JOHN 17:1-3 HINDI NAINTINDIHAN NG MGA BULAG NA MINISTRO NI MANALO
Ngayon Tatalakayin natin ang isa mga pinagbabatayang talata ng mga INC 1914 tungkol sa Aral na ang Ama lang daw ang iisang Tunay na Dios sa Juan 17:1-3
Ang mga bagay na ito ay sinasabi ni Jesus at sa pagkatingala ng kaniyang mga mata sa Langit ,ay sinabi niya Ama dumating ang oras luwalhatiin mo ang iyong Anak,upang ikaw ay Luwalhatiin ng Anak ..."At ito ang buhay na walang hanggan na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay at siyang iyong isinugo ,samakatuwid baga'y si Jesu Cristo.(Juan 17:1,3)
Ito ang kanilang ginagamit na batayan para ituro na ang Ama lang daw ang IIsang Tunay na Dios pero pansinin natin na ang Layunin ng Anak ay ipakilala ang Amang nagsugo sa kanya .
"Walang taong nakakita kailanman sa Dios ang Bugtong na anak ,na nasa sinapupunan ng Ama siya ang nagpakilala sa kaniya.(Juan 1:18)
Dito maliwanag na ang Bugtong na Anak na nasa sinapupunan ng Ama ang magpapakilala sa Ama na siyang iisang Dios na tunay ,kaya kung pansinin natin walang kontrahan sa talatang ito. kung sinabi man ng Anak na ang Ama ang iisang Dios na Tunay dahil ipinakilala niya nga ito.
Ngayon ang Tanong natin kung ang Ama ang iisang Dios na Tunay saan naman nagmula itong Anak na magpapakilala sa Ama.
Basahin natin; "Sapagkat ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila at kanilang tinanggap at nakikilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo ,at nagsipagpaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.(Juan 17:8)
Saan Nagbuhat ang Anak sabi ng ating Panginoon Jesus ..'"Nakikilala nilang tunay na nagbuhat ako sa IYO"Ito palang Bugtong na Anak na nagpakilala sa Ama na iisang tunay na Dios ay nagbuhat o nangaling mismo sa AMA at dahil ang Anak ay buhat mismo sa AMa hindi hiwalay ang Anak sa Ama bagkus bahagi siya ng AMa at dahil bahagi ng Ama ang Anak tunay na Dios ang kalagayan ng Anak kung paano tunay na Dios ang kanyang pinagbuhatan.(John1:1)
"Sapagkat ang Ama rin ang umiibig sa inyo sapagkat ako'y inyong inibig ,at kayo'y nagsisampalataya na "Akoy nagbuhat sa Ama.(Juan 16:27)
Dito maliwanag na ang Bugtong na Anak na nasa sinapupunan ng Ama ay nagbuhat mismo sa Ama samakatuwid bahagi siya ng Ama o .kasama ng Ama sa pasimula.(Juan 1:1-2)
"Hindi ka baga nananampalataya na Akoy nasa Ama at ang Ama ay nasa akin?.(Juan 14:10)
At isinugo ng Ama sa sanglibutan.(1Juan 4:9) at nung isugo ng Ama ang kanyang Anak sa Sanglibutan..." Ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.(Gal.4:6)ay Ipinakilala ito ng AMA na Tunay na Dios rin.
"At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios at tayo'y binigyan ng pagkaunawa upang ating makilala siya na totoo samakatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesu Cristo .Ito ang tunay na Dios at ang buhay na walang hanggan.(1Juan 5:20)
Kaya tumungo ang AMA mula sa kaitaasan ng Langit at tumingin sa lupa..."Sapagka't siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;(Awit 102:19)at sinabi sa ANAK
Kaya tumungo ang AMA mula sa kaitaasan ng Langit at tumingin sa lupa..."Sapagka't siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;(Awit 102:19)at sinabi sa ANAK
"Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.(Heb.1:8)
Kaya ang kontexto ng Juan 17:1-3 ay ang misyon ng Anak na ipakilala ang Ama na iisang tunay na Dios at nung ipakilala ng anak ang Ama ay ipinakilala naman ng Ama na itong kanyang Anak ay tunay na Dios rin gaya niya .(1Juan 5:20, Hebreo 1:8) at siyang iyong isinugo samakatuwid baga'y si Jesu Cristo.(Juan 17:3).na Anak ng Ama.(2 Juan 1: 3)
Nung sabihin ba ng Anak na ang Ama ay ang makikila na iisang Dios na tunay nangangahulugan ba ito na hindi tunay na Dios ang Anak ,,,HINDI PO!!!! Gusto lamang ituro ng Anak na sa pagiging AMA na pinagbuhatan ng lahat ng bagay tangi lamang ang Ama ang nag-iisang Dios na tunay sapagkat ang Anak man ay nagbuhat sa Ama at siya walang kagaya sa pagiging Ama.(2 Sam.7:22) at ang sinomang tumatanggi sa Ama at sa Anak ay anti-cristo.(1Juan 2:22)
Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?(Kawikaan 3O:4)
Kaya SUMPA na Dapat Sumpain ..."At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa,.."(Gen.24:3)
Kaya ang Konklusyon ay ganito:
Ang Dios Ama na nasa Langit ay Tunay na Dios.(Juan 17:1,3) at ang ANAK ng Dios na naparito sa Sanlibutan.(1Juan 5:20) ay Tunay na Dios rin.(Heb.1:8)
Kaya SUMPA na Dapat Sumpain ..."At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa,.."(Gen.24:3)
Kaya ang Konklusyon ay ganito:
Ang Dios Ama na nasa Langit ay Tunay na Dios.(Juan 17:1,3) at ang ANAK ng Dios na naparito sa Sanlibutan.(1Juan 5:20) ay Tunay na Dios rin.(Heb.1:8)
Comments
Post a Comment