MAY TAO NABA SA LANGIT

May tao naba sa Langit...totoo ba pagkamatay ng tao aakyat agad sa langit ang kaluluwa ng isang patay? at kung ito ay masama ay agad-agad itatapon ang kanyang kaluluwa sa Dagat-dagatang apoy o Impyerno?ito ang isa sa paniniwala ng mga katolika na ating pag-aaralan kung ito ba ay kasang-ayon sa Banal na kasulatan.

Ngayon pagkamatay ba ng taong BANAL agad-agad bang iaakyat ang kanyang kaluluwa sa langit upang gantimpalaan ng paraiso...totoo ba may mga tao na sa langit.


Kung may nakakaalam ko ano ang naroon sa langit walang iba kundi ang anak ng Dios o ang ating Panginoong Jesu Cristo na nagmula sa langit.(Juan 6:38) ayon sa Panginoong Jesus may umakyat naba sa langit.


Ito ang sagot ng Panginoong Jesus..."And NO MAN hath ascended up to heaven,but he that came down to heaven ,even the son of man which is in heaven.(John 3:13)


Ayon sa Panginoong Jesu Cristo "WALANG TAONG UMAKYAT sa LANGIT" ilang libong taon na namatay ang mga banal sa matandang tipan ,ang mga propeta ang mga Patriarca sa matandang tipan ay nangamatay pero nung dumating ang Panginoong Jesu Cristo itinuro nya na WALA PANG TAO sa langit.Si Cristo ang Dakilang Guro ang nagpatotoo nito.


Dahil WALA pang tao na may umakyat sa langit WALA RING TAO na may nakakita sa DIOS.(John 1:18)

Pinatunayan din ito alagad ng Panginoong Jesu Cristo na si Juan na WALANG TAO sa langit.


"And NO MAN in heaven..."(Rev.5:3)



Maging ang ang Patriarkang si David na isang taong banal.(Awit 86:2) ayon sa kasulatan na itinala ng evangelistang si Lucas ay hindi umakyat sa langit.


"Sapagkat hindi UMAKYAT si David sa mga Langit ;...Mga kapatid ,malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David ,na siyay namatay at inilibing ,at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.(Acts 2:34,29) 

  • At si David ay natulog na kasama ng kanyang magulang ,at inilibing sa bayan ni david.(1 Kings 2:10) kung inakyat na sa langit ang magulang ni David bakit nung mamatay si David nakasama nya pa sa libingan ang mga magulang niya.
Dito ipinakita ng evangelistang si Lucas na ang mga namatay ay hanggang ngayon ay nasa mga libingan pa hindi pa sila inaakyat sa langit makakasama ng mga patay ang mga magulang na nauna ng namatay .

"At si Joachaz ay natulog na kasama ng kanyang mga magulang..."(2 Kings 13:9)



kita mo ng Mamatay si Joachaz inilibing at doon sa libingan inabot pa nya ang mga magulang na matagal ng patay ganon din si Azarias


"At si Azarias ay natulog na kasama ng kaniyang magulang at inilibing nila siya na kasama ng kanyang magulang sa bayan ni David.."(2 Kings 15:7)


Kung ang kaluluwa ng patay ay agad-agad iniaakyat sa langit bakit inabot pa ng mga taong ito ang kanilang mga magulang na nauna ng namatay sa libingan kaya dito palang sa mga talatang ito napapatunayan natin na mali ang katuruan na mayroong temporal Judgement na tinatawag itong mga katuruan ito ay isang lisyang katuruan na itinuro na noon ni Himeneo.(2 Tim.2:16-18)

Ngayon itong pagkabuhay na mag uli sa mga patay ay hindi pa nagaganap magaganap ito sa pagkabuhay ng mga ganap na tao doon lang matatamo ng tao ang ganti ng Dios sa kanyang mga gawa.


"At magiging mapalad ka:sapagkat wala silang sukat ikagaganti sa iyo ;sapagkat gagantihan sa iyo sa pagkabuhay na maguli ng mga ganap.(Luc.14:14)



kahit nga ang panahon ng pag-ganti ng Dios sa mga anghel na suwail ay hindi pa agad ipinataw ng Dios kundi ito ay naghihintay ng takdang panahon .



"At narito silay nagsisigaw na nagagsasabi .Anong aming ipakikialam sa iyo ;ikaw na anak ng Dios ?naparito ka baga upang kami 'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?(Mat.8:29) ang kapanahunan para hatulan ang matuwid at ang masama.(Ecle.3:17) at ito ang araw ng paghuhukom.


Dito mababasa natin na may kapanahunan itinakda ang Dios para pahirapan ang mga anghel na nagpakasama at naging mga diablo o naging masasamang espiritu at nung panahon ng Panginoon Jesu Cristo hindi pa iyon nagaganap ...paano magkaroon na ng tao ngayon sa "HELL" kung ang hell ay itinakda na parusahan una-una sa Diablo at sa kanyang mga anghel ibig bang sabihin nito naunang itinapon ng Dios ang tao kay sa Diablo at sa kanyang mga anghel.(Mat.25:41) at hanggang ngayon ang dyablo o ang kanyang mga anghel ay malaya pang gumagala sa lupa ang ibig sabihin nito hindi pa sila itinapon.(1 Ped.5:8) kung diablo ay hindi pa sila itinapon sa HELL paano'ng itatapun ng Dios na nauna ang tao.


Ngayon kailan magkakaroon ng tao sa Langit ?



Ganito ang sabi ng ating Panginoong Jesu Cristo sa kanyang mga alagad nung nandito pa siya sa lupa na gumaganap ng kanyang Ministry...."Huwag magulimihan ang inyong puso :magsisampalataya kayo saDios ,magsisampalataya naman kayo sa akin.Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan ;kung di gayon ay sinasabi ko sana sa inyo ;sapagkat akoy paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.At kung ako'y pumaroon at kayoy maipaghanda ng kalalagyan ay muling paparito ako,at kayo,y tatanggapin ko sa aking sarili upang kung saan ako naroroon kayo naman ay dumoon.(Juan 14:1-3)

Kailan magkakaroon ng tao sa langit sa Muling pagparito ng ng ating Panginoong Jesu Cristo nung sabihin ito ng Panginoong Jesus mahigit dalawang libo na ang nakaraan at hanggang ngayon sa ating panahon ay hindi pa dumating ang kanyang muling pagparito.ang pagpaparito ng Panginoon ay magaganap sa HULING ARAW sa pagkabuhay ng mga patay.(Juan 11:24)

Kung may tao na ngayon sa LAngit at nandoon na ang mga TAONG BANAL "Sino pa ang babalikan ni Cristo sa kanyang muling pagparito...kasi ang babalikan ni Cristo na bubuhayin ay ang mga taong Banal kung pagkamatay agad ay dinala na agad-agad ang kanilang kaluluwa sa paraiso "sino pa ang babalikan ni Cristo.

Babalik kasi Si Cristo para buhayin ang mga patay sa libingan.(Juan 5:28) at sa isang kisap mata bubuhayin ang mga patay at agagawin sila sa alapaap at papalitan ang kanilang lupang katawan ng maluwalhating katawan.(1 Cor.15:51-54,1 Tim.4:15-17) at tayong mga nangabubuhay ay kasama nila aagawin sa alapaap. upang silang ay huwag mabukod sa atin.(Heb.11:40)at naglaan ang Dios ng isang araw na kanyang ipaghuhukom sa lahat ng mga tao na kung saan bawat tao na nabuhay sa ibat-ibang panahon at salit'saling lahi ay sama-samang tatayo sa hukuman ng Dios sa araw na yaon.(Mat.12:41-42) kaya hindi totoo na may temporal judgement pang nagaganap.magaganap ang gantimpala sa buhay na walang hanggan sa muling pagkabuhay ng mga patay.(Rev.11:18)

Ibig sabihin sabay-sabay hindi mauuna ang iba sa isa.kung nauna na doon sa langit si Pedro at Juan na mga Apostol ng Panginoon lalabas nito nabukod sila sa atin ..ang salita ng DIos silang mga banal na nauna ng namatay sa panampalataya ay huwag maging bukod sa atin.at sa sandaling panahon sila muna ay magpapahinga sa kanilang mga gawa sa libingan at hintayin ang takdang panahon.(Apoc.14:13) hanggang sa maganap ang kanilang bilang na maliligtas.(Apoc.6:11)

Kaya ang paniniwala na may mga banal na tao na ngayon sa langit ay isang lisyang aral "banal man ay nanamatay ...."Mahalaga sa Paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang banal.(Awit 116:15)ang mga BANAL ay namamatay.(Josue 1:1-2) at pag ang mga banal ay namatay hindi sila buhay kundi patay.(Isaias 38:1)

At wala sila sa Langit kundi nasa lupa...."Tungkol sa mga banal na nangasa Lupa sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lobos.(Awit 16:3) ito ang mga taong pinapaging banal ng Dios.(Lev.22:16,1 Cor.1:2) hindi ng canonization ng simbahan katolika ,ang Dios mismo ang gumawa sa kanila para maging mga   banal .habang hindi pa nagaganap ang pag-agaw para palitan ang ating katawan ng maluwalhating katawan.(1Cor.15:52-53) ay mananatiling nasa lupa ang mga taong banal.(Mga Gawa 17:26).

Comments

  1. Ang alibi nila dyan ay si Enoc at Elias ay nagpunta na sa langit kaya may tao na sa langit.

    ReplyDelete
  2. ALibi lang yon bro ...nung magkatawang tao ang Panginoon Jesu Cristo ...nakaakyat naba si Enoc at Elias ....matagal na pero kinumperma ng Panginoon Jesus na doon sa langit na pinangalingan nya WALA pang tao na may UMAKYAT.(John 3:13 Kjv)

    ReplyDelete
  3. Ako naniniwala hindi po sa langit na paraiso inakyat o dinala si Elias ...malamang dinala si elias sa malayong dako ng lupa na kung tawagin sa banal na kasulatan ay "UTTERMOST PART OF THE HEAVEN.(Neh.1:9 KJv)

    ReplyDelete
  4. Saan naman kaya dinala yung napakong kasama ni Kristo sa krus na pinangakuan Niyang, NGAYON DIN ay kakasamahin kita sa paraiso. Ibig bang sabihin nagsinungaling si Kristo sa pagsabing NGAYON? Dapat sinabi Niya sa pagdating ko isasama kita sa paraiso. Saan na kaya siya ngayon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lucas 23:43
      "At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso."

      Ang sabi dyan... "NGAYON" HINDI SINABING "NGAYON DIN".... DINADAGDAGAN MO NA EH...

      Delete
  5. Ang lalaking mayaman at si Lazaro paano po ang paliwanag natin doon? Na dinala sa Hadez at sinapupunan ni Abraham.. Dami kasing nagtatanong din dyan.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts