DECEMBER -TAG-ULAN

Ngayon tatalakayin natin anong panahon ba pinanganak ang ating Panginoong Jesu Cristo ang panahon ba ng kanyang kapanganakan ay akma sa buwan ng Desembre?Ano ang mayroon sa buwang ito .

Ayon sa ulat nung ipanganak ang panginoong Jesu Cristo may mga pastol na nagpapakain ng kanilang mga tupa sa pastulan ng gabing iyon.



"At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang ,na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.(Luc.2:8)

At ayon sa Ulat ang dahil sa gabing iyon ang mga tupa ay sa pastulan ipinanganak ni Maria ang sanggol na si Jesus sa isang pasabsaban ng mga hayop kasi wala ng lugar para sa kanilang tuluyan.(Luc.2:6-7)

Dito makikita natin na ang panahong ipinanganak ang ating Panginoong Jesu Cristo ay "summer" kaya ng panahong iyon nagpatawag si Augusto Cesar ng isang census o pagpapatala ng kanyang nasasakupan.(Luc.2:1-3)

Ngayon bakit nasasabi natin na hindi buwan ng desembre ipinanganak si Jesus,kasi ayon sa tala ang buwan ng Desembre ay panahong maulan "Rainny season" ang panahon sa Israel.

"Nang magkagayo'y ang lahat na lalake ng Juda at Benjamen ay nagpisan sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw (siyang IKASIYAM NA BUWAN nang ikadalawang pung araw ng buwan):at ang boung bayan sa harap ng bahay ng Dios ,na NANGINGINIG dahil sa bagay na ito at DAHIL SA MALAKAS NA ULAN.(Ezra 10:9)

"Ang hari nga ay nakaupo sa bahay na TAGGINAW sa IKASIYAM na BUWAN;at may apoy sa apuyan na nagniningas sa harap niya.(Jer.36:22)

"Sapagkat narito ,ang TAGGINAW ay nakaraan;ang ULAN ay lumagpas at wala na.(Song's of solomon 2:11)

Pansinin ninyo ang IKASIYAM na BUWAN sa calendaryo ng mga judyo pumapatak ang IKASIYAM na BUWAN sa buwan ng DESEMBRE at ayon sa ulat yan ay panahon ng TAG-GINAW sa Jerusalem.(Mat.24:20)

Kung totoo na may nagpapastol ng tupa sa panahon iyon WALA MATINO na pastor na magpapastol ng TUPA sa TAG-ULAN o TAG-GINAW

At WALANG MATINO na CAESAR ang magpapatawag ng CENSUS sa panahon ng TAG-LAMIG

Kaya dyan makikita na hindi buwan ng Desembre ipinanganak ang panginoon Jesus.

"Sapagkat sinabi niya sa YELO lumagpak ka sa lupa gayon sa ambon at sa bugso ng kaniyang malakas na ULAN...mula sa Timog nangagaling ang bagyo at ang GINAW ay mula sa hilagaan,sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo;atang kaluwagan ng tubig ay naiipit.Oo kaniyang nilalagyan ang masingsing ulap ng HALOMIGMIG kaniyang pinangangalat ang kaniyang alapaap ng kaniyang kidlat:at pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patubay upang kaniyang gawin ang anomang iutos niya sa kanila,sa ibabaw ng balat ng sanlibutang natatahanan:maging sa saway ,o maging sa KANIYANG LUPAIN (israel) O maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya.(Job 37:6-13)

"...siyay bumaba rin naman at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa PANAHONG NG NIEBE.(1 Cro.11:22)
  1. larawan na may SNOW sa jerusalem

Comments

Popular Posts