JESU CRISTO PANGINOON NA BAGO GAWING PANGINOON

Isa sa mga dinadahilan ng Mga Manalo cults at ng mga Paganong Muslim ayon sa kanila hindi daw katutubo ang pagka-panginoon ng ating Panginoon Jesu Cristo kundi ito daw ay gawa ng Dios.Ginawa lang daw na Panginoon itong si Jesus.

Ito ngayon ang ating pag-aaralan?Tama ba ang kanilang unawa sa salitang Ginawang Panginoon itong ating Panginoon Jesu Cristo.Totoo ba na hindi katutubo ang pagka-panginoon niya.isa sa batayan na talata ng mga Manalo Cults at ng MGA PAGANONG MUSLIM ay ang Acts 2:36



Basahin Natin;  "Pakatalastasin nga ng boung Israel na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus."

Ayon sa kanila na maliwanag daw dyan na ginawa lamang ng Dios  na Panginoon at Cristo itong si Jesus na ipinako sa krus.(dahil nabasa nila ang salitang ginawa ng Dios na Panginoon ang hatol at unawa nila hindi daw katutubo ang pagka-panginoon ng ating Panginoong Jesu Cristo.kundi ginawa lamang ng Dios.

Ngayon dahil ba ginamit ang salitang "ginawa " nangangahulugan ba ito na hindi na katutubo ang pagka-panginoon ni Jesus.Paano kung ang Dios ang ginamitan ng salitang "ginawa" 

"Sapagkat ikaw ,Oh Panginoon ay aking kanlungan!iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan.(Awit 91:9)

Dito ginamit ni David ang salitang "ginawa"Iyong ginawa ang Kataas-taasan na iyong tahanan .lalabas dito na si David lang ang gumawa para maging tahanan ang Dios.ganon ba kahulugan   nito na si David lang ang gumawa sa Dios para maging tahanan.

Ano ibig sabihin ni David na "Iyong ginawa ang Kataas-taasan na iyong tahanan.?Kailan ba naging tahanan ang Dios nung gawin lang ba ni David Oh bago gawin ni David siyang tahanan ay Tahanan na siya sa lahat ng sali't -saling lahi.

"Panginoon ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng salit-saling lahi."(Awit 90:1)

Dito maliwanag na bago gawing tahanan ni David ang Dios tahanan na ang Dios sa lahat ng salit-saling lahi.hindi lang nung gawin siya ni David na tahanan ay doon lang siya naging tahanan.(tahanan na siya bago siya gawing tahanan ni David ).

Ano patunay natin na itong ating Panginoong Jesus ay Panginoon na bago siya gawing panginoon sa boung Israel?

Ito ang nakasulat    "Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutan ito sapagkat kung nakilala sana nila ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.(1 Cor.2:6)

Ito palang Jesus na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutan na ipinaku  sa krus ito pala ang Panginoon ng Kaluwalhatian?Ngayon Sino itong Panginoon ng Kaluwalhatian na hindi napagkilala ng sanglibutan at kanilang ipinaku sa krus.

"Sino itong Hari ng kaluwalhatian ?ang Panginoon ng mga hukbo siya ang Hari ng kaluwalhatian.(Awit 24:10)

Ang Panginoon ng kaluwalhatian ito pala ang Hari ng kaluwalhatian na siyang Panginoon ng mga Hukbo.Dito maliwanag na bago gawing Panginoon at Cristo itong si Jesus siya ang Panginoon ng kaluwalhatian, ang Hari ng Kaluwalhatian ,ang Panginoon ng mga Hukbo.

Ito ang Panahon hindi pa siya nagkatawang tao.(John 1:1,14) siya ang Panginoon ng Kaluwalhatian ,ang Panginoon ng mga hukbo.ang Patunay tinawag na siya ni David na Panginoon niya.

Si Cristo Mismo Tinawag ng kanyang Ama  na Panginoon "


Ito ay Tungkol sa Anak ;


"At Ikaw ,PANGINOON nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa at ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay.(Heb.1:8-10)

"Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon umupo ka sa aking kanan hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway .(Awit 110:1)

Dito maliwanag na tinawag na siya ni David na "Aking Panginoon"Ito ang time na hindi pa siya nagkatawang tao hindi pa siya ipinaglihi at ipinanganak ni Maria .

Kaya  maling-mali ang paniniwala ng mga culto ni Manalo na naging Panginoon lang daw si Cristo nung ipanganak na siya ni Maria at nung siya gawin ng Dios  na  Panginoon sa boung Israel.dito bago siya naging tao tinawag na siya ni David na "aking Panginoon" hindi naman siguro sira ulo si David na tatawaging Panginoon ang hindi pa umiiral o panukala palang.

Ito talata na Panginoon siya ni David;   "Kung tinawag nga siya ni David na Panginoon,paanong siya't kaniyang anak?(Mat.22:45)

Ngayon ang Tanong natin  bakit ginawang Panginoon at Cristo itong si Jesus sa Boung Israel ano ang Dahilan ng Dios bakit ginawa niya ito ?

"Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay at walang tagapagturong saserdote at walang kautusan.(2 Cro.15:3)

Ito pala ang Dahilan ang Boung Israel pala malaon ng WALANG DIOS na tunay ,walang tagapagturong saserdote ,at walang kautusan.nawala pala sa Israel ang DIOS na tunay dahil bumaling sila sa pagsamba sa ibang dios na hindi tunay o pagsamba sa mga diosdiosan.dahil dito humiwalay ang Dios sa kanila ,

Ngayon dahil walang Dios na tunay ang Israel  para maipanumbalik sila sa Tunay na Dios ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus sa gitna nila.

Kaya may Hula na matutupad nung gawing Panginoon at Cristo itong si Jesus sa Boung Israel..anung hula ito?

"Sapagkat ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon sinasabi ng Panginoon  ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag iisip at sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito .At ako'y magiging Dios nila at sila'y magiging bayan ko.(Heb.8:10)

Ito pala ang Hula sa Sangbahayan ni Israel na natupad na kung saan sabi ng PANGINOON "AKOY MAGIGING DIOS nila."Nung Gawin Panginoon at Cristo itong si Jesus sa Boung Israel doon naganap ang hula ni Propeta  Jeremias na MAGIGING DIOS o PANGINOON si Jesus sa Sangbahayan ni Israel.


dahil Dito natupad ang Hula ni Propeta Ezekiel .."Sa araw na yao'y aking palilitawin ang isang sungay upang tumulung sa sangbahayan ni Israel at aking papangyayarihin ang iyong salita sa gitna nila at kanilang makikilala na ako ang Panginoon.(Ezek.29:21)



Doon palang nakilala na Panginoon at Cristo itong si Jesus sa Sangbahayan ni Israel.



Ang Acts 2:36....ay parang ganito lang yan may isang teacher na nagturo sA isang eskwelahan ng 40 yrs ng nagtuturo  ....tapus may ibang school na nag-alok sa kanya sabi ng isang principal sa school na iyon ,,,dito ka magturo sa amin GAGAWIN KITANG TEACHER SA SCHOOL NA ITO..ang tanong...kailan siya naging TEACHER nung GINAWA siya ng PRINCIPAL Na maging TEACHER sa SCHOOL niya o BAGO siya GINAWANG TEACHER ay DATI NA SIYANG TEACHER SA IBANG SCHOOL ....ganon si Kristo ....dati na siyang PANGINOON nung hindi pa siya nagkatawang TAO pero nung magkatawang TAO siya Ginawa siya na PANGINOON uli sa mga tao.

kaya ang sabi ni Jesus:

Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka't ako nga. Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa. (Juan 13:13-14)

At naging Panginoon nga si Jesus sa mga alagad na ibinigay sa kanya ng Ama.(  Juan 10:28-29) 

Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.(Juan 12:26)

Anong uri ng Panginoon si Jesus sa mga alagad:

Ito sagot ng Banal na kasulatan    "Sumagot si Tomas at sa kaniya'y sinabi PANGINOON ko ,at DIOS ko.(John 20:28)

Panginoon siya at Dios ng mga alagad.

Comments

Popular Posts