ANG TAWAGAN AY KAPATID HINDI FATHER

Ngayon tatalakayin na naman natin ang isang tanung na "kung hindi nagpatawag ang mga Apostol na Ama o "Father" ano ang itinawag sa kanila at Paano magtawagan ang mga Apostol sa kapwa nya apostol.

Tulad ng mababasa natin mahigpit na iniutos ng ating Panginoong Jesus Huwag tawaging Ama ang sinomang tao sa lupa.

"At huwag ninyong tawaging inyong Ama ang sinomang tao sa lupa sapagkat iisa ang inyong AMa sa makatuwid bagay siya na nasa langit..."at kayong lahat ay MAGKAKAPATID.(Mat 23:9,8)

dahil Iisa ang AMa ng mga alagad at yon ang Dios na nasa langit sila ay MAGKAKAPATID

Ngayon paano ba nagiging Kapatid?

"Sapagkat yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak upang siya ang maging panganay sa maraming MAGKAKAPATID.(Rom.8:29)

sa mga itinalaga pala ng Dios na maging katulad ng larawan ng kanyangAnak na si Jesu cristo si cristo ang panganay sa magkakapatid.

Kaya ang mga anak ng Dios itinuturing ni Cristo yan mga Kapatid.

"Sapagkat ang nagpapaging banal at ang mga pinapagingbanal ay pawang sa isa :dahil dito'y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,Na sinasabi ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid.sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.(Heb.2:11-12)

Ngayon paano ba ang tawagan ng mga magkakapatid kay Cristo sila ba ay nagpapatawag Ama "Father" sa kapwa nila kapatid

Paano ba tinawag ni apostol Pedro ang Apostol Pablo

"At inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas ,na gaya rin naman ni Pablo ,na ating MINAMAHAL na KAPATID ,na ayon sa karunungan ibinigay sa kaniya ,ay sinulatan kayo.(2 Ped.3:15)

tinawag ni apostol Pedro si apostol Pablo na MINAMAHAL na KAPATID hindi minamahal na PAPA o Beloved Father Paul

Paano naman tinawag ni Apostol pablo ang kanyang kamanggagawang si Timoteo

"Inyong talastasin na ang ating KAPATID na si Timoteo ay pinawalan na..."(Heb.13:23)

may nabasa ba tayo dyan na tinawag ni St.Paul si Timoteo na "Father Timothy" "WALA" kapatid ang Tawag niya kay Timoteo

Ano naman ang tinawag ni Ananias kay apostol Pablo

"At umalis si nanias at pumasok sa bahay ,at ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniya na sinabi KAPATID na SAULO,ang Panginoon ,sa makatuwid bagay si Jesus na sa iyo nagpakita sa daan na iyongpinangalingan ay nagsugo sa akin upang tanggapin mo ang iyong paningin at mapuspos ka ng Espiritu santo.(Acts 9:17)

Mayroon ba dyan na "Papa Saulo" WAla"

Kahit sa Kapulungan Kapatid ang kanilang Tawagan sa mga Kapwa Apostol.

"At nang matapos na silang magsitahimik ay sumagot si Santiago ,na sinabi "MGA KAPATID pakinggan ninyo ako.(Acts 15:13)

.(A"At pagkatapos ng pagbasa ng kautusan at ng mga propeta ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila na sinasabi MGA KAPATID kung mayroon kayong anomang iaaral sa bayan ay magsalita kayocts 13:15)

Dyan makikita natin na "KAPATID" ang tawagan ng mga alagad walang apostol ni Cristo na nagpatawag na AMa sa mga alagad o sa kapwa niya Apostol kaya Guni-Guni at katha lamang ang aral ng Iglesia katolika sa Kapapahan.

Comments

Popular Posts