ANG DIOS DAKILA KAY SA TAO
Isa sa malimit pinangangatuwiranan ng mga INC 1914 at ng mga Muslim kaya daw hindi Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo dahil daw may kalikasan ito na hindi daw kalikasan ng Dios ito yong ang Panginoong Jesu Cristo ay NAGPAHINGA ,NATULOG , at NAPAGOD kaya sa paniniwala ito daw ang patunay na hindi siya tunay na Dios.
Dito makikita natin limitado ang pananaw ng mga INC 1914 at ng mga Muslim sa kaya gawin ng Dios sa kanila pag NAGPAHINGA ,NATULOG at NAPAGOD ito ay hindi na katangian ng Dios
Lalabas nito na HINDI kaya gawin ng Dios ng mga INC 1914 at ng Mga Muslim ang MAGPAHINGA ,MATULOG ,AT MAPAGOD samakatuwid may HINDI MAGAGAWA o may HINDI KAYA GAWIN ang kanilang Dios .Ito yong MAGPAHINGA ,MATULOG at MAPAGOD na kaya naman gawin ng tao na kaniyang nilikha .
So Kung ganun anu ang kahigitan ng Dios sa tao kung ang Dios ay may hindi kaya gawin na kaya naman gawin ng tao na kanyang nilikha.
Hindi ito ang tunay na katangian ng isang tunay na Dios sapagkat ang tunay na Dios higit ang kakayahan sa tao na kanyang nilikha .may magagawa ang Dios na hindi kaya gawin ng tao pero walang gawa ang tao na mahirap sa Dios gawin ito ang katangian ng isang ganap na Dios.
Sapagkat ang Dios ay DAKILA kay sa TAO
Dito maliwanag na walang bagay na mahirap sa Dios sapagkat ito ay hindi mahirap sa kanya at magaan lang ito sa kanyang paningin .
Comments
Post a Comment