DIOS TINAWAG NA TAONG MANDIRIGMA AT DIOS KAMUKHA NG TAO

Ngayon pag-aralan natin kung yong salitang "tao" ay pwede ikapit sa Dios?



Isa mga argumento ng INC ni Manalo na pagkinapit daw ang salitang tao sa isang persona patunay daw ito na hindi sia Dios sapagkat ayon sa kanila ang Dios daw  ay hindi pwede maging tao.o ang Dios daw ay hindi pwede tawaging tao.

Totoo ba ang ganitong mga pangangatuwiran na dahil ikinapit ang salitang "tao" ay hindi na Dios .

Una  sa Banal na kasulatan ay matagal ng itinutulad ang Dios sa tao gaya ng isang Ama sa kanyang mga Anak itinulad ang Dios sa Ama na umakay sa kanyang bayang Israel na gaya ng mga anak.

"At sa ilang na iyong kinakitaan kung paano dinala ka ng Panginoon ninyong Dios,na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak,sa boung daang iyong nilakaran hanggang sa dumating kayo dakong ito.(Deut.1:31)

Dito maliwanag na itinulad sa pagdadala ng tao sa kaniyang anak ang pag-akay ng Dios sa kaniyang Bayang israel.

ikinapit din sa Dios ang titulo na "TAONG MANDIRIGMA" (MAN OF WAR)

"The Lord is a man of war ,the Lord is his name.(Exo.15:3 KJV)

"Jehovah is a man of war ,Jehovah is his name.(Exo.15:3 ASV)

"Jehovah is a man of war ,Jehovah his name.(Exo.15:3 Darby Bible traslation)

"Yahweh is a man of war ,Yahweh is his name.(Exo.15:3 World english Bible)

Sa Hebrew ang ginamit sa salitang "MAN OF WAR" ay "(Iysh) (eesh) Milchaman" (Iysh) in literal meaning is a man as individual or a male person.

itinulad rin siya sa isang "mighty man " like a mighty man.(Isa.43:13)

Kaya dito makikita natin na kahit ang Dios kinapitan din ng titulo ng isang tao "a man of war" dito makikita natin na palpak na naman ang mga ministro ng culto ni Manalo na pag ikinapit daw ang salitang tao ay hindi na tunay na Dios sa  (Jehovah o  Yahweh ) ikinapit din ang titulo ng tao sa pagka Dios nya.

Paano ngayon ito tiyak na naman kakamot ng ulo naman itong mga walang utak na ministro ni Manalo 

Ngayon may tanong tayo sa Anong anyo o wangis ang wangis ng Dios na makikita?

"Noong taong namatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan ,matayog at mataas at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian.(Isa.6:1) 

Dito sa isang pangitain nakita ni Propeta Isaias ang Panginoong Dios na nakaupo sa kanyang matayog at mataas na luklukan .na kung saan ang templo ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.Ang tanong natin anong anyo o wangis nakita ni Propeta Isaias ang anyo ng tunay na Dios na siya ring nakita ni Propeta Ezekiel sa kanya ring pangitain.

"For high in the sky above them was what looked like a Throne made of sapphire stone ,and upon it sat some one who appeared to be a man.(Ezek.1:26Tyndale Living Bible)

Anong Anyo o wangis nakita ni Propeta Ezekiel ang Dios sa isang Pangitain nakita nya ito sa wangis ng tao.nasa wangis pala ng tao kung ganon ang Dios na nakaupo sa kanyang luklukan sa langit.

Sa Hebrew (Mar'eh Adam) as the apperance of a man (Adam ) means "human being"

Dito maliwanag na ang Panginoon na nakita ni Propeta Ezekiel na nakaupo sa kanyan luklukan sa langit ay  nakita nya ito "IN THE APPERANCE OF ADAM"


Sunod natin na Topic yan kung Sino Itong Panginoon na Kawangis ni Adam.

Comments

Popular Posts