ANG PALIWANAG SA ISAIAS 43:10-12
Ngayon pag-aaralan natin itong nakasulat sa Isaias 43:10-12
Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko. Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas. Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios. (Isaias 43:10-12)
-Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili:
Kanino ito natupad pansinin natin..."Tinanong nga siya (Jesus) nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito? At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan. Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:6-8)
Natupad pala ito kay Kristo siya ang Panginoon na may mga SAKSI .
-upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga;
Magsisampalataya sa kanya at kanilang matalastas na siya si AKO NGA?Eh Sino ito.
Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa. Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham? Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga. (Juan 8:56-58)
Sino si AKO NGA si Kristo pala ito.
-walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.
Kay Kristo walang dios na Inanyuan na una sa kanya o magkakaroon man pagkatapos.
Alin ba itong dios na inanyuan ...ito sagot ng Banal na Kasulatan.
Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. (Isaias 42:8).."Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan. Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan. Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy: At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios. (Isaias 44:14-17)
Alin ang dios na inanyuan ito pala ang mga larawang inanyuan na ginawang dios ng mga tao.Tama nga naman ang sinasabi ng talata na sa TUNAY NA DIOS walang larawang inanyuan na magiging dios na una o susunod pagkatapos sapagkat ang larawang inanyuan ay kailanman ay hindi pwedi maging tunay Dios .
Siya naman kasi ang Una at siya rin ang magiging Huli
Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.(Apoc.22:13)
E Bakit ? Ang Tunay na Dios kasi hindi inanyuan kundi nasa anyong Dios na siya mismo.
Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: (Filipos 2:5-7)
-Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas. Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas.
Liban sa Panginoon walang Tagapagligtas? E Sino ito?
Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawagingKamanghamangha,Tagapayo,Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. (Isaias 9:6).."At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.(Mateo 1:21-23).."Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon. (Lucas 2:11)ang Panginoon ng mga Hukbo ay sumasa ATIN.(Awit 46:7,11)
Sino ang Tagapagligtas ito ang Cristo ang Panginoon na ito rin ang Makapangyarihang Dios na nagkatawang tao.(Juan 1:1-3,14) na tinatawag Immanuel na ang ibig sabihin ay sumasa atin ang Dios at ipinanganak ng isang Berhin.
- at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo:
Walang ibang tunay na Dios sa Gitna ng kanyang mga saksi kundi ang Panginoon .(Awit 46:5).
Sinabi ni Jesus..."Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila. (Mateo 18:20).
-kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.
Ito ang tunay na Dios na isinugo ng Ama sa Gitna ng kanyang bayan .
At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.(1Juan 5:20-21)
Ito rin ang Panginoon na magiging HARI sa Boung lupa
At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa. (Zacarias 14:9)
Na Inilagay ng Ama na magiging Hari ang kanyang Anak na anopat Upang sa pangalan ni JESUS ay iluluhod ang lahat ng tuhod ng nangasa LANGIT at nangasa IBABAW NG LUPA at nangasa ILALIM ng LUPA upang ipahayag ng LAHAT ng mga dila na si JESU CRISTO ay PANGINOON sa ikaluluwalhati ng Dios AMa.
Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig. Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya..."Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion. Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari. Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok. (Mga Awit 2:11-12,6-9)
Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2:9-11)
Comments
Post a Comment