SAAN SINABI NI CRISTO DIOS AKO SAMBAHIN NYO AKO
Isa sa malimit marinig natin sa mga INC 1914 at sa mga Muslim na lagi nilang tinatanung kung "DIOS DAW ang ating Panginoong Jesu Cristo saan daw mababasa na sinabi ng ating Panginoong Jesu Cristo na "DIOS AKO SAMBAHIN MO AKO "
Ito ngayon ang ating sasagutin ,isang tanung na mapanlinlang sa dahilan para maniwala sila na Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo dapat sa bibig daw mismo ni Jesus manggagaling na sinabi niya "na Dios siya at dapat sambahin" na tila ba parang gusto nila turuan ang ating Panginoong Jesu Cristo ng kanyang sasabihin.
Alam natin na hindi batayan para maniwala tayo na totoo ang isang bagay ay dapat sabihin o ipakilala sa dahilang hindi lahat nagsasabi o nagpapakilala ay totoo ang sinasabi o pinakikilala :Halimbawa pinagpauna na ating Panginoong Jesu Cristo ang mga bagay na ito bago mangyari na ang sabi :
"At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. (Mateo 24:4-5)
dito maliwanag na may nagpapakilala sabi ng Panginoong Jesu Cristo mangagingat kayo na huwag mailigaw ninoman sapagkat marami ang magsisiparito sa aking pangalan.na mangagsasabi "Ako ang Cristo at ililigaw ang marami.samakatuwid hindi batayan kumo sinabi ay totoo na ang sinasabi sa dahilan may nagsasabi o nagpapakilala hindi naman totoo ang pagpapakilala "ang bulaang Cristo nagpapakilala rin na siya ang Cristo ,pero maniniwala ba tayo dahil pinakilala niya na siya ang Cristo ,,,tatanggapin na natin o paniniwalaan ...hindi ganun.
Sapagkat para maniwala tayo na Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo ay dapat sabihin niya sa atin... hindi po dapat ganun..,kasi lalabas parang tinuturuan natin siya ng kanyang sasabihin.At wala tayong karapatan na turuan ang Panginoon ng kanyang sasabihin ,Alam natin na hindi para maging totoo ay dapat sabihin.
Ngayon may mga salita ba ang ating Panginoong Jesu Cristo na ipinakilala na siya ay Dios?
Ganito ang sabi ng ating Panginoong Jesu Cristo .
" Sinabi sa kaniya ni Tomas, Panginoon, hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. (Juan 14:5-6)
Dito maliwanag may pagpapakilala ang Panginoong Jesus na siya ang BUHAY ,Alam natin na ang "Buhay" "Life " ito ay nagmula sa Dios sapagkat ang Dios lamang ang source o pinagmulan ng Buhay at sa kanya tayo' nabubuhay .(Mga Gawa 17:28) at walang may nabubuhay kung wala siya na pinagmulan ng buhay.
"At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya. (Col.1:17)
Dito malinaw na pinakilala ng ating Panginoong Jesu Cristo na siya ay Dios na pinagmumulan ng Buhay .ngayon paano pinakilala ng ating Panginoong Jesu cristo ang kanyang sarili bilang pinagmulan ng buhay .
Ito ang Verbatem na salita ng ating Panginoong Jesu Cristo na sinabi niya mismo na siya ay "DIOS"
Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay. (Mateo 22:32)
Malinaw dito na sinabi mismo ng ating Panginoong Jesus ang verbatim na pagkasabi na siya ang Dios ni Abraham ,siya ang Dios ni Isaac at siya ang Dios ni Jacob na siya ay Dios na buhay at hindi Dios ng mga patay.
Pinakilala ng Panginoong Jesu Cristo na siya ay Dios sabi ng Panginoon.
Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), (Juan 10:34-35)
kung yong dinatnan lang ng salita ng Dios tinatawag na Dios ayon sa kautusan eh lalong marangal ang ating Panginoong Jesus na matawag na Dios sapagkat siya mismo ang VERBO NG DIOS at ang VERBO AY DIOS na nagkatawang tao.(Juan 1:1-3,14)
nasa kasulatan na ito na siya ay tatawaging Dios na hindi mangyayaring sirain ang kasulatan ,Ano ba ang pagpapakilala sa kanya ng kasulatan.
ayon sa kasulatan ni Propeta Isaias ang ating panginoong Jesu Cristo ay tatawaging MAKAPANGYARIHANG DIOS .
"Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.(Isaias 9:6)
Ngayon may mabasa ba tayong Letra for Letra na sinabi ni Kristo na siya ay Dios ?Ang sagot Mayroon ito ay sa salin ng Aramaic Bible in Plain English:
Ganito ang Ating Mababasa:
John 11:25-26 Aramaic Bible
Yeshua said to her, "I AM THE LIVING GOD, The Resurrection and The Life; whoever trusts in me, even if he dies, he shall live." "And everyone who lives and believes in me shall never die. Do you believe this?"
John 15:1-6 Aramaic Bible
"I AM THE LIVING GOD, The True Vine, and my Father is the vine dresser." "Every branch on me not yielding fruit he takes away, and that which yields fruit he purges that it may bring forth much fruit." "From now on you are purged because of the word which I have spoken with you." "Stay with me, and I am in you. Just as the branch cannot yield fruit by itself unless it remains on the vine, so neither do you unless you stay with me." "I AM THE LIVING GOD, The Vine, and you are the branches; whoever abides with me and I in him, this one brings forth much fruit, because without me, you can do nothing." "If a man does not abide with me, he is thrown away like a shriveled up branch, and they gather it, throwing it into the fire to burn."
Aramaic Bible in Plain English:
Yeshua said to him, “I AM THE LIVING GOD, The Way and The Truth and The Life; no man comes to my Father but by me alone.(John 14:6)”[http://biblehub.com/aramaic-plain-english/john/14.htm]
Dito maliwanag na verbatem sinabi ng ating Panginoong Jesu cristo na siya "ANG BUHAY NA DIOS" THE LIVING GOD.
Ngayon tunay na Dios ba ang pagka-Dios ng ating Panginoong Jesu Cristo ?
Una may presipyo na sinunud ang Panginoong Jesu Cristo.
Ito ang prensipyo na ..."Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi. - Kawikaan 27 :2
Kaya ang magsasabi at magpupuri sa Panginoong Jesu Kristo ay hindi ang sarili niya Kundi ang mga Taong nakakilala sa kanya.
At ito ang Sabi ng mga taong nakakilala sa kanya:..."Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala ang sinoman ayon sa laman: bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na namin nakikilala siyang gayon.(2 Cor.5:16)
Sabi ni Apostol Pablo bagamat nakikila nila si Kristo ayon sa Laman o sa kanyang pagiging TAO pero ngayon hindi na namin nakikilala siyang gayon.Therefore dumating talaga ang panahon na nagbago itong pagkilala ng mga apostol sa panginoon na nuon dati kinilala nila itong Propeta o sugo ng Dios sa katagalan nagbago ito TUMAAS ang kanilang pagkilala sa Panginoon.
Na ito ay Hindi karaniwang Tao na Tulad nila at ng kalaunan ay ipinangaral nila na si Kristo ay Dios ang Anak ng Dios Ama.
Sinaksihan ni Apostol Juan na Dios ang Kristo:
" At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.(1Juan 5:20-21)
sabi ni Apostol Juan At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo (Ito yong Anak ng Dios na naparito), at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito (Si Jesus na Anak ng Dios ) ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.kaya ang ating Panginoong Jesu Cristo na Bugtong na anak ng Dios Tunay na Dios na minamahal ng Dios Ama.(Juan 3:16)
Sinaksihan din ito ni Apostol Pedro:
Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:(2 Ped.1:1)
At ito mismo ay kinomperma ng ating Panginoong Jesu Cristo na siya ay Dios.
At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo; At ginawa tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa."Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa. Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios,.."At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi. At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli, At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades. (Apoc.1:5-8,12-18)
Sa tagpo na ipinakilala ni Kristo na siya at ang Ama ay iisa ito naintindihan ng mga Hudyo na nagpakilala si Kristo na siya ay Dios o Anak ng Dios kaya sila nagalit at nagsidampot ng bato para batuhin si Jesus dahil sa kautusan nila isang pamumusong ang magpakilalang Dios.
Ako at ang Ama ay iisa. Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin. Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios. Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios? (Juan 10:30-36)
Ngayon saan natin mababasa na itong Panginoong Jesu Cristo ay nasagsabi na siya ay dapat sambahin o Sambahin niyo Ako " isa ito sa mga ignorateng tanung ng mga muslim.
Ngayon mayroong bang tagpo na iniutos ng ating Panginoong Jesu Cristo na sambahin siya !!! Nung tuksuhin ng Diablo ang ating Panginoong Jesus ay may ganitong salita ang ating Panginoong Jesus :
Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo, At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios. Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila; At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako. Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran. (Mateo 4:5-10)
Nung tuksuhin ng Diablo ang ating Panginoong Jesu Cristo sinabi ni Cristo sa Diablo na "Huwag mong Tuksuhin ang Panginoon mong Dios sapakat nasusulat sa Panginoon mong Dios SASAMBA ka , at SIYA lamang ang iyong paglingkuran dito sa tagpong ito ay pinakilala ng ating Panginoong Jesu Cristo na siya ay ang PANGINOONG DIOS sapagkat siya mismo ang PAnginoong Dios na tinutukso ng Diablo.(Mat.4:1-3) si KRISTO ANG PANGINOONG DIOS.(Juan 20:28,Gawa 1:6,Roma 1:4,1 Cor.1:2)
At sa isang Tagpo ay sinabi mismo ng Panginoon ang ganito:
Jesus said...."That all may worship the Son, even as they worship the Father. He who doesn't worship the Son doesn't worship the Father who sent him.(John 5:23 Voice Bible)
kaya malinaw dito na iniutos ng panginoong Jesus na Sambahin siya at paglingkuran ngayon ang tanong tumanggap ba ng pagsamba ang ating Panginoong Jesu Cristo sa mga tao?
Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok na sa kanila'y itinuro ni Jesus. At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; (Mateo 28:16-17)
At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin.At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios. (Mateo 14:32-33)
At nang siya'y bumaba mula sa bundok, ay sinundan siya ng lubhang maraming tao. At narito, lumapit sa kaniya ang isang ketongin, at siya'y sinamba, na nagsasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.(Mateo 8:1-2)
At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.(Mateo 28:9)
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Siya'y nakita mo na, at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo. At sinabi niya, Panginoon, sumasampalataya ako. At siya'y sinamba niya.(Juan 9:37-38)
Dito maliwanag na ang mga unang alagad ng ating Panginoong Jesu Cristo ay sumamba sa kanya kasi alam nila hindi tao si Cristo siya ang Anak ng Dios na nagkatawang tao.tandaan natin na itong mga unang alagad ng ating Panginoon Jesus ay mga Judio na alam nila ang kasulatan o kautusan na sa Dios lamang sasamba .
Kaya hindi ignorate ang mga alagad nung sambahin nila ang Panginoon sapagkat alam nila karapatdapat ito sa pagsamba
"Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito sa kanila, narito, dumating ang isang pinuno, at siya'y sinamba, na nagsasabi, Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae: datapuwa't halina at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya, at siya'y mabubuhay. (Mateo 9:18)
Datapuwa't lumapit siya at siya'y sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako.(Mateo 15:25)
At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.At siya'y sinamba nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak:(Luc.24:51-52)
Ang Dios ay sumumpa sa kanyang sarili na ang kaniyang salita ay nakabitaw sa kanyang bibig sa katuwiran at hindi babalik na ang bawat tuhod ay luluhod at ang bawat dila ay susumpa.
"Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin. Ako'y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, na sa akin ay luluhod ang bawa't tuhod, bawa't dila ay susumpa.(Isaias 45:22-23)
Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2:10-11)
Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak? At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios. (Hebreo 1:5-6)
Maging Demonyo sumasamba sa Anak ng Dios?
At sila'y nagsidating sa lupain ng mga Gadareno, na nasa tapat ng Galilea.At pagkalunsad niya sa lupa, siya'y sinalubong ng isang lalaking galing sa bayan, na may mga demonio; at malaong panahon na hindi siya nagdaramit, at hindi tumatahan sa bahay, kundi sa mga libingan.At nang makita niya si Jesus, siya'y sumigaw, at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi ng malakas na tinig, Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan? Ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mo akong pahirapan.(Lucas 8:26-28)
Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo.(1 Pedro 3:15 Mbb)
Si Kristo ang Dios na Niluwalhati ng isang lakaking ketongin na taga Ibang lupa?
At nangyari, na samantalang sila'y napapatungo sa Jerusalem, na siya'y nagdaraan sa mga hangganan ng Samaria at Galilea. At sa pagpasok niya sa isang nayon, ay sinalubong siya ng sangpung lalaking ketongin, na nagsitigil sa malayo: At sila'y nagsisigaw na nagsisipagsabi, Jesus, Guro, maawa ka sa amin. At pagkakita niya sa kanila, ay sinabi niya sa kanila, Magsihayo kayo at kayo'y pakita sa mga saserdote. At nangyari, na samantalang sila'y nagsisiparoon, ay nangalinis sila. At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig; At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano. At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam? Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa? At sinabi niya sa kaniya, Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya. (Lucas 17:11-19)
Comments
Post a Comment