ANG PARAAN SA TAMANG PANANALANGIN
Paano ba mananalangin ang mga lingkod ng Dios ?
Ang pananalangin ng mga lingkod ng Dios ay may kaayusan na sinusunod kung paano ito isagawa :
Una ano ba ang "Pananalangin" (prayer)?
Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.(Fil.4:6)
Ang panalangin ay isang uri ng pag samo sa Dios na may daing na may pagpapasalamat na kung saan ating ipinakilala sa panginoon ang ating mga kahilingan.
Ngayon paano isinasagawa ang pananalangin sa Dios ano ang mga dapat isaalang -alang kung tayo ay nanalangin sa Dios?
Ang unang gawin ay magtalaga tayo ng ating mga sarili ating siyasatin ang kaloob looban ng ating mga pagkatao?
Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na.(2 Cor.13:5)
Pagkatapus maisagawa ang pagsiyasat sa sarili ay ang paglilinis ng ating mga budhi sa lahat na gawang masama at kamalian at mabisang paglinis sa sarili ay ang pagtalikod sa kasalanan.
Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan: Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo ang babaing bao. Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa, Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain:(Isaias 1:16-19)
At matapus natin ang paglinis ng ating mga budhi ay pwede na natin isagawa ang pananalangin o pagsamo sa Dios.at tinuturo din sa atin ang paraan ng pagsasagawa nito.
Ano mga kaparaanan sa pagsasagawa ng pananalangin?Isinasagawa ito sa ibat-ibang kaparaanan kung paano tayo haharap ng ating mga daing at pagsamo sa Dios.
1).Unang -una ang isang mananalangin ay tatayo?
At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama (Mar.11:25)
Kaalinsabay ng nakatayong nanalangin ay magpatawad tayo sa mga taong ating nakaaway o nagawan ng kasamaan.
Kaya't kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'ymaalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo, Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.(Mateo 5:23-24)
2).Itaas ang kamay sa Panginoon?
Ating igawad ang ating mga kamay na kung saan iunat ang ang mga kamay na nakataas
Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo.(1 Tim.2:8)
Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon. Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon. Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon.(Awit 134:1-2)
Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo, pagka aking iginagawad ang aking mga kamay sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.(Awit 28:2)
Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.(Pan.3:40-41)
At si Salomon ay tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon, sa harapan ng buong kapisanan ng Israel, at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit:(1Mga Hari 8:22)
Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.(Awit 119:48)
At si Ezra ay pumuri sa Panginoon, na dakilang Dios. At ang buong bayan ay sumagot: Siya nawa, Siya nawa, na may pagtataas ng kanilang mga kamay: at kanilang iniyukod ang kanilang mga ulo, at nagsisamba sa Panginoon na ang kanilang mga mukha'y nakatungo sa lupa.(Neh.8:6)
3).Na nakataas ang kamay na tumitingala sa langit nagpupuri at nagpapasalamat sa Dios?
Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: (Juan 17:1)
4).Na may pagluha?
Habang si Ezra nga ay dumadalangin, at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harap ng bahay ng Dios, nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata: sapagka't ang bayan ay umiyak na mainam.(Ezra 10:1)
Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.(Awit 126:5-6)
5).Ang sunod na gagawin ay magpapatirapa sa harap ng Dios na naka pikit ang mata ?
At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay; at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.(2 Cro.7:3)
At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila.(Bilang 20:6)
Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. (Awit 95:6)
At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.(Mate0 26:39)
At nang makapagsalita na siya ng gayon, ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat.(Mga Gawa 20:36)
At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa; (Mga Gawa 21:5)
Datapuwa't kung ang lahat ay nagsisipanghula, at may pumasok na isang hindi sumasampalataya, o hindi marunong, mahihikayat siya ng lahat, masisiyasat siya ng lahat; Ang mga lihim ng kaniyang puso ay nahahayag; at sa gayo'y magpapatirapa siya at sasamba sa Dios, na sasabihing tunay ngang ang Dios ay nasa gitna ninyo.(1 Cor.14:24-25)
Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka. (Mateo 6:6)
6).At ang panalangin na may samo at daing ay hihilingin sa Ama sa pangalan ng kanyang Bugtong na anak na si Jesu Cristo?
At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan. Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.(Juan 16:23-24)
7).Ang Huling kataga sa pagtatapus ng pananalangin ay ang pagsambit ng "AMEN" at ang pagkatapus nito ay ang muling pagtayo?
Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya nawa (Amen).(Apoc.22:21)
".... at ang buong Israel ay tumayo.(2 Cro.7:6)
I am here to express my profound warm gratitude to the herbal medicine, which I got from Dr. Imoloa. I am now living a healthy life since the past 6 months. I am now a genital herpes virus free after the herbal medication I got from him. You can contact him for your medication Via his email- drimolaherbalmademedicine@gmail.com/ whatsapp +2347081986098/ website www.drimolaherbalmademedicine.wordpress.com
ReplyDelete