MEDALYON
Medals of the Idol of Jamnia.
Ang Pagsuot ng medalyon o mga amuleto ay isang kaugalian ng mga pagano nuon pang unang panahon gaya ng mga pagano na gumagamit ng medalyon ng Dios-diosang Jamnia .ito ay mababasa natin sa isang Apochriphal Book ng Catcholic Church na 2 Macabeo 12:40-44
"Samantalang tinipon nila ang mga bangkay ,napuna nila na nasa ilalim ng panloob na kasuotan ng bawat bangkay ay may nakasabit na mga medalyang larawan ng mga diyus-diyosan sa Jamnia sa batas ng mga judio mahigpit na ipinagbabawal ang pagsuot nito..."(2 Macabeo 12:40 )
Ito ang ibat ibang uri ng mga Medalyong pagano na ginagamit ng mga taga egipto
Ito naman ang medalyon na ginagamin ng mga maraming katoliko ang MIRACULOUS MEDAL dito natin makikita na lahat ng kaugalian ng mga pagano ay kinopya ng Iglesia Katolica.
"Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas ng paa ,at ng mga hiyas ng ulo ,at ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan....at ng mga amuleto.(Isa.3:18,20)
At kung mapapansin natin sa medalyon ng miraculous medal ay may pusong Sinaksak ng tabak.ayon sa paliwanag nila ito daw ang puso ni Maria na sinaksak ng balaraw. at ang malakin "M" ay nangangahulugang Maria
"Ang kanilang tabak masaksak sa kanilang sariling puso at ang kanilang busog ay mababali.(Awit 37:15)
"At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan ?..."Kayat nga magsialis kayo sa kanila ,at magsihiwalay kayo sabi ng Panginoon ,at huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi,at kayo'y aking tatanggapin.(2 Cor.6:16-17)
Ito mga Medalyon o Amuleto ito ang mga bagay na marumi na mula sa mga pagano o pagsamba sa diosdiosan na dapat hindi rin maging bahagi ng pagsamba natin sa tunay na Dios.nuon pa man ay ipinagbabawal na ng Dios ang pagkakaroon ng mga kasangkapan na mula sa pagsambang pagano.(Deut.7:25-26,Josue 7:12,21)
"At kanilang ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan,at ipakilala nila sa kanila ang marumi at malinis.(Ezek.44:23)
Comments
Post a Comment