NASA LAHAT BA NG DAKO ANG DIOS







Nasa lahat ba ng Dako ang Dios ?



Paano naging sa lahat ng dako ito kung lumayo 

Iyong nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik, Oh Panginoon, huwag kang lumayo sa akin. (Awit 35:22)

Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon: Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin. (Awit 38:21)

Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang (Deut 31:17)

Ang Dios ay WALA sa GITNA natin?

Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay wala sa gitna natin? (Deut.31:17)

Nandito ba ang Dios..!! malayo siya sa Masama? at tumatayo sa malayo .


Ang Panginoon ay malayo sa masama:.."(Kawikaan 15:29)


Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan? (Awit 10:1)


Ito maliwanag na ito ang Dios wala sa lahat ng daku?wala siya sa Hangin at wala din siya sa apoy.

At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni't ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni't ang Panginoon ay wala sa lindol: At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig. (1 Mga Hari 19:11-12)

Nandito ba ang Dios hindi nga Lumabas na kasama ng Israel paano naging nasa lahat ng dako ito.

Nguni't ngayo'y itinakuwil mo kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri; at hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo. (Awit 44:9)



Ito nahiwalay sa mga mata ng Dios ?


Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali, nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata: gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik, nang ako'y dumaing sa iyo. (Awit 31:22)


Maniniwala kaya tayo na nasa loob rin ng larawang inanyuan ang Dios ?Eh maliwanag naman sa loob nuon ay walang hinga.



Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan? Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon. (Habakkuk 2:18-19)


Hindi totoo na sa lahat ng dako ang Dios.

Kung nasa lahat ng dako ang Dios kailangan niya pa ba BUMABA  at PUMAROON  sa lupa kung naroon na siya mismo.

At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao. At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin. Halikayo! tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita. (Genesis 11:5-7)


Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran..."(Habakkuk 3:3)




Pero kahit ang Dios wala sa lahat ng dako namamasdan niya lahat ng nangyayari at nakikita niya ito.


di naman kasi kailangan nasa lahat ng dako ang Dios o nasa lahat siya sapagkat may kakayahan siyang makita ng kanyang mata  ang lahat ng nangyayari sa kanyang mga nilikha.


Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit; kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao; Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya sa lahat na nangananahan sa lupa; (Awit 33:13-14)



Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa, na hinahanap ng Dios. (Awit 14:2)


At mula sa langit ang mata ng Panginoon ay nasa lahat ng dako na nagbabantay sa masama at sa mabuti.


Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti. (Kawikaan 15:3)


At ang lahat ay hayag at hubad sa kanyang Paningin.

At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan. (Hebreo 4:3)

Comments

Popular Posts