BATONG ITINAKWIL NG MGA TAO

Ang Bato "ROCK" ay ang ating Panginoong Jesu Cristo siya ang Bato na itinakwil ng mga tao o ng mga katoliko ginawa ang pagtatakwil kay Kristo ng palitan si Cristo bilang batong tayuan ng Iglesia at ang pinalit ay tao o larawan ng tao na may kasiraan.(Rom.1:23)



"Sa inyo ngang nangananampalataya siyay mahalaga :datapuwat sa hindi nanganananampalataya,Ang Batong itinakwil ng nagsisitayo siyang naging pangulo sa sulok ;at Batong katitisuran at bato na pang buwal.(1 Ped.2:7-8,Awit 118:22)



"...na sa katotohana'y itinakuwil ng mga tao,datapuwat sa Dios ay hirang mahalaga.(1 Ped.2:4)



Si Cristo ang Batong panulok na pangulo na inilagay sa Sion.(1 Ped.2:6,Isa.26:16,Job 38:6,Rom.9:33)



Itinakwil ng mga katoliko si Cristo at ang pinalit ay si Pedro bilang tayuan bato

"Sa Batong nanganak sa iyo ay nagwalang bahala ka ,at iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sayo.(Deut. 32:18)

Ito ang Ginawa ng Iglesia katolika sa ating Panginoong Jesu Cristo kanilang winalang bahala at kinalimutan ang Bato na nanganak sa kanila .

Dahil dito sila ay naging BAnsang salat sa payo at walang kaalaman sa kanila.(Deut.32:28)

"Sapagkat ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating BATO kahit ang ating mga kaaway man ang maging mga hukom.(Deut.32:31)

Kung pansinin ninyo ang bansang salat sa payo may bato rin pero hindi ito tulad ng BATO ng TUNAY na BAYAN ng DIOS

Bakit anung Uring bato ang mayroon ang mga Bansang salat sayo at walang kaalaman?

"At sa katotohanan silay marami sa bilang na naging mga saserdote sapagkat dahil sa kamatayan ay napigil sila sa pagpapatuloy.(Heb.7:23)

Ang kanilang mga bato ay napigil sa pagpapatuloy dahil sa kamatayan tignan mo ang kapapahan ng Iglesia Katolika dahil namamatay yong isang papa papalitan ng bagong papa.

"At tunay na ang bundok na natitibag ay nawawala,At ang Bato ay nababago mula sa kinaroroonan niyaon;inuukit ng tubig ang mga bato tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa sa gayon iyong sinisira ang pag-asa ng tao.(Job 14:18-19)

sa Ganang mga Lingkod ng Dios Sino ang kanilang BATO

"Aking nilayon na maipangaral ang evangelio sa ,hindi doon sa nabalitaan na kay Cristo upang HUWAG akong MAGTAYO sa IBABAW ng PINAGSASALIGAN ng IBA.(Rom.15:20)

Hindi NAGTATAYO ang Lingkod ng Dios sa IBANG PINAGSASALIGAN kundi ang NATAYO na at yan ay si CRISTO.(1 Cor.3:11)

Ang Sino man Iglesia natayo sa ibabaw ng TAO ay Itinayo kay SATANAS.(Mat.16:23)

Comments

Popular Posts