PARI GINAWANG BATING NG MGA TAO

Ngayon pinangangatuwiranan ng Iglesia katolika na ang kanilang mga pari daw kaya hindi nag aasawa dahil daw nagpapakabating daw sila sa kaharian ng Dios ?Totoo ba ito may batayan kaya ang ganitong pangangatuwiran at ang ginagamit nilang talata ay Mateo 19:11-12

Basahin natin.."

"Datapuwat sinasabi niya sa kanila Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang panalitang ito kundi niyaong mga pinagkalooban.Sapagkat may mga bating na ipinanganak na gayon mula sa tiyan ,ng kanilang ina :at may mga bating na ginawang bating ng mga tao :at may mga bating na nangagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng langit .ang makakatanggap nito ay pabayaang tumanggap."

Pansinin ninyo may tatlong uri ng bating

1.Ang Bating mula palang sa tiyang ng kanyang Ina.

2.May Bating na Ginawang bating ng mga tao

3.May Bating na nagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng Dios

Ngayon Ang hindi pag-aasawa ng pari ay Hindi pagpapakabating sa sarili sa kaharian ng Dios kundi naging bating sila dahil ginawa silang bating ng mga tao dahil sa mga utos ng tao na nilagdaan sa mga konselyo..ang pagpakabating sa kaharian ng Dios ay isang kaloob na biyaya ng Langit sa isang Lingkod ..hindi ito ginawa sa dikta at utos ng tao .Ang hindi pag-aasawa ng mga pari ay payo at utos lamang ng tao .hindi ito kaloob na mula sa langit .kasi maraming pari ang gusto mag-asawa na hindi ipinapahintulot ng simbahan dahil ito ay batas na ginawa ng konselyo na ang nagpapari ay hindi pinapayagang mag-asawa.

Kaya ang pari na nag-aasawa ay naaalis sa serbisyo ng pagpapari kasi bawal talaga sa kanila ang mag-asawa.ginawa silang bating ng mga tao ayon sa utos ng mga tao.(Mar.7:7) magkaiba ag pagpapakabating sa sarili dahil sa Kaharian ng Dios sapagkat ito ay kaloob mula sa langit at malayang ipinasya ng isang tao sa kanyang sarili.

Ngayon may ginagamit pang talata na pinangangatuwiran ang mga defensor katoliko para pangatuwiranan ang hindi pag-aasawa ng kanilang mga pari.ito ang Mat.19:27,19

Kung pansinin ninyo Walang sinabi dyan na iiwanan ng isang tinawag ang kanyang asawa

Ito ang nakasulat "...At ang bawat magiwan ng bahay o mga kapatid na lalaki ,o o mga kapatid na babae ,o ama o ina ,o mga anak ,o mga lupa dahil sa aking pagalan ay tatanggap ng tigisang daan at magsisipagmana ng walang hanggang buhay."

Hindi ito tumutukoy sa pagpapari at hindi kasama sa talata na yan ang pag-aasawa kasi ayon mismo kay Apostol Pablo may matuwid silang magsipagsama ng isang asawa na sumasampalataya.(1 Cor.9:5)

At hindi pwedi Iwan ng lalaki ang kanyang Asawa sapagkat iisang laman sila.(Mar.10:7-8) kaya hindi kasama dyan ang asawa kasi paano mo iwan ang iisang laman mo.

Ang Bating na ginawang bating ng mga tao ay tao ang gumagawa.(1 Tim.4:3) o gawa ng konselyo ng masama (Councel of the Ungodly).(Awit 1:1)at ang bating na nagpapakabating sa kaharian ng Dios ay Dios ang gumagawa at hindi tao.(Mat.19:11-12,1Cor.7:26-29) yan ang pagkakaiba ng dalawang bating na yan.

Comments

Popular Posts