BINYAG sa SANGGOL

Ang " infant baptism "ba ay biblical isa ito sa pangunahing aral na sinasampalatayan ng Iglesia Katolica na kung saan nagbibinyag sila ng sanggol sa dahilang kailangang hugasan ang sanggol sa minanang kasalanan at hakbang ito sa pagiging Kristiano.ngayon ang aral ba na pagbibinyag sa sanggol kasang ayon ba ito sa salita ng Dios na nakasulat sa Biblea ,ang mga una bang mga kristiano ay nagbibinyag ng sanggol.

Ngayon alamin natin na sa boung kasulatan ng bagong tipan ay hindi natin masusumpungan na nag binyag si juan bautista ng sanggol o ang mga Apostol man ni Cristo. "never binanggit ang infant baptism" sa biblea

Una alamin natin bakit ba kailangan bautismuhan ang tao.

"At sinabi sa kanila ni Pedro "MANGAGSISI kayo at MANGAGBAUTISMO ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu Cristo sa IKAPAGPAPATAWAD ng inyong mga KASALANAN at tanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.(Acts 2:38)

Sa Bautismo pala natatanggap ng TAO ang kapatawaran ng kasalanan at ang kaloob ng Espiritu santo.

kung gayon bakit pa bautismuhan ang sanggol WALA pang kasalanan ang sanggol.(Rom.9:11)kahit hindi bautismuhan ang sanggol sa kanila ang kaharian ng langit.(Mat.18:1-3,Mat.19:14)

Isa sa mga requirement sa Babautismuhan ay "Magsisisi ng kasalanan"

Wala ring kakayahan ang sanggol na MAGSISI ng kasalanan .(Mat.3:1-8,Acts 19:4)

Utos rin sa isang babautismuhan ang Sumampalataya.(Acts 16:30-33,Acts 8:36-37)

"Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas datapuwat ang hindi sumampalataya ay parurusahan.(Mar.16:16)

Wala ring kakayahan ang sanggol na sumampalataya,wala ring kakayahan ang sanggol na sumunod ,umunawa at mag isip ng wasto sapagkat siya ay sanggol.

"Sapagkat bawat tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran ,sapagkat siyay sanggol.(Heb.5:13)

sa mga pamantayang ito hindi papasa ang sanggol sa babautismuhan kaya nung bautismuhan ang Panginoong Jesu Cristo nasa sapat na syang gulang.na kung saan marunung na siyang magpasya at sumunod.

Saan hango ang pagbabautismo ng sanggol ?

Ito ay hango sa Retwal ng mga pagano sa paghahandog ng kanilang mga anak kay Moloc na diyus diosan.

"At kanyang nilapastangan ang Topheth ,na nasa libis ng mga analk ni Hinnom upang huwag paraanin ng sinoman ang kaniyang anak na lalaki o babae sa Apoy kay Moloc.(2 kings 23:10,2 kings 16:3)

"At kanilang itinayo ang mga matataas na daku ng Topheth ,na nasa libis ng anak ni Hinnom upang sunugin ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy na hindi ko iniuutos o pumasok man sa aking isip.(Jer.7:31)

sa ganitong paraan sinusunog ng mga katoliko ang kanilang mga anak na lalake at babae sa pamamagitan ng "infant baptism" na hindi man lang iniutos ng Panginoon na kanilang gawin.

Comments

Popular Posts