HEBREO 1:8 ALIN ANG DIOS ANG NAKAUPO O ANG INUUPUAN NA LUKLUKAN
Ngayon sasagutin natin ang isa sa pinangangatuwiran ng mga ministro ng INC 1914 ang tungkol sa Hebreo 1:8
Ayon sa kanila hindi daw Dios si Cristo sapagkat ang tama daw na salin sa Hebreo 1:8 ay "Ngunit tungkol sa anak ay sinasabi Ang iyong lulukan ay ang Dios "at hindi ang "Iyong luklukan Oh Dios ang iyong Luklukan ay magpakailanman"
Gusto palabasin ng mga INC 1914 na ang "Luklukan" yon ang Dios at hindi ang naka lukluk sa luklukan na para bang pinapatunog nila na si Cristo nakaupo sa Dios na ayon sa kanila yong "LUKLUKAN " yon ang Dios"
Isa itong maliwanag na pandaraya at pagpapalabo sa talata sapagkat kung ating babasahin ganito ang naka sulat.
" Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. "
sa Greek: "Ho THEOS" OH DIOS" na maliwanag na tumutukoy sa ANAK o sa ating Panginoong Jesu Cristo na ang kanyang LUKLUKAN bilang DIOS ay magpakailan man
Ngayon Tama ba ang unawa ng mga INC 1914 na ang "OH DIOS sa talata na yan ay ang LUKLUKAN o TRONO" at hindi ang Anak
Alamin natin kung tama ang ganitong uri ng pagkaunawa, ang Una nating tanung saan nakaupo si cristo ,kasi sabi ng mga INC sa Dios daw nakaupo si Cristo o mismo ang Dios ang inupuan ni Cristo kasi sa paniniwala nila at unawa yong luklukan yon daw mismo ang Dios
Tanungin natin ang banal na kasulatan kung saan nakaupo ang ating Panginoong Jesu cristo:
Ganito ang sagot " Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.(Mga Awit 110:1-2)
Dito maliwanag na ang Panginoon ni David ay uupo sa kanan ng isa pang Panginoon na ang sabi ,,"Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan,,,"
Kaya itong panginoon na ito nakaupo ito sa kanan ng isa pang panginoon na walang iba itong panginoon ni David ay ang ating Panginoong Jesu Cristo.(Mat.22:45)
At ito niliwanag ng Apostol Pablo na itong ating Panginoong Jesu cristo ay naka upo sa kanan ng Dios at hindi ang Dios ang inuupuan .
"Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.(Col.3:1)
Pinatotohanan mismo ng apostol Pablo na itong "Cristo nakaupo sa kanan ng Dios "kaya mali ang unawa ng mga INC na Dios ang inuupuan ni Cristo ang nasa talata si Cristo naka upo sa Kanan ng Dios" at hindi sa Dios ,,,kasi hindi BASTOS si Cristo para upuan niya ang Dios .
walang tinuturo ang banal na kasulatan na ang Dios Ama ay itinulad sa Upuan o TRONO ,bagkus ang naka sulat ang UMUUPO sa TRONO ay ang DIOS at hindi ang TRONO ay ang DIOS .
Basahin natin :At sinabi ni Micheas, Kaya't dinggin ninyo ang salita ng Panginoon: Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan, at ang buong hukbo ng langit na nakatayo sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa. (2 Cro.18:18)
sabi ni Micheas aking nakita ang Panginoon na "NAKAUPO SA KANIYANG LUKLUKAN"ano ang maliwanag yong nakaupo yon ang PANGINOON at hindi ang inuupuan
mayroon pa ba tayong patunay na hindi ang LUKLUKAN ang PANGINOON kundi ang NAKAUPO sa LUKLUKAN yon ang PANGINOON ito ang sabi ni Propeta Isaias .
"Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian. Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya. At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.(Isaias 6:1-3)
nung taong mamatay si Haring Uzzias sabi ni Propeta Isaias nakita ko na ang Panginoon NAKAUPO SA ISANG LUKLUKAN
Eh di hindi nga Panginoon ang LUKLUKAN kundi ang NAKAUPO sa Luklukan yon ang PANGINOON kaya lisya sa katotohanan ang unawa ng mga INC 1914
Ang Ama ay BATO.(Awit 18:1,Isaias 44:8) ang Anak ay BATO(Mat.16:18,Efe.2:20,1Cor.3:11) ang AMa ay ILAW .(1Juan 1:7) at ang Anak ay ILAW.(Juan 8:12,Mat.4:16)
Comments
Post a Comment