JESU CRISTO ANG "EXALTED" NA DIOS
Ngayon Pag-aaralan natin ang isa sa mga talata na pinagkamalian ng mga Manalo Cult ito ang Acts 5:31 at Filipos 2:9 ayon sa mga Manalo Cults ito daw ang batayan nila na hindi daw katutubo ang pagiging Principe at pagiging Tagapagligtas ni Cristo sapagkat PINADAKILA o (EXALTED) lang daw sia ng Dios.
Basahin natin ang kanilang mga talata na pinagbabatayan;
"Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran ng mga kasalanan.(Acts 5:31)
"Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan.(Fil.2:9)
Ayon sa mga Manalo Cults kung Principe at Tagapagligtas man daw ang Cristo dahil daw pinakadakila (exalted) lang daw siya ng Dios.ganito nila pinangangatuwiranan ang kanilang mga maling pagka-unawa sa talata kaya sila nahulog sa lisyang paniniwala.
Makikita natin Tama ang talata ngunit mali ang unawa ng mga Manalo Cults.Una kung pinadakila (exalted) man ng Dios ang Cristo ito ay hindi salungat sa katotohanan sapagkat talastas natin na ang Ama at ang Anak ay nagluluwalhatian sa isa't -isa.
"Ang mga bagay na ito ay sinasalita ni Jesus at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit ay sinabi niya Ama dumating na ang oras LULUWALHATIIN MO ANG IYONG ANAK UPANG IKAW AY LUWALHATIIN NG ANAK.(John 17:1)
Dito makikita natin na ang Ama at Anak ay nagluluwalhatian sa isat -isa.niluluwalhati ng Anak ang kanyang Ama at niluluwalhati naman ng Ama ang kaniyang Anak na si Jesu Cristo.bukod dito niluluwalhati din ng Dios ang kanyang marangal na pangalan.
"Ama luwalhatiin mo ang iyong pangalan .dumating nga ang isang tinig mula sa langit na nagsabi niluwalhati ko na ,at muli kong luluwalhatiin.(John 12:28)
Maging ang pangalan pala ng Dios ay niluluwalhati nya kaya hindi posible na ang Anak nya ay luluwalhatiin nya rin.
Ngayon Alam ba ninyo na ang Ang Dios ay isang "EXALTED GOD"?
"And Mary said "My soul EXALTS the LORD.(Luke 1:46 NAS)
Ang Maria na Ina ng ating Panginoong Jesu Cristo ay nag-exalt sa Panginoon di naba siya Dios dahil ini-enixalt lang siya ni Maria.
"Exalt ye the Lord ,our God ,and worship at his footstoll,for he is holy.(Psalms 99:5 KJV)
"Exalt ye the Lord ,our God ,and worship at his footstoll,for he is holy.(Psalms 99:5 KJV)
"Be thou EXALTED ,Oh God above the heavens ,let thy Glory above all the earth .(Psalms 57:5,11 KJV)
"Be still ,and know that I am God I will be Exalted among the heathen ,Iwill be Exalted in the earth.(Psalms 46:10 KJV)
Dito maliwanag na ang tunay na Dios ay isang "EXALTED GOD"
At ang Pagdakila o (Exaltation) ng Anak ay tinamo nya na ito bago itatag ang sanglibutan?
"At ngayon Ama luwalhatiin mo ako sa iyo ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.(John 17:5)
Bago ang sanglibutan ay itatag may tinamo na palang kaluwalhatian o pagdakila ang Anak sa kaniyang Ama.Ngayon kung pinadakila lang natamo ni Cristo ang pagiging Tagapagligtas salungat ba ito sa salita ng Dios.
"Ako ,samakatuwid bagay Ako ang Panginoon at liban sa akin walang tagapagligtas.(Isa.43:11)
Wala palang Tagapagligtas liban sa Panginoon.kaya bukod sa Panginoon ay hindi na magkakaroon ng tagapagligtas.at itong Panginoon na ito siya ang Makapangyarihang Dios na Principe ng kapayapaan.(Isa.9:6)
Comments
Post a Comment