SOLA SCRIPTURA ANG BAYAN NG DIOS NOON HANGGANG NGAYON
Ngayon Tatalakayin natin ang isa namang napapanahong paksa ukol sa pagiging SOLA SCRIPTURA ng Bayang Israel sa pagsunod sa mga Utos ng Dios at ang pagiging Sola Scriptura ng mga unang Cristiano.
Bakit natin nasabi na ang pagiging Maka- Sola Scriptura sa panampalataya ng mga taong naglilingkod sa Dios ay hindi bago kundi ito mismo ang kanilang paraan ng pagsunod.Una alamin natin ano ba ibig sabihin ng mga taong sumusunod sa Sola Scriptura .
"Ito yong mga Tao na ang kanilang panampalataya at pagsunod ay binabatay nila kung ano ang sinasabi ng Dios sa mga Banal na Kasulatan ,ibig sabihin sumusunod sila at naniniwala kung ano lamang ang nakasaad sa Banal na Kasulatan na ibinigay ng Dios sa pamamagitan ng kaniyang mga isinugong Propeta.sinusunod nila ang mga utos ayon kung ano ang nakasulat ,hindi nila dinadagdagan at hindi rin nila binabawasan ,hindi sila humihigit kung ano ang nakasulat pagdating sa paniniwalaan at susunding mga utos.
Babalik tayo sa unang Bayan ng Dios na naglingkod sa Dios ang "Israel" paano ba sumusunod ang Israel pagdating sa mga utos ng Dios ?
" Pagdating ng boung Israel upang pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay iyong BASAHIN ang KAUTUSANG ITO. sa harap ng boung Israel sa kanilang pakinig .pisanin mo ang bayan ang mga lalake at mga babae ,at mga bata ,at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan ,upang kanilang marinig at upang kanilang pag-aralan ,at matakot sa Panginoon mong Dios ,at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.(Deut.31:11-12)
Dito maliwanag na ang bayang Israel ay sumusunod sa Dios sa pamamagitan ng KAUTUSANG BINABASA sa AKLAT NG KAUTUSAN ,na kung saan binabasa sa kanilang pakinig ,upang kanilang marinig at upang pag-aralan nila ang matakot sa Panginoon at isagawa ang lahat ng mga salita ng Panginoon na nakasulat sa Aklat ng Panginoon o Aklat ng Kautusan.
Ngayon Paano nila Isinasagawa o sinusunod ang mga salita na nakasulat sa Aklat ng Panginoon?
"Kung anong bagay ang iniuutos ko sa inyo ,ay siya mong isasagawa ,huwag mong dagdagan ,ni babawasan.(Deut.12:32)
Paano nila isasagawa ang kautusang naka-sulat sa Aklat ng kautusan isasagawa nila ito kung ano ang iniutos na huwag dagdagan ni bawasan man .eksakto kung ano ang iniutos yon mismo ang kanilang isasagawa hindi nila pweding dagdagan ,ni bawasan ang utos na naka sulat .
"at silay nagsibasa sa aklat ,sa kautusan ng Dios ,na maliwanag at kanilang ibinigay ang kahulugan na anopa't kanilang nabatid ang binasa.(Neh.8:8)
Malapit na akong mamatay. Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Tuparin mo ang iyong tungkulin kay Yahweh na iyong Diyos, at mamuhay ka ayon sa kanyang kalooban. Sundin mo ang kanyang mga batas, utos, hatol at tuntunin ayon sa nakasulat sa Kautusan ni Moises. Sa gayon, magtatagumpay ka sa lahat mong gawain,(1 Mga Hari 2:2-3)
0 Ngunit kailangang makinig kayo sa kanya at buong puso't kaluluwang sumunod sa kanyang mga utos "Ang kautusang ibinibigay ko sa inyo ngayon ay hindi naman napakahirap sundin at unawain.(Deut.30:10-11)

Dito maliwanag nuon pa man kahit ang Bayang Israel na unang bayang naglingkod sa Dios ay nagbabatay na sila ng kanilang panampalataya at pagsunod kung ano ang nakasulat sa aklat na ito ang kanilang binabasa na maliwanag na anopat kanilang nabatid ang binasa.
Ito pa ang Panuntunan ng Dios sa kanyang Bayan na dapat ang kanyang Aklat ay huwag mahiwalay sa bibig ng kaniyang mga Lingkod kundi kanilang bubulay bulayin araw -at gabi na masunod ?
"Ang Aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig,kundi iyong pagbubulayan araw at gabi upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito sapagkat kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad ,at kung magkagayo'y magtamo ka ng mabuting kawakasan.(Josue 1:8)
mababasa natin dito na mga Lingkod ng Dios ay talagang Sola Scriptura ang pagsunod pagbubulayan nila ito araw at gabi upang kanilang masunod ang ayon sa lahat na naka sulat.
Sapakat sa mga salita ng Dios na nakasulat na lumabas mismo sa bibig ng Dios mabubuhay ang lingkod ng Dios.(Mat.4:4)
Maging ang ating Panginoon Jesu Cristo ay gumagamit ng banal na Kasulatan sa kanyang mga itinuturo laging naayon ito kung ano ang nasusulat .(Luke 4:16-21)
"Ngunit sumagot si jesus at sinabi sa kanila ,nangagkamali kayo sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan ,ni ng kapangyarihan man ng Dios.(Mat.22:29)
Dito maliwanag na ang hindi pagkaalam ng mga kasulatan ay naghahatid sa tao sa kamalian ,kaya itinuro ng ating Panginoong Jesus na dapat alam ng isang tao kung ano ang mga nakasulat sa mga kasulatan para hindi siya mahulog sa pagkakamali.
"Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan ,sapagkat iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan ,at ang mga ito'y siyan g nagpatotoo tungkol sa akin.(Juan 5:39)
Itinuro din ng Panginoong Jesus na dapat saliksikin natin ang banal na kasulatan sapagkat ikapagtatamo natin ito ng buhay na walang hanggan at ito rin ang nagpatotoo sa ating Panginoon Jesus.
Ngayon ang tanong may BASIHAN BA NA DAPAT SOLA SCRIPTURA ang magiging batayan ng ating paniniwala:
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Isaias 34:16
Ngayon ang tanong may BASIHAN BA NA DAPAT SOLA SCRIPTURA ang magiging batayan ng ating paniniwala:
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Isaias 34:16
Inyong saliksikin sa AKLAT NG PANGINOON at iyong basahin ,kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang walang mangangailangan ng kaniyang kasama sapagkat iniutos ng aking bibig ,at pinisan sila ng kaniyang espiritu.(Isa.34:16)
Sabi ng Panginoon sa kanyang mga lingkod kanilang SALIKSIKIN at Basahin ang AKLAT NG PANGINOON kahit isa sa mga ito at hindi MAGKUKULANG at hindi MANGANGAILANGAN ng kaniyang kasama sapagkat iniutos ito ng BIBIG NG PANGINOON at PINISAN sila ng kanyang EPIRITU ito ang PANGAKO NG DIOS sa kanyang AKLAT na hindi ito Magkukulang kaya pag dating sa aral ukol sa panampalataya at kaligtasan ang BIBLIA ay SAPAT na makapagtuturo at wala itong kulang Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.(Kaw.8:9) at Wala hindi rin ito nangangailangan ng kaniyang kasama kaya walang ibang Aklat ang pwedi mo isama na gawin mong BATAYAN at PANUNTUNAN dahil SAPAT na ito na makapagtuturo sa atin ng mga katotohanan sa panampalataya di mo pwedi isama sa BIBLIA ang Tradisyon o ano mang Libro na ginawa ng simbahan.di mo pwedi isama dito ang BOOK OF MORMONS o ang KORAN o maging mga aklat katesismo sapagkat ang SALITA NG DIOS AY MALAWAK.(Awit 119:96)

Dito maliwanag na malaki ang Pagpapahalaga ng ating Panginoong Jesus sa mga banal na kasulatan kaya nya ito pinapasaliksik at pinababasa sa mga tao.
Ngayon sa Panahon ng mga Apostol Sola Scriptura din ba sila pagdating sa mga sinasampalatayanan at sinusunod nila ?
"Ang mga bagay ngang ito mga kapatid ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo ,upang sa amin mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na NANGASUSULAT upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.(1 Cor.4:6)
Tinuturuan tayo ng mga Apostol na maging Sola Scriptura na huwag magsihigit sa mga bagay na nasusulat sapagkat ang paghigit dito ay isang pagpapalalo kaya para maiwasan ang pagpapalalo ito ang payo ng Panginoon.
Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya. Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.(Kaw.30:6-5)
Bawal pala ito dagdagan sapagkat ang kanyang salita ay subok at hindi nangangailan ng kasama o ito ay kulang.
"Sapagkat anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin upang sa pamamagitan ng ng pagtitiis at pagaliw ng MGA KASULATAN ay magkaroon tayo ng pag-asa.(Rom.15:4)
Isinulat pala ang mga banal na kasulatan sa ikatutoto natin at upang sa pamamagitan nito ay magkaroon tayo ng pag-asa ito ang pag-sa sa BUHAY NA WALANG HANGGAN.(Tito 1:2)
At isinulat ito upang tayoy magsisampalataya na si Jesus ang Anak ng Dios at sa ating panampalataya ay magkaroon tayo ng buhay na walan g Hanggan.(Juan 20:31)
"At mula sa pagkasanggol iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagdudunong sa inyo sa IKALILIGTAS sa pamamagitan ng panampalataya kay Cristo Jesus .at lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapakikinabangan din naman sa pagtuturo ,sa pagsaway sa nasa katuwiran upang ang tao ng Dios ay maging sakdal tinuruang lubos sa lahat ng gawang mabuti.(2 Tim.3:15-17)
Kaya nuon ang mga unang Cristiano na nasa Berea ay maka Sola Scriptura sila sa kanilang mga sinasampalatayan?
"At pagdakay pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea na dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga judio .ngayon lalong naging marangal ang mga ito kay sa mga taga tesalonica sapagkat tinanggap nila ang buong pagsisikap ,at sinisiyasat sa araw -araw ang mga Kasulatan ,kung tunay nga mga bagay na ito .(Gawa 17:10-11)
Maging ang mga Apostol at mga kasama ng mga Apostol gaya ni Apolos ay pinatutunayan sa pamamagitan ng MGA KASULATAN na si Jesus ang Cristo.(Gawa 18:28)
"At silay nangagturo sa Juda na may AKLAT NG KAUTUSAN NG PANGINOON at silay nagsiyaon sa palibot ng lahat ng bayan ng Juda at nagtuturo sa gitna ng bayan.(2 Cro.17:9)
Kaya ang Paniniwala na ang BIBLIA LAMANG ANG TANGING BATAYAN SA KATOTOHANAN AT IKAPAGTATAMO NG BUHAY NA WALANG HANGGAN AY TUNAY NA MULA SA DIOS.
SAPAT NA ANG BIBLIA SA ISANG KRISTIANO NA SUMASAMPALATAYA NA MAGING GABAY NIYA ITO SA KANYANG PAMUMUHAY SA ARAW-ARAW.

Comments
Post a Comment