CRISTO LINGKOD NG DIOS
Ngayon pag-aaralan naman natin kung bakit si Cristo tinawag na Lingkod ng Dios sa loob ng Banal na Kasulatan ,pag sinabi bang Lingkod ng Dios hindi naba Dios si Cristo ayon sa sinasabi ng mga INC ni manalo
Sabi nila si Cristo daw ay hindi Dios dahil tinawag siyang Lingkod ng Dios (SERVANT) at ang kanilang talatang pinagbabatayan ay ang Acts 4:27,Acts 3:26
"Sapagkat sa katotohanan sa bayang ito'y laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus na siya mong pinahiran..."
Ayon sa mga INC ni Manalo yan daw ang patunay na hindi daw Dios si Cristo dahil Lingkod lang siya daw ng Dios .
Tanggapin natin sandali ang kanilang mga pangangatuwiran na paglingkod ay hindi na Dios .Ito ba ay Tama sa Lohica "Halimbawa Pag ang isang anak ay naglingkod sa kanyang Ama nababawasan ba ang pagkatao ng Anak nung maglingkod siya sa kanyang Ama .
Natural "HINDI" hindi naman nakakabawas ng pagkatao ng anak ang kanyang paglilingkod sa kanyang Ama ,ganon din ang Anak o ang ating Panginoong Jesu Cristo Hindi nakakabawas sa kanyang pagka-Dios ang kanyang paglilingkod sa kanyang Amang Dios .sapagkat maging ang ANAK ay Lingkod rin ng kanyang Ama.(Awit 119:91)
Ngayon Paano naging Lingkod ng Ama ang kanyang Anak na si Jesu Cristo sa anong paraan?
Ito ang ating mababasa ..."Sa inyo'y hindi magkakagayon kundi ang sinomang mag-ibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo ;at sinomang mag-ibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo ,ganon din naman ang anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran ,kundi upang maglingkod at ibigay ang kaniyang buhay na pantubos sa marami.(Mat.20:26-28)
Kakaiba pala ang pagiging lingkod ng ating Panginoong Jesu Cristo ang sabi nya ang ang sinomang mag ibig dumakila ay magiging lingkod ninyo ,naparito siya hindi para paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay na pantubos sa marami ,ganito ang pagiging lingkod na itinuro ni Cristo Lingkod na naglilingkod para ibigay ang kanyang buhay na pantubos in short ang pagiging lingkod ni Cristo ay "Master Servant"o "Servant Leader " si Kristo ang LINGKOD NG AMA ang MATALINONG MANGGAGAWA na kanyang LIGAYA sa araw-araw buhat sa pasimula.
Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas:Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya; Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.(Kaw.8:25-31)
Ganito ang uri ng pagiging lingkod ni Cristo sa Dios siya ang ang Panginoon na naglilingkod para sa mga tao hindi siya ang panginoon na pinaglilingkuran ng tao.
"Mapapalad yaong mga alipin na kung dumating ang Panginoon ay maratnang nangagpupuyat sinabi ko sa inyo na magbibigkis sa sarili at sil'y pauupuin sa dulang at lalapit at silay PAGLILINGKURAN niya.(Luc.12:37)
"Mapapalad yaong mga alipin na kung dumating ang Panginoon ay maratnang nangagpupuyat sinabi ko sa inyo na magbibigkis sa sarili at sil'y pauupuin sa dulang at lalapit at silay PAGLILINGKURAN niya.(Luc.12:37)
Dito makikita natin na sa muling pagpaparito ng Panginoong Jesus yong aliping tapat ay pauupuin niya sa dulang at siya mismo ang maglilingkod sa mga ito sa kanyang paraiso.
Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Dios ng ating mga magulang, ay niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.(Gawa 3:13)
Ang Dios ng mga Magulang o ang AMa na niluwalhati ang kanyang ANAK NA LINGKOD NA SI JESUS na ang KALUWALHATIAN ay TINAMO niya na BAGO ITATAG ang sanlibutan
Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:...." Niluwalhati kita (Ama) sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin. At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng((((( kaluwalhatiang))))) aking tinamo sa iyo (((((bago ang sanglibutan)))) ay naging gayon......" upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan. (Juan 17:1,4-5,24)
HIndi talaga ito tao itong LINGKOD NG AMA NA SI JESUS kundi ito ang ANAK na INIIBIG NG AMA BAGO itatag ang SANLIBUTAN na kasama ng AMA sa pasimula.(Juan 1:1-3,18)
"Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo. (Juan 5:23)
Ngayon ang ganitong diwa ng Pagiging Lingkod ito rin ang Diwa ng isang tunay na Dios?
"Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao upang siya'y maglabas ng pagkain ng lupa...."Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo ,upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan..ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila iyong ibinukas ang iyong kamay silay nangabubusog ng kabutihan.(Awit 104:14,27-28)
Ang Dios mismo naglilingkod din sa pangangailangan ng kanyang mga nilikha na kung saan ibinubukas nya ang kanyang kamay upang silay busugin ng kanyang kabutihan na kanyang ibinibigay sa mga taong nilalang na kung saan nagpapatubo siya ng mga gugulayin sa paglilingkod sa tao.
Pangalawa ipinagmamalasakit ng Dios ang tao ..."Na iyong ilagak sa kaniya ang lahat ng iyong kabalisahan sapagkat kayo'y ipinagmamalasakit niya.(1 Ped.5:7)
Tayo ay kaniyang pinaglilingkuran siya mismo ang umaalalay sa atin at pumapasan ng ating mga pasanin.
"Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon,at kaniyang aalalayan ka hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.(Awit 55:22)
"Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan sa makatuwid bagay ang Dios na siyang aming kaligtasan.(Awit 68:19)
Diba ito maliwanag na paglilingkod niya sa Tao.
Dahil sa katotohanan ang Dios ang ating "KATULONG " O "HELPER"
"Ano'pat ating masasabi ng boung tapang ang Panginoon ang aking katulong hindi ako matatakot anong magagawa sa akin ng tao.(Heb.13:6)
"Siyang iyong kapahamakan ,Oh Israel na ikaw ay laban sa akin,laban sa iyong katulong.(Oseas 13:9)
Ano ba ang kasing kahulugan ng katulong diba Servant ...ang Dios ay tunay na katulong ng tao siya ang laging tumutulong sa tao.
Comments
Post a Comment