ESPIRITU SANTO ENERHIYA LANG DAW SABI NG MGA CULTO NI MANALO
Ayon sa Manalo Cult ang HOLY SPIRIT ay hindi "BEING" kundi isa lamang KAPANGYARIHAN NG DIOS (ENERHIYA) na walang sariling kamalayan at kaisipan dahil dito hindi sila naniniwala na ang HOLY SPIRIT ay bahagi ng KA-DIOSAN o isa sa Bumubuo sa tinatawag na "GODHEAD"
Sa paniniwala ng mga culto ni Manalo (INCM) at maging ng mga Jehovah Witnesses ang HOLY SPIRIT ay isa lamang KURYENTE na walang BUHAY ito ngayon ang ating pag-aaralan at bibigyan ng kasagutan?Totoo ba na ang HOLY SPIRIT ay "ENERHIYA lamang at Walang sariling "BEING"
Ito ang isa talata na ginagamit nila ang (LUCAS 1:35)
"At sumagot ang Anghel ,at sinabi sa kaniya ,bababa sa inyo ang ESPIRITU SANTO ,at lililiman ka ng KAPANGYARIHAN NG KATAASTAASAN kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios."
Ito ang talata na namali ang pagka -unawa ng mga Alagad ni Manalo ayon sa kanila na maliwanag daw na ang ESPIRITU SANTO na lumilim kay Maria para ito magdadalangtao ay ang KAPANGYARIHAN NG KATAASTAASAN.
Una hindi tayo tutol na ang HOLY SPIRIT ay tinawag na KAPANGYARIHAN NG KATAAS-TAASAN yan ay naka sulat ang tutol tayo na ang HOLY SPIRIT ay WALANG BIENG o KAMALAYAN o PAGIISIP o KALAGAYAN
Ano ang patunay na ang HOLY SPIRIT ay ISANG BEING O PERSONA Inadres po ang HOLY SPIRIT na "HE" isang BEING na nasa kalagayan ng LALAKE o PAMBALAKE
"HE is the HOLY SPIRIT who leads into all truth .The world at large cannot recieve HIM.for it isn't looking for HIM and doesn't recognize HIM ,but you do for HE lives with you now and some day shall be in you.(John 14:17 LB)
But I will sent you the HOLY SPIRIT the source of all truth .HE will come to you from the Fatherand will tell you all about ME.(John 15:26 LB)
HE,HIM ito ay Inaadres sa isang BEING o Persona (John 14:26,John 16:7-8) "HIS OWN".(John 16:13) hindi ito basta Enerhiya lang kasi may "HIS OWN"
Ano pa ang mga katangian ng HOLY SPIRIT na magpapatotoo na may BEING ito?
"At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon ,at nangagaayuno ay SINABI NG ESPIRITU SANTO ibukod ninyo sa AKIN si Bernabe at si saulo sa gawaing itinawag KO sa kanila.(Acts 13:2)
Kung Enerhiya at walang Being ang Holy Spirit Paano nagawa ng Holy spirit na magsalita at magdesisyon na ibukod si Benabe at Saulo sa gawaing itinawag KO sa kanila. ginamit ang "AKIN ,at KO"
"At iniutos sa akin ng Espiritu na ako'y sumama sa kanila..."(Acts 11:12)
Ang HOLY SPIRIT may kamalayang mag Utos o magbigay ng Utos.(Acts 15:28-29) maging ang kamalayan na magbawal .(Acts 15:6)
"at samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain auy sinabi sa kaniya ng ESPIRITU narito hinahanap ka ng tatlong tao.(Acts 10:19).... How....na alam ng HOLY SPIRIT na may naghahanap kay PEDRO kung walang kamalayan ito.
Nakapagbibigay ng Utos ang Panginoong Jesu Cristo sa mga alagad sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
"Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga apostol na kaniyang hinirang; (Mga Gawa 1:2)
Ang Tanung may kaisipan ba ang HOLY SPIRIT?
Ito ang maliwanag na sagot ...."Datapuwat ang KAISIPAN NG ESPIRITU ay buhay at kapayapaan.(Rom.8:6)
Dito maliwanag na may ISIP o KAISIPAN ang ESPIRITU SANTO
May pag-ibig – Roma 15:30
Maasahang saksi – Gawa 5:32
Nakikipagpunyagi – Genesis 6:3
Susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan – Juan 16:8
Nagtuturo – Lucas 12:12
May kapangyarihan – Roma 15:19
May sariling pandinig – Juan 16:3
Nagsasalita/Nag-uutos – Gawa 8:29
Mabuti -Awit 143:10
May sariling ibig o Kalooban-1Cor.12:11
Ang Pangalang YHWH (Tetragramaton) ay Ikinapit Din sa Banal na Espiritu
“Nang magkagayo’y nilipad ako ng isa sa mga serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit mula sa dambana: At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis. At narinig ko ang tinig ng Panginoon [YHWH], na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo’y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako. At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, inyong naririnig nga, nguni’t hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni’t hindi ninyo namamalas.” Isaias 6:6-9
“At nang sila’y hindi mangagkaisa, ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita, Mabuti angpagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang, Na sinasabi, Pumaroon ka sa bayang ito, at sabihin mo, Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mamamalas:” Act 28:25-26
Ang YHWH na nagsalita sa Isaias 6:6-9 ay ang Banal na Espiritu ayon kay apostol Pablo.
Ang Banal na Espiritu ay May Kakayanan Na Tanging Isang Persona Lamang Ang Makagagawa
“Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” Juan 16:13
“Nguni’t ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka’t nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.” 1 Corinto 2:10
“Datapuwa’t pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga’y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin” Juan 15:26
Ngayon Ano ang Patunay na may Independenting SARILI ang HOLY SPIRIT?
"Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng ESPIRITU sapagkat nasisiyasat ng ESPIRITU ang lahat ng mga bagay ,oo ,ang malalalim na mga bagay ng Dios ...ngayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman ,maliban na ng ESPIRITU ng Dios.( 1 Cor.2:10-11)
Dito makikita natin na may Sariling Independing pagiisip o kamalayan ang Holy Spirit sapagkat maging ang malalim na bagay ng Dios ay ALAM o nasisiyat at nakikilala nya ito.
"At gayon ,din naman ang espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan sapagkat hindi tayo marunung manalangin ng mararapat ngunit ang ESPIRITU rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisaysay sa pananalita.(Rom.8:26)
Nagagawa ng Holy Spirit na tumulong at mamagitan ng ating mga panalangin sa Dios diba ito ay kahayagan na may Being talaga ang Holy Spirit .kasi hindi nagagawa ito ng kuryento o enerhiya lamang na walang buhay at kamalayan na mamagitan ng mga panalangin sa Dios ng mga hibik na hindi maisaysay ng mga pananalita.
may kakayahan din ang Holy SPIRIT na pumatnubay.(Rom.8:14,John 16:13) magpatotoo.(Rom.8:16) magturo.(1 Cor.2:13,John 14:26) at may kakayahan din ang Holy Spirit na sumumbat tungkol sa kasalanan.(John 16:8-9) at may sariling pandinig (sense of hearing) ang Holy Spirit "kundi ang anomang bagay na kanyang marinig ang mga ito ang kanyang sasalitain.(John 16:13)
Bukod sa senses may pakiramdam din ang Holy Spirit ?
"At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios.(Efe.4:30) namamanglaw din ang Holy spirit.(Isa.63:10)
Napipighati o namamanglaw din pala ang Holy Spirit diba ito ay kahayagan na may sariling being kasi ang magkaroon ka ng pakirandam at kamalayan ay bahagi ng being.
May damdamin din ang Holy Spirit MagMahal.(Rom.15:30)
"Pag-ibig ng Espiritu"
Ngayon dahil ba tinawag ang Holy Spirit na Kapangyarihan ng Dios nangangahulugan naba ito na wala siyang being kung ganon lalabas si Kristo wala ring Being sapagkat tinawag rin syang "KAPANGYARIHAN NG DIOS.
"Ngunit sa kanila na mga tinawag ,maging mga judio at mga griego ,si Cristo ang KAPANGYARIHAN NG DIOS at ang karunungan ng Dios.(1 Cor.1:24)
Bukod sa ating Panginoong Jesus tinawag din ang Dios na "KALAKASAN "
"HE is my STRENGTH" (Ang Panginoon ay aking KALAKASAN.(Awit 28:7)
Katumbas nito ang "Panginoon ay aking KAPANGYARIHAN "He is my POWER" kaya hindi dahilan na tinawag ang HOLY SPIRIT na KAPANGYARIHAN ay WALA na itong BEING dito maliwanag na kahit ang Panginoong Jesu Cristo o ang Amang Dios ay tinawag na "POWER"
Bukod sa tinatawag na Kapangyarihan ng Dios ang Holy Spirit may sariling POWER ang Holy Spirit.
"Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan sa KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU NG DIOS...(Rom.15:19)
Ang Maling Pagkakilala sa Banal na Espiritu ay Magdudulot ng Kapahamakan sa Tao
“Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Mateo 12:31-32
Ang Pagiging Manlilikha ng Banal na Espiritu
“Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.” Genesis 1:1-2
“Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.” Job 33:4
Ang Banal na Espiritu ay kasama sa paglalang ng sanlibutan. Siya ay isang Manlalalang rin tulad ng Anak at ng Ama.
Tinuring ni Pedro ang Banal na Espiritu Bilang Dios
“Datapuwa’t sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa? Nang yao’y nananatili pa, hindi baga yao’y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano’t inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios.” Act 5:3-4
Allos Parakletos – Ibang Manlalalang
“At ako’y dadalangin sa Ama, at kayo’y bibigyan Niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,” Juan 14:16
Ang salitang “iba” na ginamit sa talata ay “allos” sa wikang Griego na ang ibig sa sabihin ay “another of the same kind” — o ibang entity pero kaparehas ng uri. Kung ang Panginoong Jesus ay Dios nangangahulugan na ang Banal na Espiritu ay Dios rin dahil Siya ay kauri ni Jesus.
Comments
Post a Comment