ANG MALING UNAWA NG CULTO NI MANALO (INCM) SA TALATANG JOHN 8:40
Isa sa mga ginagamit ng mga ministro ng culto ni Manalo na lalong kilala sa tawag na "Iglesia ni Cristo" ay ang John 8:40 para patunayan na TAO lang ang ating panginoong Jesu Cristo. ang ganito bang talata ay nagpapatotoo sa kanilang mga pinapangaral ito ngayon ang ating pag-aaralan kung TAMA ba ang kanilang unawa sa talatang nabanggit.
Ito ang ating mababasa sa talata ng John 8:40
"Datapuwat nagayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin , na TAONG sa inyo 'y nagsaysay ng katotohanan ,na aking narinig sa Dios ito'y hindi ginawa ni Abraham."
Ayon sa kanila ito daw ang talatang patunay na TAO lang DAW ang ating Panginoong Jesu Cristo dahil daw sinabi ng Panginoong Jesus na sia DAW ay TAONG nagsaysay ng katotohanan na kanyang narinig sa Dios.Ngayon TAMA ba ang pagkaunawang ito dahil ba sinabi ng panginoon na TAO cia ay nangangahulugan naba ito na hindi na sia DIOS.
Ngayon pag aralan natin ang kon-texto ng talata bakit kaya sinabi ng Panginoong Jesus na "TAO sia nagsasaysay ng narinig nya sa DIos.ano ba ang dahilan at pinagmulan ng pangungusap na ito ng ating Panginoon ito ang ating mababasa sa mga paunang pangungusap ng Panginoon.
"Talastas ko na kayo'y binhi ni Abraham gayon may pinagsisikapan ninyo ako'y patayin ,sapagkat ang salita ko'y hindi magkasya sa inyo.(John 8:37)
Ang dahilan pala kaya pinagsisikapang patayin ng mga Judyo ang ating Panginoong Jesu cristo Dahil sa ang salita ng ating panginoong Jesus ay hindi magkasya sa kanila o ayaw nila sumampalataya sa salita ng ating panginoon dahil dito pinagtakaan nila itong patayin.
Ngayon Ano ba ang salita ng Panginoong Jesus na ayaw tanggapin ng mga Judyo kaya pinagsisikapan nilang patayin ito?
"Sinalita ko ang mga baga'y na aking nakita sa AKING AMA ,at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa inyong Ama.(John 8:38)
Ang salita pala na hindi magkasya at matanggap ng mga Judyo sa ating Panginoong Jesus ay ang salita na NAKITA ng ANAK o ng ating Panginoong Jesu cristo sa kanyang AMA.
Ngayon ano naman ang palusot ng mga Judyo sa sagot ng ating Panginoong Jesu cristo....."Sila'y nagsisagot sa kaniya 'y sinasabi si Abraham ang aming AMA ,sa kanilay sinabi ni Jesus kung kayo'y mga Anak ay ni Abraham ay gagawin ninyo ang mga ginawa ni Abraham.(John 8:39)
Nagpalusot ang mga Judyo na sila daw ay mga Anak ni Abraham pero sinagot sila ng Panginoong Jesus kung kayo'y mga anak ni Abraham gagawin ninyo ang ginawa ni Abraham (Si Abraham hindi mamatay TAO samantala silang nagpapakilala na mga anak ni Abraham ay nagsusumikap na patayin sia .na hindi ito ang ginagawa ni Abraham
Dahil sa hindi sila makatutol sa sinagot ng Panginoong Jesus iniba nila ang pagpapalusot sinabi ng mga Judyo hindi kami mga inianak sa pakikiapid may isang Ama kami ang Dios.(John 8:41)...ang DIOS naman DAW ang AMA nila kanina si ABRAHAM .
Ano ang sumunod na tagpo..ito ang sagot sa kanila ng Panginoong Jesus .."Sinasabi sa kanila ni Jesus ,kung ang Dios ang inyong AMA ,ay inyong IIBIGIN AKO sapagkat AKO'Y nagmula at nanggaling sa DIOS sapagkat hindi ako naparito sa aking sarili kundi SINUGO nya AKO.(John 8:42)
Dito na ipinakilala ng ating Panginoong Jesus na siya ay SINUGO ng DIOS at siya ay nagmula at nanggaling sa Dios.kaya dito makikita natin na hindi talaga TAO lang ang ating Panginoong Jesus kundi sia ay ISINUGO ng Dios at naggaling sa Dios.
Sino ba itong Isinugo Jesus na isinugo na nanggaling sa Dios ?Bakit nya sinabi nya sia ay nangaling sa Dios?
Ito ang sagot ng Apostol Juan ..."Walang TAONG nakakita kailan man sa Dios ang BUGTONG na ANAK , na nasa sinapupunan ng AMa ;siya ang nagpakilala sa kaniya.(John 1:18)
Itong Jesus na isinugo at nangaling sa Dios ito pala ang BUGTONG na ANAK ng DIOS na nasa sinapupunan ng AMA buhat sa pasimula ito ang nagpakilala nung mga bagay na narinig nya sa Dios na siya namang pinagsusumikapan patayin ng mga Judyo.
Ito ang SINISINTANG ANAK ng AMA na kanyang kinalulugdan na sia nating pakikinggan.(Mat.17:5) bugtong na Anak ng Dios pala itong Jesus na isinugo...kaya TAONG nagsaysay ng katotohanan kasi nga kung babasahin natin ang paunang pananalita ng Apostol Juan ito ang Verbo na kasama ng Dios sa pasimula na ang VERBO AY DIOS na nagkatawang TAO.(John 1:1-3,14)
Yong TAO pala sa John 1:40 ay ang KATAWAN kasi ang DIOS na VERBO nagkatawang TAO.Ano ang patunay na itong Anak ng AMA na isinugo ay hindi talagang taong-tao kundi nagkatawang tao na Dios.ito ang sagot ng AMa tungkol sa kanyang ANAK.
"Ngunit tungkol sa ANAK ay sinabi ang iyong Luklukan OH DIOS ay magpakailanman at ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.(Heb.1:8)
Oh Dios" ang pagpakilala ng Ama tungkol sa kanyang ANAK.
Ngayon sinabi ng Panginoon Jesus sa mga Judyo na nagsusumikap na siya ay mapatay ang ang salitang ito dahil sa claime nila na sila ay mga anak ni abraham at hindi sila inianak sa pakikiapid..ang ganitong pananalita .
"Nagalak ang inyong Amang si Abraham na makita ang aking araw ,at nakita niya at natuwa ,at sinabi sa kanya ng mga Judio ,WALA kapang limangpung taon at nakita mo si Abraham!sinabi sa kanila ni Jesus katotohanan ,katotohanan ang sinasabi ko sa inyo ,BAGO IPANGANAK si Abraham ay "AKO NGA ".(John 8;56-58)
Dito pinagdudahan uli ng mga Judio ang sinabi sa kanila ng Panginoon.. WAla kapang limangpung taon nakita muna si Abraham !sinagot sila ng Panginoon Jesus...BAGO si Abraham .."AKO NGA"
Kaya mali yong paratang ng mga culto ni Manalo (INCM) sa ating Panginoong Jesu cristo na wala pa daw existence ang ating Panginoong Jesus nung hindi pa daw ito ipinanganak ni Maria ...dito maliwanag ang sagot ng Panginoon BAGO si Abraham AKO NGA..kita ninyo WALA pa si ABRAHAM umiiral na ang ating panginoong Jesu Cristo sia si "AKO NGA"
Sino itong si "AKO NGA" na bago si Abraham ay umiiral na ito?
Ito ang sagot ng banal na kasulatan ..."At sinabi ng Dios kay Moises Ako yaong AKO NGA ,at kaniyang sinabi ,ganito ang sasabihin mo sa mga sa mga anak ni Israel ,sinugo ako sa inyo ni "AKO NGA"(Exo.3:14)
Sino si AKO NGA bago ipanganak si Abraham walang iba ang DIOS ang verbo ay Dios.
Ang Patunay na Dios itong AKO NGA ?
"Tignan ninyo ngayon ,na ako samakatuwid baga'y AKO NGA ,at walang Dios sa akin akoy pumapatay ,at ako'y bumubuhay ako'y sumusugat ,at ako'y nagpapagaling at walang makaliligtas sa aking kamay.(Deut.32:39)
Ako, AKO NGA ay siyang umaaliw sa INYO..."(Isa.51:12)
Sinong gumawa at yumari ,na tumawag ng mga salit'saling lahi mula ng una ?Akong Panginoon ,ang una kasama ng huli ,AKO NGA.(Isa.41:4)
Ang Panginoong Jesu Cristo itong "AKO NGA".(Luc.22:70)
hindi sia TAONG -TAO ito ang kanyang patunay..."Ngunit ako'y oud at HINDI TAO ,duwahagi sa sa mga tao ,at hinahamak ng bayan.(Job 22:6)
Dito maliwanag na HINDI sia TAO bagkus sia ay OUD alam naman natin na ang UOD ay tanda ng kabulukan ito ang nagpapahiwatig kung ang isang bagay ay nabubulok kinakain ito ng Uod si Cristo ang kakaibang uod sa espiritu sia ang uod na nagliligtas sa tao sa kabulukan ng kasalanan.(2 Ped.2:19-20) siya ang Dios at TAGAPAGLIGTAS sa ating mga kasalanan .(2 Ped.1:1)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteJuan 8:40 "Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios:
ReplyDelete-- Mismong si Jesus ay nagpakilalang siya ay tao.. at ang sinalita niyang "Taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan" ay katunayan na hindi siya Dios kundi tao.. pano nasabing katotohanan na tao siya? sapagkat sinabi nyang, "Katotohanang narinig ko mula sa Dios", ang Panginoong Jesucristo mismo ang nagpatunay na totoo siyang tao at hindi Dios..
tutol ka ba sa sinaysay mismo ni Jesus na Katotohanan na narinig niya mismo mula sa Dios?
Kaya hindi maaaring maging Dios sa likas na kalagayan ang Panginoong Jesucristo..
1Timoteo 2:5 "Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,"
--Malinaw na binanggit na si Cristo ang isang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao.. Kung si Cristo ang kinikilala mong Dios? cnu ang tagapamagitan mo sa Dios? sinabi ba niyang ako ang Dios mo at tagapamagitan mo sa Dios? hindi po, dahil Iba ang tunay na nagiisang Dios kung ikukumpara sa isang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, at siya nga ang taong si Cristo Jesus..
eh kung ang Dios mismo ang tatanungin, papayag ba ang Panginoong Dios na siya ay maging tao? o magkatawang tao? siya ba ay papayag na tao pa at Dios pa?
Oseas 11:9 "Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: SAPAGKAT AKO'Y DIOS AT HINDI TAO;"
kung ang Panginoong Jesucristo ay nagpakilalang tao at hindi Dios.. mas lalong ang Panginoong Dios ay hindi papayag na siya ay maging tao.. sabi nga ng Dios, "SAPAGKAT AKO'Y DIOS AT HINDI TAO"
at ano pa ba ang katunayan na iisa lng ang tunay na Dios, at yun ay ang Ama na Siyang may likha ng lahat.. ayon naman sa pagpapatunay ni apostol Pablo sa
1 Corinto 8:6 "Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo,"
Mateo 27:46 "At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?"
--kung ang Dios ay nagkatawang tao sa katauhan ni Jesucristo? at iisa lang ang tunay na Dios mo? Sino ang tinatawag ni Cristo na Dios niya? hindi ba't ang Ama? at kung ang Dios ang makapangyarihan sa lahat.. at si Cristo ay Dios, bakit siya hihingi ng tulong sa Dios kung siya rin ang Dios na makapangyarihan? kya po hindi maaring si Cristo ay Dios.. bukod dun, ang likas na kalagayan ng tunay na Dios ay Espiritu ayon sa Juan 4:24 "Ang Dios ay espiritu"
kaya hindi Dios si Cristo dahil siya ay hindi espiruto siya ay taong "may laman at mga buto" ayon sa Lucas 24:38-39
ano pa ba ang kaibahan ng Tunay na Dios kay Cristo Jesus na tao..
Sa Awit 90:2 - "Ang Dios ay walang pasimula at walang hanggan"
samantalang "Si cristo ay namatay o nalagot ang hininga", mababasa sa Juan 19:30-33.
at malinaw na nakasulat sa Isaias 44:8 na ang Dios ay walang ibang kinikilalang Dios, maliban sa kaniya, ay wala ng iba pa..
samantalang si Cristo ay may kinilala at tinawag na Dios, Marcos 15:34 at Juan 20:17..
Ang Dios ay Espiritu sa Likas na kalagayan ayon sa biblia samantalang Si Cristo ay tao.. kya hindi maaaring maging Dios si Cristo..
Iba ang lumalang sa nilalang.. at ang Dios ang nagiisang manlalalang sa buong sanlibutan..