KRISTO KAISIPAN LANG AT PLANO DAW NG AMA
Totoo ba ang Aral ng culto ni Manalo (INCM) na si Cristo ay kaisipan lamang at plano ng Dios bago daw ito ipanganak ni Maria?at dahil KAISIPAN at PLANO ayon sa kanila ay WALANG PAG-IRAL o (Existence) ito ngayon ang ating pag-aaralan kung aral ba na ito ay Biblical.
Ang aral na kaisipan lamang ang ating Panginoong Jesu Cristo bago ipanganak ni Maria ay isang aral na walang batayan ang batayan nila ay ang Foot note ng salin ng paring si Trinidad sa 1 Ped.1:20 na minali nila ng unawa na kung ating basahin sa mga Orihinal na salin sa Greek Bible ay hindi naman ganon ang nakalagay
Basahin natin:
"Na nakilala nga nang una bago itatag ang sanglibutan ,ngunit inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo "(I Ped.1:20)
May nabasa ba tayo na NASA ISIP sia ng Dios Diba WALA
ang nasa talata nakilala na sia bago itatag ang sanlibutan "Eh di umiiral na sia "ang patunay na umiiral na sia bago itatag ang sanlibutan sinabi mismo yan ng ating Panginoong Jesu Cristo na may tinanggap na siyang kaluwalhatian mula sa Ama bago itatag ang sanglibutan.
"At ngayon ,Ama luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.(Juan 17:5)
kung wala pang pag iral o existence ang Cristo bago itatag ang sanlibutan paanong nangyari na may kaluwalhatian na siyang tinamo bago ang sanlibutan ay naging gayon .dito makikita natin na umiiral na sia bago ang sanglibutan ay itatag .ang patunay walang bagay na ginawa kung wala sia.
"Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung kung WALA SIYA.(Juan 1:3)
Nandoon naba "SIYA"maliwanag ang sagot "alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung WALA SIYA. ang salitang "Siya " ito ay tumutukoy sa persona na umiiral eh nandoon na siya at umiiral na siya sa pasimula .
"Siya" ang Verbo at ang Verbo ay DIOS.(John 1:1) ...Dios ang kanyang kalagayan sa pasimula hindi kaisipan o plano .
"Sapagkat ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo pagiisip o ang iyong mga lakad ay aking mga lakad sabi ng Panginoon.(Isa.55:8)
Ito ang mahirap sa mga ministro ng culto Ni Manalo itinutulad ang Dios mag isip sa tao sabi ng Panginoon ang aking mga pag iisip ay hindi ninyo pag-iisip.
Ipalagay natin nasa Isip ng Dios Ama ang ating Panginoong Jesu Cristo bago itatag ang sanlibutan ang tanong hindi naba umiiral ang kristo dahil nasa isip ..tama ba ang ganong kaisipan na pag nasa isip ay hindi pa umiiral "Example "Nasa isip mo ang nanay at tatay mo ...nangangahulugan ba ito hindi pa umiiral ang nanay at tatay mo .mayroon nasa isip na umiiral ..talaga namang dapat nasa isip mo ang mga mahal mo sa buhay diba .ang mabait na Ama dapat lang nasa isip nya ang Anak nya diba yan ang Tama.
Kung nasa isip ng Ama ang anak natural lang kasi mahal ng Ama ang kanyang anak nya diba pag mahal natin ang isang tao nasa isip natin .kaya hindi nangangahulugan na dahil nasa isip ay walang pag-iral .
Example :Nasa Isip ko ang aking asawa at anak nangangahulugan ba ito na Hindi Umiiral ang aking asawa at anak.
At lalong nasa isip ng Dios ang kanyang sarili ...sa tingin nyo nasa isip ba ng Dios ang kanyang sarili.(Natural alangan namang wala sa isip nya ang sarili nya.
Example: Nasa ISIP ba ni Eduardo Manalo ang sarili nya....kung sasabihin ni Eduardo na wala sa isip nya ang sarili nya malamang may sayad sa ULO si Eduardo Manalo.
Example :Nasa Isip ko ang aking asawa at anak nangangahulugan ba ito na Hindi Umiiral ang aking asawa at anak.
At lalong nasa isip ng Dios ang kanyang sarili ...sa tingin nyo nasa isip ba ng Dios ang kanyang sarili.(Natural alangan namang wala sa isip nya ang sarili nya.
Example: Nasa ISIP ba ni Eduardo Manalo ang sarili nya....kung sasabihin ni Eduardo na wala sa isip nya ang sarili nya malamang may sayad sa ULO si Eduardo Manalo.
ayon pa sa kanila PLANO o (PANUKALA) lang daw ang ating Panginoong Jesu Cristo .ang tanong natin pag panukala ba hindi na umiiral ...mayroong panukala o plano na ang gaganap ng panukala ay umiiral na
Halimbawa ang Dios ...laging BIDA ang DIos sa kanyang mga Panukala...sia lagi ang BIDA sa kanyang Plano "Sapagkat pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo ,at sinong wawala ng kabuluhan?at ang kaniyang kamay na nakaunat ,at sinong maguurong?(Isa.14:27)
Pag ang Dios ang BIDA sa kanyang Plano walang sino mang makapaguurong sa gagawin ng Dios .Example isa sa plano na ang Dios ay BIDA ay nasa AWIT 110:1
"Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon umupo ka sa aking kanan hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway."
Yong Panginoon ba dyan na nagsabi sa Panginoon ni David na umupo ka sa aking kanan ay HINDI pa ba Umiiral .(diba Umiiral na yan.).maliwanag na may plano na ang na gaganap at magiging BIDA sa plano ay kapwa umiiral na gaganap sa plano.
isang pang Halimbawa ay ang PLANO sa ARAW NG PAGHUHUKOM NA MAY HUKOM NA HUHUKOM SA TAO na kung saan ang hukom na ito ay magdadala ng bawat gawa sa kahatulan pati ng bawat kubling bagay ,maging ito'y masama o maging ito'y mabuti .
Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.(Ecle.12:14)
Ito ay plano na magaganap sa hinaharap o sa araw ng paghuhukom pero ang BIDA sa plano umiiral na sapagkat ang BIDA sa plano ay ang Panginoong Dios mismo.
Example nga dyan ay ang Panginoong Dios ...na Panginoon ni David ay uupo sa kanyang kanan..kapwa umiiral itong dalawang Panginoon na gaganap sa plano..kaya hindi kumo plano ay hindi pa umiiral yong gaganap sa plano.kaya kung si Cristo man ay plano ng Dios umiiral na si Cristo bago nya gampanan ang plano na inihanda ng Dios na mangyari para sa kanya sapagkat may kaluwalhatian ng tinamo si Cristo mula sa Ama bago ang salibutan ay naging gayon.
At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.(Juan 17:5)
Example:Ang isang sundalo na binigyan ng Misyon (Umiiral ang sundalo bago bigyan ng gagampanan nyang misyon..ganon si Kristo bago siya ipanukala umiiral na sya kaya ng dumating ang takdang panahon isinugo siya ng Ama at nagkatawang tao.(1John 1:14) (para gampanan ang misyon na ipinanukala sa kanya ng Ama kaya siya isinugo sa sanglibutan.(1John 4:9,14 )para gawin ang kalooban ng kanyang Ama.(John 6:38) tungkol sa panukala at misyon na kanyang gagampanan na isinulat sa aklat ni Moses at ng mga Propeta at sa Awit tungkol sa kanya.(Luc.24:24)
Comments
Post a Comment