NAMATAY NGA BA DIOS AT SINO ANG BUMUHAY
Isang paksa na naman ang ating pag-aaralan sa Awa at Tulong ng Dios ito ay tungkol sa pagkamatay ng ating Panginoong Jesu Cristo at sa kanyang muling pagka buhay na tila hindi naintindihan ng mga culto ni Manalo sa dahilang "Ang tunay na Dios daw ay hindi namamatay kaya kung namatay daw ang ating Panginoong Jesu Cristo ito daw ang patunay na hindi siya ang Dios na tunay.
Ganito ang logic ng mga culto ni Manalo "Ang Tunay na Dios hindi namamatay si Cristo namatay kaya hindi siya Dios na tunay ...ngayon ang tanong natin ang anghel hindi rin namamatay Dios ba tunay ang anghel.
kung susundan natin ang kanilang mga maling kaisipan lalabas dahil ang anghel hindi rin namamatay ay tunay na Dios din ang anghel kung ganon.kaya hindi batayan dahil hindi namamatay o isang Immortal ay tunay na Dios na.
Ngayon Alamin natin Bakit namatay ang Cristo at Ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay?Totoo ba na namatay ang Dios?
"Tungkol sa kaniyang Anak ,na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman.(Rom.1:3)
Ito palang Anak ng Dios na kasama ng Dios sa pasimula nung magkatawang tao ito.(John 1:1,14,18)ay ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman.kaya dito maliwanag na itong anak ng Dios ay sumuklob ng laman .(1Tim.3:16 KJV)
Ngayon ang Tanong natin kung ang Anak ng Dios ay sumuklob ng Laman alin yong pinatay sa Anak ng Dios?
"Sapagkat si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan ,ang matuwid dahil sa mga di matuwid upang tayo'y madala niya sa Dios siyang pinatay sa laman ,ngunit binuhay sa espiritu.(1Ped.3:18)
Alin po ang pinatay sa Anak ng Dios dito maliwanag na ang Laman o (katawang tao) ang pinatay sa kanya upang tayo madala niya sa Dios ,na siya nagbata minsan dahil sa ating mga kasalanan.kaya ang namatay sa kanya hindi ang kanyang pagka Dios kundi ang Laman nung siya ay magkatawang tao.
Pumayag kasi ang ANAK NG DIOS na ibigay ang kanyang BUHAY may Kapangyarihan ang ANAK NG DIOS na magbigay ng kanyang BUHAY at kumuha nito.
Dahil dito'y sinisinta ako ng Ama, sapagka't ibinibigay ko ang aking buhay, upang kunin kong muli. Sinoma'y hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong magbigay nito, at may kapangyarihan akong kumuhang muli. Tinanggap ko ang utos na ito sa aking Ama.(Juan 10:17-18)
Ano patunay natin na hindi ang Dios (Cristong Espiritu ) ang namatay kundi ang "Katawang laman" ?
"Na tuparin mo ang utos na walang dungis walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu Cristo na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya na mapalad at tanging Makapangyarihan ,Hari ng mga hari,at Panginoon ng mga panginoon ;na siya lamang ang walang kamatayan,na nananahan sa liwanag na di malapitan na nakita ng sinomang tao ,o makikita man sumakaniya nawa ang kapurihan paghaharing walang hanggan.siya nawa.(1 Tim.6:14-16)
Dito maliwanag na si Cristo ang tinutukoy na Hari ng mga hari at Panginoon ng mga Panginoon.(Apoc.19:11-16) na siya walang kamatayan.kaya ang Dios na tumatahan sa Loob ng laman hindi yon ang namatay kundi ang maliwanag sa nabasa natin ang laman yong pinatay .
'At nang siya'y aking makita ay nasubasub akong waring patay sa kaniyang paanan at ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay na sinasabi ,huwag kang matakot Ako'y ang Una at ang huli,at nabubuhay ,at ako'y namatay at narito ,Akoy nabubuhay magpakailan man at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at hades.(Apoc.2:17-18)
Ngayon Sino itong siya ang Una at ang Huli na nabuhay ,at namatay ,at nabubuhay magpakailanman?
"Banal ,banal,banal ang Panginoong Dios ang makapangyarihan sa lahat na nabuhay at nabubuhay at siyang darating .(Apoc.4:8)
"Ganito ang sabi ng Hari ng Israel at ng kaniyang Manunubos ,na Panginoon ng mga hukbo ,Ako ang una at ako ang huli at liban sa akin walang Dios.(Isa.44:6)
"Iyong dinggin Ako ,Oh Jacob at Israel na tinawag ko ,Ako nga ;Ako ang una ,at ako ang huli.(Isa.48:12)
Ang Panginoong Jesu Cristo pala ang Una at ang Huli na siya rin ang Panginoong Dios na Hari ng Israel na siyang Manunubos na nabuhay at namatay at muling nabuhay nasa kapangyarihan niya ang ialayang kanyang buhay at nasa kapangyarihan niya rin na bawiin ito sapagkat ito ang tinanggap niyang utos sa kanyang Ama na anak ay kailang mamatay para matupad ang hula magmula kay Moses at sa mga propeta .
At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta! Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.(Luc.24:25-27)
Ngayon ang tanong natin Sino ang bumuhay sa ating Panginoong Jesus Cristo na pinatay sa Laman?
"Siya 'y muling binuhay ng Dios nang ikatlong araw ,at siya'y itinalagang mahayag.(Acts 10:40)
Dito maliwanag na ang ating Panginoon Jesu Cristo na pinatay sa laman ay binuhay ng Dios .Dito na naman ngayon mangangatuwiran ang mga Culto ni Manalo sasabihin nila ayan ika "Dios ang bumuhay kay Cristo " kaya hindi siya ang Dios "may katuwiran ba ganitong pangangatuwiran .
"Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi Igiba ninyo ang templong ito at aking itatayo sa tatlong araw,sinabi nga mga judio apat na put anim na taon ang pagtatayo ng templong ito at itatayo sa talong araw ?datapuwat sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan.(John 2:19-21)
Sino ang Dios na bumuhay sa laman na pinatay maliwanag ang sagot ng ating Panginoong Jesus "Igiba ninyo ang Templong ito (na tumutukoy sa kanyang katawan ) at sabi nya AKING ITATAYO SA TATLONG ARAW"Sino ang Dios na magtatayo o bubuhay sa laman na pinatay walang iba siya rin mismo ang bubuhay nito .na templo na kaniyang tinutukoy na kaniyang itatayo ay walang iba ang kaniyang katawan na nabuhay na mag uli sa ikatlong araw.....kaya ang napatay at naipaku ng mga sundalong Romano sa krus ay ang LAMAN o katawan ngunit ang Dios o (Ang Anak ng Dios) na tumatahan duon sa loob ng Laman ay hindi namatay o mamatay.(1 Tim.6:14-16) sapagkay ito ay Buhay.(Juan 14:6) na Dios na nahayag sa laman.(1 Tim.3:16)..."Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman, (Col.2:9)
"At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo ay ipinanumpa ito at yaong tumatahan sa loob nito.(Mat.23:21)
"Bumangon ka ,Oh Dios hatulan mo ang lupa sapagkat iyong mamanahin ang lahat ng mga Bansa.(Awit 82:8)
"...Na Bumangon Akong maaga...(Jer.26:5)
"Tumahimik ang lahat ng tao sa harap ng Panginoon sapagkat siya GUMISING na sa kaniyang Banal na tahanan.(Zac.2:13)
Awake, why sleepest thou, O Lord? arise, cast [us] not off for ever.(Psalms 44:23)
Awake, awake, arm of the LORD, clothe yourself with strength! Awake, as in days gone by, as in generations of old. Was it not you who cut Rahab to pieces, who pierced that monster through?(Isaiah 51:9)
Ang Tahanan na tinutukoy ay ang Templo o katawan niya na Iginiba at ibinangon sa ikatlong araw.
(תִישַׁ֥ן) | ti·shan | to sleep.(Psalms 44:23) Ang salitang Natulog sa hebrew ay "Tishan or yashen" na literal meaning nito ay natulog katumbas rin nito ang namatay .(Deut.31:16,Dan.12:2,1Kings 22:40) |
why sleepest
yashen (yaw-shane')
to be slack or languid, i.e. (by implication) sleep (figuratively, to die); also to grow old, stale or inveterate -- old (store), remain long, (make to) sleep.
Iksakto sa hula sa pagbukang liway-way ng umaga bumangon ang ating Panginoong Jesu Cristo sa gitna ng mga patay.(Mat.28:1-7)
"Sinabi sa kaniya ni Jesus "Ako ang pagkabuhay na mag uli ,at ang kabuhayan ,ang sumasampalataya sa akin bagamat siya'y mamatay gayon may mabubuhay siya.(John 11:25)
"Since was God's Children ,are human being made of flesh and blood HE became flesh and blood too by being born in HUMAN form for only as a human BEING COULD HE DIE AND IN DYING BREAK the power of the devil who had the power of death.(Heb.2:14 TLB)
Pwedi Ba Mamatay ang Dios?
Ang Sagot "Pwedi"
Kung gusto niya? ang patunay pinatay ang Lumikha ng Buhay pinatay siya ayon sa laman.
Dahil Bagama't siya Dios hinubad niya ito at naganyong ALIPIN na nakitulad sa mga tao.(Filipos 2:5-7) kaya namatay siyang parang tao.(Awit 82:6-7) ngunit Babangon siya sa libingan na isang PANGINOON upang hatulan ang lupa.(Awit 82:8)
Dahil Bagama't siya Dios hinubad niya ito at naganyong ALIPIN na nakitulad sa mga tao.(Filipos 2:5-7) kaya namatay siyang parang tao.(Awit 82:6-7) ngunit Babangon siya sa libingan na isang PANGINOON upang hatulan ang lupa.(Awit 82:8)
"At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito.(Mga Gawa 3:5) ang panginoon ng kaluwalhatian na kanilang ipinaku sa krus.(1 Cor.2:8)
Na kung saan ito rin ang Panginoon na Gumawa ng Tipan.(Heb.8:8-10) Na namatay.
"At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.Sapagka't kung saan mayroong tipan doo'y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon.(Heb.9:15-16)
Comments
Post a Comment