MAGISTERIUM
MAGISTERIUM OF THE CHURCH
In the Catholic Church the Magisterium is the teaching authority of the Church. The magisterium (Latin: magister, "teacher") is the teaching office of the Catholic Church. Catholic theology divides the functions of the teaching office of the Church into two categories: the infallible sacred magisterium and the fallible ordinary magisterium. The infallible sacred magisterium includes the extraordinary declarations of the pope speaking ex cathedra and of ecumenical councils (traditionally expressed in conciliar creeds, canons, and decrees), as well as of the ordinary and universal magisterium. Despite its name, the "ordinary and universal magisterium" falls under the infallible sacred magisterium, and in fact is the usual manifestation of the infallibility of the Church, the decrees of popes and councils being "extraordinary".
Sa pamamagitan ng "Magisterium ng Simbahan "ay nakakatha ang Simbahang Katoliko ng mga Credo , Canon , at mga Decrees na dapat sampalatayan at tuparin ng isang manampalatayang Katoliko na hindi naayon sa salita ng Dios na nakasulat sa banal na Kasulatan kundi naayon lamang sa Katha ng konselyo ng kapapahan o pahayag lamang ng laman at dugo.(Mat.16:17)
fuerunt vero et pseudoprophetae in populo sicut et in vobis erunt magistri mendaces qui introducent sectas perditionis et eum qui emit eos Dominum negant superducentes sibi celerem perditionem(2 Ped.2:1 Latin Vulgate)
Na ayon kay Apostol Pablo na ang mga ito may pagmamalasakit sa Dios datapuwat hindi ayon sa pagkilala sa katotohanan o katuwiran na bagkus sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios na nakabatay sa kanyang salita .
Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.(Roma 10:2-3)
Bagkus sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanilang katuwiran ay pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan.
Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan,.."(Roma 1:25)
At dahil dito nagsipagnasa silang maging mga Guro ng kautusan (teacher of The Law) bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi , kahit ang kanilang boung tiwalang pinatutunayan na nagsisiupo sa Luklukan ni Moises .
Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.(1 Tim.1:7)
Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises.(Mat.23:2)
Anopa't ang BOUNG BAYAN ay nagsilakad sa mga Palatuntunan na kinatha ng tao o kinatha ng Kapapahan ng Iglesia katolica .
Hindi rin naman iningatan ng Juda ang mga utos ng Panginoon nilang Dios, kundi nagsilakad sa mga palatuntunan ng Israel na kanilang ginawa.(2 Mga Hari 17:19)
Comments
Post a Comment