ANG MALING PANGANGATUWIRAN NI CENON BIBE UKOL SA BAUTISMO NA TINANGGAP NG APOSTOL PABLO
Isa sa mga Catcholic Defenders (CFD) ay gumawa ng pagpapalusot tungkol sa Bautismo dahil hindi niya mailusot ang baustismo na BUHOS at WISIK umimbento itong si Cenon Bibe tungkol sa bautismo na ayon sa kanya ito daw ang bautismo na tinanggap ng Apostol Pablo nung Bautismuhan si Apostol Pablo ng alagad ng ating Panginoong Jesu Cristo na si Ananias sa bahay ni Judas.
Ito ang Ginamit ni Cenon Bibe na talata ito ngayon ang ating susuruin kung tama ba ang kanyang pagkaunawa sa talata ang isa sa ginamit niya ay ang ACTS 9:17-18
Ano ba ang nakasulat sa talata na ito may WISIK ba at BUHOS sa Bautismo na tinanggap ng Apostol Pablo?
"At umalis si Ananias at pumasok sa BAHAY at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinasabi ,kapatid na saulo ang Panginoon sa makatuwid baga'y si Jesus ,na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan ay nagsugo sa akin upang tanggapin mo ang iyong paningin at mapuspus ka ng Espiritu Santo.(Acts 9:17)
Pansinin natin itong lingkod ng Panginoon na si Ananias ay pumasuk sa BAHAY na kung saan nandoon si PABLO o SAULO sa dahilang isinugo sia ng Panginoon para tanggapin ni SAULO ang kanyang Paningin sapagkat alam natin nung magpakita ang Panginoon kay Saulo ay nabulag ito sa subrang liwanag.
ngayon ang bahay na pinasukan ni Ananias ay BAHAY ni JUDAS na kung saan naroon ito sa tinatawag na LANSANGANG tinatawag na MATUWID?
"At sinabi sa kaniya ng Panginoon ,magtindig ka at pumaroon sa lansangang tinatawag na MATUWID ,at ipagtanong mo sa BAHAY NI JUDAS ang isa na nangangalang SAULO lalaking taga Tarso sapagkat narito'y siya'y nananalangin.(Acts 9:11)
At itong Lansangan na tinatawag na Matuwid ito ay nasa DAMASCO.(Acts 9:8) Ano ngayon sumunod na Tagpo nung pumasok si Ananias sa Loob ng bahay ni Judas
"At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis ,at tinanggap niya ang kaniyang paningin at siya'y NAGTINDIG at siya'y BINAUTISMUHAN.( Acts 9:18)
Nung matanggap ng Apostol Pablo ang kanyang paningin NAGTINDIG ang Apostol Pablo at siya'y BINAUTISMUHAN .
Sa Greek ganito ang nakasulat :
"Eutheos apepesan ophthalmon os lepides aneblepsen anastas EBAPTISTHE.(Acts 9:18)
Ang ginamit ay "EBAPTISTHE" in literal meaning to "TO DIP" or to SINK from the word BAPTO or BAPTIZO means "IMMERSE or SUBMERGE.
Eh di LUBOG talaga ang naganap nung bautismuhan si Apostol Pablo.kasi kung BUHOS ang naganap dapat sana ang Ginamit sa Greek ay "EKCHEO" means to POUR OUT at kung WISIK naman ang ginamit ay "RERANTISMENOI" means to SPRINKLE
kaya mali ang Unawa ni Cenon Bibe sa talata ito ay kahayagan lamang na ginawa nya hindi paglalahad kung ano ang katotohanan kundi isang panlilinlang sa mga nagbabasa ng BLOG nya.
Ito kahayagan lamang na puro pag papalusot ang ginagawa ni Cenon Bibe ang Claime nya "WALA" sa talata na pinagbabatayan nya.ito sinasabi ng Apostol Pablo na nagsisipagnasang maging Guro ng kautusan ngunit hindi man lang natatalastas kahit ang kanilang sinasabi kahit ang kanilang boung tiwalang pinatutunayan.(1 Tim.1:7)
kung susundan natin ang argumento ni Cenon na dahil sa BAHAY binautismuhan si PABLO kaya walang sapat na TUBIG para lubugan yan ay maling kaisipan .sapagkat nuon pa man sa panahon ng Bayang Israel natutunan na ng mga tao ang gumawa ng imbakan ng tubig .(2 King's 20:20,Ecle.20:6,John 5:2-7) kaya hindi imposible na sa bahay ni Judas magkaroon ng sapat na tubig kaya nga ginamit ay "EBAPTISHE" means to DIF or to SINK dahil may sapat na tubig sa bahay ni Judas.
At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim sapagkat doo'y MARAMING TUBIG at sila'y nagsiparoon at nangagbautismuhan.(John 3:23)
kita mo di naman kailangan ng ILOG para mabautismuhan ng LUBOG ang mahalaga may SAPAT at MARAMING TUBIG ang isang lugar.
Dahil ba Bahay di na magkaroon ng Maraming tubig ? Cenon Bibe BAHAY ito pero MARAMING TUBIG sa Loob.
Basahin mo ....para magkaroon naman ng laman ang utak mo.
Basahin mo ....para magkaroon naman ng laman ang utak mo.
"At Ibinalik niya ako sa pintuan ng BAHAY at narito ang TUBIG ay lumalabas sa ILALIM sa pasukan sa BAHAY sa dakong silangan (sapagkat ang harapan ng Bahay ay sa dakong silangan )at ang TUBIG ay UMAAGOS mula sa dakong kanan ng BAHAY..(Ezek.47:1)
hayag na hayag Ginoong Cenon na palusot lang ang ARGUMENTO mo pero ang Katotohanan ay mananatiling Katotohanan.(Awit 33:11)
Comments
Post a Comment