na hindi Dios ang Kristo? Ito ngayon ang sasagutin natin isa ito sa malimit pinagkakamalian ng Mga INC 1914 at ng Mga Muslim nag-aakala sila na ang talatang ito ay nagpapatunay ng pagiging taong-tao ni Kristo.
Ano ba nakasulat sa talatang ito :
"Na siya (Kristo) sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,(Hebreo 5:7)
Pansinin ninyo ang talata ...SIYA...si Kristo sa mga araw ng kaniyang Laman...ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya itong talatang ito ay ang tagpo na kung saan malapit ng batahin ni Kristo ang kanyang kamatayan sa Krus na kung saan naghandog siya ng mga panalangin at mga daing sa Dios AMa na sumisigaw ng malakas at lumuluha.
Alin ang tinutukoy nito basahin natin:
Nang magkagayo'y dumating si Jesus na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin. At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin. At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. At lumapit siya sa mga alagad, at sila'y kaniyang naratnang nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Ano, hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras? Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman. Muli siyang umalis na bilang ikalawa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban. (Mateo 26:36-42)
Sabi ng ating Panginoong Jesu Kristo sa Panalangin niya ...Ama ko kung baga maari ,ay lumampas sa akin ang sarong ito (ito'y tumutukoy sa paghihirap na kanyang babatahin na inatang ng Ama na mangyri sa kanya.(Luc.24:44-46 ) sabi NIYA gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko kundi ang ayon sa ibig mo ...mangyari nawa ang Iyong kalooban.
Dito mapapansin natin ang Panginoong Jesu Kristo bilang ANAK ay laging nagpapasakop sa Kalooban ng kanyang Ama.
Itong pangyayaring ito naganap ito sa ---SA MGA ARAW NG KANYANG LAMAN--- Nung nagkatawang tao ang ANAK NG DIOS.
Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. (Filipos 2:5-8)
Na siya bagama't nasa anyong Dios dahil siya ay ANAK SIYA NG DIOS.(Jn.1:14) ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios o sa Ama kundi hinubad niya ito nagkatawang tao.(Juan 1:1-3,14) at nag-anyong alipin na nakitulad sa mga tao;At palibhasa nasumpungan sa ANYONG TAO ito ang tinutukoy na mga ARAW NG KANIYANG LAMAN nas siya ay nasumpungan sa ANYONG TAO nagpakababa nag ANYONG -ALIPIN at NAKITULAD sa mga TAO.
Bago ang kanyang pag-anyong tao siya ay DIOS ---ANAK NG DIOS .
At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo. Datapuwa't siya'y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito. At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios. At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:(Luc.1:28-32)
Sabi ng Anghel Gabriel kay Maria Magalak ka ,ikaw ay totoong pinakamamahal ....ANG PANGINOON AY SUMASA IYO ...narito maglilihi ka sa iyong tiyan at manganganak ka ng isang lalaki at tatawagin mo ang kaniyang pangalan na JESUS siyay magiging dakila at tatawaging ANAK NG KATAASTAASAN.---kaya ang pinaglihi ni Maria ay Ang PANGINOON na sumasa ka niya na ito ang ANAK NG KATAASTAASANG DIOS o ang BUGTONG NA ANAK NG DIOS AMA.
Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios...."At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. (Juan 1:1-2,14)
Nang siya ay nagkatawang -tao hindi siya nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote kundi natuto siya ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis ---Ginawa ito ni Kristo dahil siya ay nag-anyong ALIPIN at nakitulad sa MGA TAO --kung paano Ano karamdaman ng tao naramdaman din ito ni Kristo at kung ano ang tinitiis ng tao tiniis din ito ni Kristo dinala ni Kristo sa kanyang laman ang karamdaman ng tao at maging ang ating mga kapanglawan.(Isaias 53:3-4)...."Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi, Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon:..."Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya;(Hebreo 5:5,8-9)
Na bagamat ANAK NG DIOS at TUNAY NA DIOS.(1Juan 5:20) Gayon may natuto ng pagtalima naging masunurin hanggang sa kamatayan sa Krus na pinatay sa Laman.
Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman,..(1Ped.3:18)
At itong Ginawa ni Kristo na nanalangin at dumaing ng malakas na may pagluha sa may kapangyarihang makapagligtas sa kanya ito ay HALIMBAWA lamang na ipinakita ni Kristo upang sundan natin ang kanyang hakbang.
Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya:(1 Ped.2:21)
Sa mga tagpong ito nagtuturo ang Panginoon ng Halimbawa--hindi para sa kanya kundi para sa atin na matutoto tayong TUMAWAG SA DIOS Na siya ang may kapangyarihang makapagligtas sa atin sa kamatayan.(Rom.7:24)
At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.(Mga Gawa 2:21)
At iniligtas siya sa dahil sa kanyang BANAL na TAKOT na hindi makakita ng kabulukan ang kanyang laman ay muling Binuhay ito ng Dios Ama.
Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay: Na siya'y binuhay na maguli ng Dios, pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito. Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya, Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan; Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos: Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila; Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa: Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay; Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha....Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan. Ang Jesus na ito'y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat.(Mga Gawa. 2:13-28,31-32).
Natupad ang hula ni Propeta Isaias na ang Panginoon ay iniligtas ng kanyang sariling Kamay ng siya'y muling buhayin ng Ama upang maging tagapagligtas sa kanyang Bayan dahil sa kanyang pag -ibig at Awa ay tinubos sila at siya ay gumawa ng walang hanggang kaligtasan sa lahat ng nagsitalima sa kanya.
Sapagka't ang kaarawan ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng aking mga tinubos ay dumating. At ako'y lumingap, at walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin...."Aking babanggitin ang mga kagandahang-loob ng Panginoon, at ang mga kapurihan ng Panginoon, ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin, at ang malaking kabutihan na kaniyang ginawa sa sangbahayan ni Israel na kaniyang ginawa sa kanila ayon sa kaniyang mga kaawaan, at ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob. Sapagka't kaniyang sinabi, Tunay, sila'y aking bayan, mga anak na hindi magsisigawang may kasinungalingan: sa gayo'y siya'y naging Tagapagligtas sa kanila. Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya, at iniligtas sila ng anghel na nasa kaniyang harapan: sa kaniyang pagibig at sa kaniyang pagkaawa ay tinubos niya sila; at kaniyang kinilik sila at kinalong silang lahat noong araw. (Isaias 63:4-5,7-9).
Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.(Awit 20:6)
Si Kristo ang Panginoon na Kinahayagan ng Pagliligtas ng Bisig o Kamay ng Panginoon o ng Ama.
Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya. Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya. Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat. (Isaias 53:1-6)
Comments
Post a Comment