ANG KASAMA NG DIOS NA KANYANG IPINAKIKILALA
Mayroon bang ipinakikilala ang Dios Ama na kasama niya sa Ka-Diosan?
"Kaya't ipakikilala ko sa kanila na paminsang ipakikilala ko,sa kanila ang AKING KAMAY at ang AKING KAPANGYARIHAN ,at kanilang makikilala na ang aking pangalan ay Panginoon.(Jer.16:21)
Dito mababasa natin na may ipinakikilala ang Amang Dios na kanyang paminsang ipakikilala sa mga tao ang kanyang KAMAY at ang kanyang KAPANGYARIHAN.
Makikita natin may dalawang sangkap na Bahagi ang Dios na kanyang ipinakikilala ang kanyang KAMAY at ang kanyang KAPANGYARIHAN at inulit niya ito.
"Ang mga ito nga'y ang iyong mga Lingkod at ang iyong Bayan na iyong tinubos sa pamamagitan ng IYONG DAKILANG KAPANGYARIHAN at sa pamamagitan ng IYONG MALAKAS NA KAMAY.(Neh.1:10)
Tinubos pala ng Dios ang kanyang Bayan sa pamamagitan ng kaniyang DAKILANG KAPANGYARIHAN AT MALAKAS NA KAMAY
"At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Dios at sinabi Panginoon ,bakit ang iyong pagiinit ay pinag-aalab mo laban sa iyong bayan na iyong inilabas sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng DAKILANG KAPANGYARIHAN AT NG MAKAPANGYARIHANG KAMAY.(Exo.32:11)
Dito dalawa uli sa pamamagitan ng kanyang Dakilang Kapangyarihan at ng kaniyang Makapangyarihang Kamay ngayon alamin natin alin ba itong dalawang Kasama ng Dios na kaniyang ipinakikilala na kanyang DAKILANG KAPANGYARIHAN AT MAKAPANGYARIHANG KAMAY
Ngayon ang Tanong natin Sino ang DAKILANG KAPANGYARIHAN NG DIOS?
Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griyego, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. (1 Cor.1:24)
Sino ang Dakilang Kapangyarihan ng Dios maliwanag ang sagot ng Banal na Kasulatan si Cristo ang kapangyarihan ng Dios
Sino naman ang Makapangyarihang Kamay ng Dios?
And it came to pass in the sixth year, in the sixth [month], in the fifth [day] of the month, [as] I sat in mine house, and the elders of Judah sat before me, that the HAND OF THE LORD GOD fell there upon me. Then I beheld, and lo a likeness as the appearance of fire: from the appearance of his loins even downward, fire; and from his loins even upward, as the appearance of brightness, as the colour of amber.And he put forth the form of an hand, and took me by a lock of mine head; and the SPIRIT lifted me up between the earth and the heaven, and brought me in the visions of God to Jerusalem, to the door of the inner gate that looketh toward the north; where [was] the seat of the image of jealousy, which provoketh to jealousy.(Ezek.8:1-3)
Ang Espiritu ng Dios ay ang KAMAY NG DIOS na ito rin ang Malakas na Kamay ng Dios .
"Isaiah 45:23. "The LORD has sworn by His right hand and by His strong arm,
Ang pag -iral ng tatlong ito sa ka-Diosan ay makikita natin sa pasimula ng paglalang na kung saan sinabi ng PANGINOON sa kanyang MGA -KASAMA na "LALANGIN NATIN ang tao"na kung saan ang kanyang mga kausap ay KAPWA niya KAMANLALALANG.(Gen.1:26)
Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya? (Isa.46:5)
Dito sa talatang ito makikita natin na nagtatanung ang Panginoon kung kanino natin siya itutulad at ipaparis ,o iwawangis para sila ay magka -gaya .dito may kabatiran na tayong makikita na ang panginoon ay may ka-wangis at may ka-gaya sapagkat sa "Genesis 1:26 "pinakilala na ng Panginoon na may KA-WANGIS at KA-LARAWAN SIYA na Kapwa niya Kamanglalang at ang ating Panginoong Jesu Cristo ang KA-WANGIS At KALARAWAN ng Dios.(Col.1:15,Heb.1:3) ito ang BUMUBUO sa "IISANG DIOS" na AMA, ANAK, AT BANAL NA ESPIRITU.(Mat.19:28) ito ang Panginoon na may kasamang Panginoon (Oseas 1:7,Genesis 19:24,Zacarias 2:8-10)
Nuon pa man sa matandang Tipan ay makikita na natin ang pag-iral ng Ka-diosan .
Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay: kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng liwanag ng iyong mukha, sapagka't iyong nilingap sila. Ikaw ang aking Hari, Oh Dios: magutos ka ng kaligtasan sa Jacob. (Awit 44:3-4)
Nandito ang Tatlo ang ANG DIOS ANG KANYANG KANANG BISIG AT ANG KANYANG MUKHA.-Ang BISIG NG DIOS NG DIOS AY ANG ESPIRITU SANTO.(Ezek.8:1-3) AT ANG MUKHA AY SI KRISTO.(Col.1:15,Heb.1:2-3)
Comments
Post a Comment