FIESTA
Kapistahan para sa mga patron!
Ang kapistahan sa mga patron ay isang kapistahan pinagdidiwang ng mga katoliko na kung saan sa araw ng kapistahan kanilang pinararangalan ang mga tinatawag nilang mga patron nandyan ang pagpaparangal sa mga santo at santa ,ang pagpaparangal maging kay Maria tampuk din sa kapistahan ng mga patron ang pagpaparangal sa kanilang mga Imahen ,nariyan din ang paghahain ng mga handog sa kapistahan na kung saan ang bawat sambahayang katoliko ay naghahanda ng pagkain bilang handog sa kanilang mga patron .
Halimbawa sa Kapistahan ng mga Patron:
Nariyan ang kapistahan ni San Isidro labrador ,ang kapistahan ng black Nazarine sa Quiapo ,ang kapistahan ng Immaculada Conception,at ang kapistahan ng Ina na laging Saklolo sa Baclaran at kapistahan ng mga santo at santa sa Loob ng Iglesia Katolica.
Itong kapistahan sa mga Patron ay isang maliwanag na anyo ng pagsamba sa diosdiosan.
Sapagka't kanilang tinawag ang bayan sa mga hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios.(Mga Bilang 25:2)
"Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.(Kaw.17:1)
Tupad -na tupad ito tuwing may mga fiesta o pistahan dinadaos ang mga mga katoliko laganap ang GULO o kaalitan na humahantong sa kaguluhan.kaya nagaganap sa kanilang pagdaraos ang patayan at kaguluhan na sa pagdaraos na ito may mga nasusugatan at may mga buhay na nawawala .
At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon.At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.(Exo.32:4-6)
Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang; at maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.Ibugso mo ang iyong galit sa kanila, at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda. Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran.(Awit 69:22-27)
Kung hindi ninyo didinggin, at kung hindi ninyo ilalagak sa inyong puso upang bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, magpapasapit nga ako ng sumpa sa inyo, at aking susumpain ang inyong kapalaran; oo, akin na silang sinumpa, sapagka't hindi ninyo inilagak sa inyong puso.Narito, aking sisirain ang inyong binhi, at magsasabog ako ng dumi sa harap ng inyong mga mukha, sa makatuwid baga'y ng dumi ng inyong mga kapistahan; at kayo'y pawang ilalabas na kasama niyaon.(Mal.2:2-3)
Maigi ang pasa bahay ng tangisan, kay sa bahay ng pistahan: sapagka't siyang wakas ng lahat ng mga tao; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso. .."Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan; nguni't ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan.(Ecle.7:2,4)
Comments
Post a Comment