PATAWAG AMA


"Father" o Ama yan ang malimit na maririnig natin sa mga mananampalayang katoliko na tawag nila sa kanilang "PARI" o sa kanilang Obispo at maging sa PAPA nila sa Roma. ito ba ay Biblical o katawagang sumasalungat sa itinuro ng ating Panginoong Jesu Cristo.

Ayon sa katuruan ng Iglesia katolika bakit tinatawag nila ang kanilang mga pari na Ama.? Sa isang Aklat Katoliko na ang pamagat ay "Another Thousand Radio Replies na isinulat ni Rev. Leslie Rumble p.75 Rockford Illinois :Tan Books and publisher ,Inc.1979

Ay ganito ang ating mababasa.

"Catcholic rightly therefore call the priest "FATHER" not to be the exclusion of thier Father in heaven ,but a manifestation on earth of the supreme fatherhood of God in the spiritual order ,even as an earthly parent is a similar manifestation of the same fatherhood in the natural order.(p.75)

Bakit daw tinatawag nilang "father" o Ama ang mga Pari "kahayagan" daw ito ng Pagka AMa ng DIos sa lupa sa espiritwal na pangangasiwa.

Ngayon sino ang nag pasimula sa katawagang ito sa loob ng Iglesia Katolika ayon sa kasaysayan ang nagpasuk ng katawagang ito ay si Pope Damasus I nung (366-385 A.D)

Ngayon Bawal bang Tawagin nating Ama ang ating Ama sa laman "HINDI" po.(Mat.7:10,Efe.6:2-3) ang maling Tawaging AMa ay ang mga taong nagiging Ama sa Espiritwal o sa pang relihiyon mahigpit pong ipinagbawal na itawag ito sa kanila.

"At HUWAG ninyong TAWAGIN inyong AMa ang sinomang tao sa Lupa sapagkat iisa ang inyong AMa sa makatuwid baga'y siya na nasa Langit.(Mat.23:9)

Ito ay tumutukoy sa Mga Leader sa Relihiyon gaya ng mga PARI!

"At ng pumasok ang mga ito sa bahay ni Michas at makuha ang larawang inanyuan ,ang epod at ang mga terap at ang larawang binubo ay sinabi ng saserdote sa kanila ano ang iyong gawin.At sinabi nila sa kaniya pumayapa ka itakip mo ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama ka sa amin at maging AMA at PARI ka namin ..."(Hukom 18:18-19)

Dyan mahigpit na ipinagbawal ng Panginoong Jesu Cristo na Huwag tawaging inyong AMA ang sinomang tao sa lupa sapagkat iisa ang ating AMa sa Langit.(Mat.6:9) ang Isang Dios at AMA ng Lahat.(Efe.4:6) siya rin ang AMA ng Mga espiritu.(Heb.12:9)

May IIsang AMA lamang ang mga Kristiano pagdating sa espiritwal na pangangasiwa. walang Maraming AMa ang mga Kristiano kundi ang Iisang Ama sa langit.(1 Cor.4:15)

Kaya ang Pagtawag sa Pari ,o Obispo o sa Papa sa Roma bilang AMa sa kaluluwa.(Hukom 17:10) ay Tuwirang pagsalungat sa sinabi ng Panginoong Jesus.(Mat.23:9)

Ano ang nangyari sa mga AMA ng mga katoliko.

"Even from the days of your FATHERS ye are gone away from mine ordinances..."(Malachi 3:7)

"Norwithstanding they would not hear but hardened their neck like to the neck of thier FATHERS,that did not believe in the LORD thier God.(2 king's 17:14)

"...but thou ,and thy FATHER'S HOUSE,in that ye have forsaken the commandments of the LORD ,and thou hast followed BAALIM.(1 King's 18:18)

"...and put away the gods which your FATHER 'S served.."(Josue 24:14)

Ang nangyari sa mga Ama ng mga katoliko ay nagpakaligaw sa utos ng Dios at naglingkod sa ibang mga dios.

Comments

Popular Posts