RELIKIA

Ang iglesia katolika ay may pagsamba na inuukol sa mga relikia ng tinatawag nilang mga Santo sa mga relikia na ito may roon silang napipitagang pagpaparangal at paggalang na inuukol itinuturing ito ng mga katoliko na isang sagrado na dapat pag ukulan ng parangal at paggalang .



Ano ang tinatawag na relikia ?

Ayon sa aklat katoliko "Liwanag at buhay "mga aral katoliko sa Banal na kasulatan" na isinulat ni bishop Cirilo Almario ,jr.,D.D. at may Nihil Obstat ni RDO .P.Honesto Agustin, SSL at may Impremator ni Deogracias S.Iniguez Jr.Bishop Of malolos
"Ano ang mga Relikia?

Ito ay ang mga katawan ng mga Santo (mga butong kanilang katawan),o mga damit o mga kagamitan na kanilang ginamit noong silay nabubuhay .

a).Iginagalang natin ang mga ito ,sapagkat naging bahagi sila ng tunay na katawan ng mga santo noong silay nabubuhay ,o ng katawan ng Panginoong Hesus mismo.

b).Ang paggalang sa mga relikia ay kasing tanda ng kristianismo .Ito ay hindi Idolatria ,kundi isang paggalang at pagpaparangal sa mga santo.(p.92)

ito naman sa isa pa nilang Aklat...

"The veneration of relics ,pictures and images is indirect way of honoring the saint."

Reference:The Commandments p.97 st. paul publication

Ngayon sa biblea may inuukol bang paggalang o pagpaparangal ang mga santo sa kanilang mga relikia?

"At sinunug niya ang mga buto ng mga saserdote sa kanilang dambana at nilinis ang Juda at ang Jerusalem.(2 Cro.34:5)

Si Josias pinasunog ang BUTO ng mga Saserdote hindi nya ito IPINARADA at binigyan ng Veneration.

si Josue Hinapak ang kanyang Damit.(Josue 7:6)

Si Job hinapak rin ang kanyang Balabal.(Job 2:12)

Ang mga Apostol na sina Bernabe at Pablo Hinapak rin ang kanilang mga damit.(Acts 14:14)
  1. SA Aba ninyo ,mga Eskriba at mga Fariseo mga MAPAGPAIMBABAW !sapagkat itinayo ninyo ang mga LIBINGAN na MGA PROPETA ,at INYONG GINAGAYAKAN ANG MGA LIBINGAN ng MGA MATUWID.(Mat.23:29)

    Kung ang damit ng mga santo ay Relikia at banal na maituturing na dapat igalang at parangalan bakit sinira nila mga ito.ang mga banal na tao mismo wala ring pag-paparangal o paggalang sa sinabi kanilang relikia. Walang Josue o Job o di kaya Pablo at Bernabe ang nagparada ng kanilang "DAMIT" na nagsabi sa mga tao na parangalan ninyo ang aming mga "damit" .

    Ang sabi pa nga ng Panginoon sa mga tunay na santo?

    "Huwag kayong mangagbaon ng ginto ,kahit pilak ,kahit tanso sa inyong mga supot kahit supot ng pagkain sapaglalakad ,kahit dalawang tunika kahit mga panyapak o tungkod sapagkat ang manggagawa ay karapatdapat sa kaniyang pagkain.(Mat.10:9-10)

    Dyan makikita natin na walang kabuluhan sa Panginoon ang Relikia ng mga tinatawag na santo.higit ang buhay kay sa pagkain at pananamit.(Mat.6:25)

    Ngayon ano ang Tagubilin ng Panginoon sa mga tao nagbibigay halaga sa relikia?

    "Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan ,SANTO nga ,at magsiyasat pagkatapus ng panata.(Kaw.20:25)
    "At sinabi niya sa kanila ,kayo ang nagsisiaring ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao ;datapuwat nakikilala ng Dios ang inyong puso ,sapagkat ang DINADAKILA ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Panginoon.(Luc.16:15)

    "At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon :iyong lubos na kapootan at iyong lubos na kasuklaman sapagkat itinalagang bagay.(Deut.7:26)

    "Sa Aba ninyomga eskriba at mga fariseo ,mga mapagpapaimbabaw! sapagkat inyong nililinis ang labas ng SARO at ng pinggan datapuwat sa loob ay puno sila ng panlulupig at katakawan.(Mat.23:25)


    "Sa panahong yaon ,sabi ng Panginoon ay ilalabas nila ang mga buto ng mga hari,sa juda at mga buto ng kanyang mga prinsipe ,at ng mga buto ng mga SASERDOTE ,at ng mga buto ng mga PROPETA ,at ang mga buto ng mga nanahan sa jerusalem,mula sa kanilang  mga libingan .at kanilang ikakalat sa liwanag ng araw at ng buwan ,at ng lahat na kanilang inibig ,at kanilang pinaglingkuran at siya nilang sinundan ,at sioyang kanilang hinanap at siyang kanilang SINAMBA ,hindi mangapipisan o mangalilibing man siya 'y magiging pinakasukal sa ibabaw ng lupa.(Jer.8:1-2)


     Ipinagtatapon na sa lupa ang kanilang pilak. Ang mga ginto'y wala nang halaga. Ang pilak at ginto nila'y walang maitulong sa kanila sa araw ng poot ni Yahweh. Hindi mapawi ng mga ito ang kanilang gutom, hindi nila ito makain. Ibinagsak sila ng sariling kasamaan.(Ezek.7:19) 



Ang pagpaparangal sa relikia ay isang Anyo ng idolatriya sa harap ng Panginoon.(Jer.2:37) na naglilingkod sa nilalang na walang buhay kay sa lumalang.(Rom.1:25) sa pagkat ang bagay na nakikita ay may katapusan.(2 Cor. 4:18)

Comments

Popular Posts