ANG KARUMALDUMAL NA ESPIRITU NA GUMAGALAW SA MGA PENTICOSTAL AT GROUPO NG MGA BORN AGAIN

Ang Mapanlinlang na lalang ni Satanas na ginagawa sa loob ng mga Charismatic Group at Mga Penticostal Churches.

Nililinlang ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng daya.(2 Tes.2:9-10) pinapaniwala ang tao sa kanyang kahanga-hangang kasinungalingan.

Makikita natin sa video kung paano gumagawa si satanas ng kanyang kahangahangang kasinungalingan sa video ng Crusade Healing ni Benny Hinn makikita natin ang pagkakatulad ng lalang ni Satanas na nakatala sa Mateo 17:14-15 at Lucas 9:38-39,42 sa mga nasasaniban ng karumaldumal na espiritu na ang nasasaniban nito ay nabubuwal ,nahihimatay at naliliglig at nagmumukhang sira ulo na naghahalucinate na parang mga LASING.Ito ay maliwanag na hindi gawa ng HOLY SPIRIT kundi ng Kaaway o lalang ng masasamang espiritu.


Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.(Isaias 24:20)



                                     


Aking sinabi tungkol sa tawa, Ito'y ulol: at sa kasayahan, Anong ginagawa nito? (Ecle.2:2)


Wala tayong may mabasa sa Biblia na ang pinagaling ng Panginoong Jesu Cristo at ng kanyang mga Apostol ay nahihimatay at nabubuwal o naliliglig hindi ito ang nagiging reaksyon ng mga tumanggap ng pagpapagaling bagkus ang mga nabubuwal ay itinatayo.(Mga Gawa.3:1-8).at tumitino ang pagiisip.(Marcus 5:15)

At narito, isang lalake sa karamihan, ay sumigaw na nagsasabi, Guro, ipinamamanhik ko sa iyo na iyong tingnan ang aking anak na lalake; sapagka't siya'y aking bugtong na anak;At narito, inaalihan siya ng isang espiritu, at siya'y biglang nagsisigaw; at siya'y nililiglig, na pinabubula ang bibig, at bahagya nang siya'y hiwalayan, na siya'y totoong pinasasakitan....At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama.(Lucas 9:38-39,42)

At pagdating nila sa karamihan, ay lumapit sa kaniya ang isang lalake, na sa kaniya'y lumuhod, at nagsasabi,Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig.(Mateo 17:14-15)


Speaking Tangues:


Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang:(Kaw.10:19)

False Speaking Tongues kinabisado na salita ng isang penticostal pastor na nabuo lang sa isip niya na siya mismo hindi niya alam kung anong  salita ang kanyang sinasabi kasi ang kanyang salita ay hindi umiiral na salita nagsasalita siya na parang parrot.

May mga tao na nangasinsay at nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita na nagsipagnasang maging guro ng kautusan bagaman di nila NATATALASTAS KAHIT ANG KANILANG SINASABI ito ang kahalintulad ng mga speaking in tongues ng mga Penticostal na kinabisado na kung saan gumagamit sila ng mga salita na sila mismo hindi nila naiintindihan kung ano ang kahulugan.

Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita;Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.(1Tim.1:6-7)

Matagal na ito pinagpauna ng Banal na kasulatan na ang mga MANGMANG ay magsasalita ng KAMANGMANGAN silay magsisiungol na parang ASNO at dumadaing na parang mga kalapati at magsasalita na parang saliwan ng tabak na hindi mo maiintindihan.(Kaw.12:18)


Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kamangmangan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon..."(Isaias 32:6,Kaw.15:2)

Kami'y nagsisikapa sa bakod na parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.(Isaias 59:10-11)

".... nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya. May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak:..."(Kawikaan 12:17-18)

Ang Dios ay Dios ng Kaayusan hindi ng kaguluhan:


Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kaayusan. Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal,(1Cor.14:33)

Makikita natin sa pagkakatipun na yan ang kaguluhan at walang kaayusan na kung saan may nahihimatay at natutumba , mayroon nman sumasayaw na parang nasiraan ng bait hindi ito ang kaugalian ng mga unang Kristiano.

Comments

Popular Posts