JESUS SA TITULO NG PAGIGING ANAK NG TAO



Ngayon Tatalakayin natin ang isa sa napapanahong paksain  ang tungkol sa   paksa na hindi napag unawa ng mga kaanib sa culto ni Manalo (INC 1914) ang tungkol sa titulo ni Cristo na "ANAK NG TAO"

Ayon sa mga member ng (INC1914) kaya daw hindi Tunay na Dios si Cristo dahil daw tinawag siya sa banal na Kasulatan na "ANAK ng TAO" (Son of Man) ito daw ang patunay ayon sa kanila na si Cristo ay TAO lamang dahil sa tinawag siyang Anak ng tao.

Ngayon tama ba ang Pagkaunawa ng mga (INC1914) tungkol sa sa titulo ni Cristo na "ANAK NG TAO" una Bukod sa tinawag na ANAK ng TAO  si Cristo tinawag rin siya na ANAK NG DIOS o ANAK ng Kataas-taasan.(Luc.1:32,Jn.20:31)

Dito pinakilala ang ating Panginoong Jesus na ANAK NG DIOS at ang Dios ang kanyang AMA.(Luc.2:49) at siya ang Bugtong na Anak ng Dios (Juan 3:16, Juan 1:18)

Pinakilala rin siya na ANAK NG TAO?

And then shall appear the sign of the Son of man in heaven. And then shall all tribes of the earth mourn: and they shall see the Son of man coming in the clouds of heaven with much power and majesty.(Mat.24:30)


Dahil dito pinagkamalian ito  ng mga (INC1914) na ito daw ang patunay na hindi Dios si Cristo kundi TAO lamang dahil tinawag siyang ANAK NG TAO

Ngayon TAMA ba ang kanilang pagka-unawa sa nasabing TITULO ng ating Panginoong Jesu Cristo?Bakit tinawag ang ating Panginoong Jesus na ANAK NG TAO ? Ano ang kahulugan ng titulo na Anak ng Tao tumutukoy ba ito sa pagiging ANAK siya ni Maria ?Ito ngayon ang ating bibigyan ng kasagutan.

Sa Hebrew ang salitang ANAK ng TAO ay "BANE ADAM" itong "ADAM" o (TAO) hindi ito tumutukoy sa TAO sa kalagayan kundi bagkus ginamit rin ito para tukuyin ang isang persona na nakaupo sa luklukan sa langit na walang iba kundi ang Dios na nasa anyo ng "ADAM" o TAO "Kemar 'eh Adam" isa ito sa titulo ng Dios ang matawag na "TAO" sapagkat sa Biblia ang Dios ay tinatawag na "TAONG MANDIRIGMA o (Man of War).

"Lakari al rosham demut kisse e'ven kemar 'eh de mut hakkise kemar 'eh Adam(Ezek.1:26)


ikinapit din sa Dios ang titulo na "TAONG MANDIRIGMA" (MAN OF WAR)

"The Lord is a man of war ,the Lord is his name.(Exo.15:3 KJV)

"Jehovah is a man of war ,Jehovah is his name.(Exo.15:3 ASV)

"Jehovah is a man of war ,Jehovah his name.(Exo.15:3 Darby Bible traslation)

"Yahweh is a man of war ,Yahweh is his name.(Exo.15:3 World english Bible)

Sa Hebrew ang ginamit sa salitang "MAN OF WAR" ay "(Iysh) (eesh) Milchaman" (Iysh) in literal meaning is a man as individual or a male person.

itinulad rin siya sa isang "mighty man " like a mighty man.(Isa.43:13)

Kaya si Cristo ay tinawag na  ANAK ng TAO hindi dahil siya ay tao lamang bagkus  ang katumbas nito ay ANAK siya ng TAONG MANDIRIGMA o ng    Kataas-taasang Dios (Ang AMA).(Luc.1:31-33) na nakaupo sa kanyang luklukan sa langit na nasa wangis o anyo ng TAO "Kemar eh Adam" ito ang tamang kahulugan ng pagiging ANAK ng TAO ni Cristo siya ang Anak ng Kataas Taasang Dios AMa na nakaupo sa kanyang luklukan sa langit na nasa anyo ng TAO.(Ezek.1:26)

Ang Anak ng tao ay siya ring Anak ng Dios.,,,,"Datapuwa't magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios.At sinabi nilang lahat, Kung gayo'y ikaw baga ang Anak ng Dios? At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagsasabi na ako nga.(Luc.22:69-70)

Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao, at siya'y naparoon sa matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya.At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.(Dan.7:13-14)

Itong gaya ng Anak ng tao ay  ang Panginoon na paparito sa mga Alapaap na kasama ng laksa laksang mga banal.(Deut.33:2,Awit 18:7-16,Judas 1:14)

At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit. At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. (Marcus 13:25-26)

Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. (Mateo 24:29-30)

Itong Anak ng tao na ito na siya ring ANAK NG DIOS nagtaglay na ito ng kaluwalhatian at kalagayan sa langit bago ito nagkatawang tao at ipinanganak ni Maria.

Ano nga kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng tao sa kinaroroonan niya nang una? (Juan 6:62)

Saan itong kinaroonan ng ANAK NG TAO ng Una bago siya magkatawang tao at ipanganak ni Maria.

Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. (Juan 6:38)

Nasa Langit ang kinaroonan ng Anak ng tao  bago ito nagkatawang tao kasi siya ang ANAK NG AMA ang VERBO NA DIOS.(Juan 1:1,14,18) at INIBIG na siya ng AMA bago natatag ang sanlibutan at may kaluwalhatian na siyang tinamo bago ang sanlibutan ay naging gayon.

Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan. ..."At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon. (Juan 17:24,5)

Alin ang Kaluwalhatian na tinamo ng Anak bago ang sanlibutan ay naging gayon.

Ito paliwanag ng kasulatan.

At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. (Juan 1:14)

Ito ang kaluwalhatian ng BUGTONG NG AMA na puspos ng biyaya at katotohanan.

Kaya ang Dios ay PAG-IBIG buhat sa pasimula.(1Juan 4:16) dahil ang ANAK ang unang INIBIG ng Ama .(Juan 17:24)

Itong Anak ng tao ay ito rin ang Dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesu Cristo.

Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo; (Titos 2:13)


kaya ang Titulo ng ating panginoong Jesu-Cristo  na Anak ng Tao ay hindi ito tumutukoy sa pagiging ANAK ni Maria kundi tumutukoy ito sa pagiging Anak ng Dios ni Cristo na larawan ng Dios na hindi nakikita (Col.1:15, Heb.1:3)siya ang Anak ng Taong mandirigma ,ang Anak ng Dios na buhay.

"Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao?At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta. Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.(Mat.16:13-16)

Comments

Popular Posts