ANG IDOLATRIYA NA PAGSAMBA SA IGLESIA NI CRISTO NI FELIX Y MANALO

Alam natin na anomang uri ng pagsamba sa Hindi tunay na Dios ay isang anyo ng "idolatriya"Alam ba ninyo na ang Iglesia ni Cristo na itinayo nI Felix Y Manalo noong 1914 ay hindi naka-iwas sa Idolatriyang ito "Isa sa aral na ipinapangaral ng Iglesia ni Cristo ay ang "PAGSAMBA SA TAONG CRISTO JESUS"


Sa Paniniwala ng Iglesia ni Cristo ang "CRISTO JESUS AY ISANG TUNAY NA TAO "pero sa kabila nito Pinaguukulan pa rin nila ito ng "PAGSAMBA" at aral sa culto ni Manalo na "SAMBAHIN si CRISTO" kaya bukod sa DIOS AMA na kanilang sinasamba ay may isa pang silang sinasamba ito ay ang PAGSAMBA SA TAONG SI JESU CRISTO"

kaya sa paraan ito nahulog sa Idolatriya o Pagsamba sa tao ang Iglesia ni Cristo!Ngayon pag-aralan natin kung totoo bang "Idolatriya "ang nalabag nila.

Unang Tanong natin ayon sa Turo ng ating Panginoong Jesu Cristo SIno ang Dapat "SAMBAHIN"?

"Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus ,humayo ka Satanas ,sapagkat nasusulat sa Panginoon mong Dios sasamba ka,at siya lamang ang iyong paglilingkuran.(Mat 4:10)

Sino ang itinuturo ng Dakilang Guro na SASAMBAHIN at PAGLILINGKURAN maliwanag ayon sa nasusulat sa DIOS SASAMBA ka.kaya ang itunuturo na dapat sambahin ay ang DIOS kaya ano mang pagsamba sa hindi tunay na Dios ay isang anyo ng "Idolatriya"

Sapagkat pinalitan nila ang katotohanan  ng Dios ng kasinungalingan at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa lumalang ,na siyang pinupuri magpakailanman siya nawa.(Rom.1:25)


May mga taong pinalitan ang katotohanan ng Dios ng Kasinungalingan na sa halip sa lumalang sasamba ay sa nilalang sila nagsisamba .diba ito isang uri ng Idolatriya ang sumamba sa nilalang ,sa halip na sa Lumalang diba ang Tao ay nilalang at hindi Lumalang kung sinasamba ng Iglesia ni Cristo ay isang Taong nilalang kung ganon sila ay nahuhulog sa "Idolatriya".O pagsamba sa TAO.

"At sinasabi niya sa akin ,ingatan mong huwag gawin iyan ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta ,at ng mga tumutupad ng mga salita ng Aklat na ito.Sumamba ka sa Dios.(Apoc.22:9)

Dito makikita natin na pagsamba ay para lamang sa Dios at hindi TAO  "Sumamba ka sa Dios" at ang Sino mang sumasamba sa Tao ay "Sumpain"

"Ganito ang sabi ng Panginoon sumpain ang tao na tumitiwala sa TAO ,at ginagawang laman ang kaniyang bisig ,at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.(Jer.17:5)

kaya Sumapa ang sasapitin ng Taong sumasamba sa kanyang kapwa tao .at ang patunay na bawal sambahin ang TAO nagpakita ng halimbawa ang mga alagad ng ating Panginoong Jesus na si Apostol Pedro na "Hindi siya nagpasamba kay Cornelio"

"At nangyari ,na pagpasok ni Pedro ay sinalubong siya ni Cornelio ,at nagpatirapa sa kaniyang paanan at siya'y sinamba .datapuwat itinindig siya ni Pedro na sinasabi ,magtindig ka ,ako man ay TAO rin.(Acts 10:25-26)


Dito  makikita natin bilang TAO ay hindi nagpasamba si Apostol Pedro kay Cornelio bagkus nung pagpatirapaan at sambahin siya ni Cornelio ay itinindig nya ito na sinasabi Magtindig ka "Ako' man ay  TAO rin"kaya ang tao ay hindi karapatdapat sa pagsamba kundi pagsamba ay ukol lamang sa Dios ito ang nilabag ng Iglesia ni Cristo na sila bukod sa sumasamba sila sa Dios ay may tao silang sinasamba na ayon sa kanila tunay na tao at walang bahid ng pagka-Dios man lang.

Ngayon may isang palusot ang mga Iglesia ni Cristo ni Manalo "Ang sabi nila sinasamba nila si Kristo pero hindi naman daw nila ito'ng Dini-Diyos nagiging Idolatriya lang daw ang isang bagay kung sinasamba mo daw ito at dini-diyos .

Ang Tanong natin Dini-diyos ba ni Cornelio si san Pedro ng pagpatirapaan at sambahin niya ito ..."Hindi " naman hindi naman sinabi ni Cornelio  na "Dios si San Pedro ".dito maliwanag na makikita natin na Kahit hindi mo "Di-yusin ang ang isang nilalang ay nahuhulog pa rin ito sa "Idolatriya"

Ang patunay:..."Sapagkat talastas ninyong lubos ,na sinomang mapakikiapid,o mahalay ,o masakim,na isang pagsamba sa mga diosdiosan..."(Efe.5:5)

Sinong Taong Tanga at Bobo ang nagsabi na nung makiapid siya ay dios nya ang kaniyang "pakikiapid"o dios niya ang kanyang kahalayan ,o dios nya ang kanyang kasakiman,walang tao na magsabi na dinidiyos nya ang mga ito pero sa kabila nito ito ay itinuturing na pagsamba sa diosdiosan.kaya kahit hindi mo diyosin ang isang bagay ay pwede ito mahulog sa idolatriya.

Ngayon may isa pang palusot na pinangatuwiranan  ang mga ministro ni Manalo ayon sa kanila kaya daw nila sinasamba si Cristo dahil daw ito ay inutos ng Dios na sambahin si Cristo kaya nila daw ito sinasamba. 

eh kung ganon Ano ang problema kung iniutos ng Dios na sambahin si Cristo "Walang problema kung Iniutos ng Dios sambahin si Cristo "sapagkat UTOS rin ng DIOs na sambahin sia ng mga TAO .(Deut.6:1,13) "Dito maliwanag na kahit ang sarili ng Dios iniutos niya sa tao na sambahin.

"Ako'y sumusumpa ng aking sarili ,ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran ,at hindi babalik na sa akin luluhod ang bawat tuhod ,bawat dila ay susumpa.(Isa.45:23)

Dito makikita natin na sumumpa ang Dios na ang bawat tuhod ay luluhod sa kaniya (O sasamba sa kanya).(Rom.14:11) kaya maging ang sarili ng Dios pinapasamba niya o utos nya na sambahin ng mga tao. ito ang katuparan kung bakit si Cristo ay sinasamba .

"Upang sa pangalan ni Jesus ay Iluhod ang lahat ng tuhod ng nangasa langit ,at ng nangasa lbabaw ng lupa at ng nangasa ilalalim ng lupa ,at upang sa ipahayag ng lahat ng dila na si Jesu Cristo ang Panginoon sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.(Fil.2:10-11)

Anong uri ng pagsamba kay Cristo ang sa ikaluluwalhati ng Dios Ama?

"Upang papurihan ng lahat ang Anak ,na GAYA rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama sa kaniya'y nagsugo.(John 5:23)

Dito makikita natin na ang "Degree" ng pagsamba sa ANAK ay GAYA ng pagsamba sa AMA at ang hindi nagpupuri sa ANAK ay hindi nagpupuri sa AMA

Kaya nung Dalhin ang Anak sa sangkalupaan ay sinabi ng Ama sambahin siya ng lahat ng mga Anghel ng Dios.(Heb.1:6)

"Kundi inyong SAMBAHIN si CRISTO na PANGINOON sa iyong mga puso.(1 Ped.3:15 Mbb)

Kaya kung tumanggap man si Cristo ng pagsamba dahil hindi siya TAO kundi Dios na nagkatawang TAO.(John1:1,14) at dahil  hindi siya TAO nagpasamba sia.(Mat.28:16-17,Mat.9:18,Mat.14:33)

At sunod alam ng mga unang Kristiano na Dios lang ang Dapat sambahin.(Rom.12:1,Apoc.19:10) kaya hindi sila sumasamba sa tao.

kaya sa ganito bumagsak ang Iglesia ni Cristo ni Manalo sa pagsamba sa Diosdiosan ng kanilang sambahin ang TAO bukod sa Dios.(kaya Dalawa ang sinasamba sa Iglesia ni Cristo isang AMA na TUNAY NA DIOS at ISANG TAO NA ANAK NG DIOS"kaya nahulog sa pagsamba sa TAO ang MGA ALAGAD NI MANALO

Comments

Popular Posts