ALIN ANG TAMA KALULUWA AT KATAWAN O ANG KALULUWA ,ESPIRITU,AT KATAWAN

Ano ba ang Tama na kabuhoan ng ating pagka -tao ito ba ay binubuo ng KATAWAN AT KALULUWA o ng KATAWAN,KALULUWA at ESPIRITU.



Ayon sa panampalatayang katoliko ang kabuhoan daw ng tao ay binubuo ito ng katawan at kaluluwa,na kung saan pag namatay daw ang tao ang kanyang kaluluwa ay humihiwalay sa kanyang katawan.Ito ba ay Biblical Totoo ba na ang kaluluwa ay siya ring espiritu. 

Una alamin natin Ano ba ang kabuhoan ng ating pagka-tao?

"At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoon Jesu Cristo.(1 Tes.5:23)

Dito makikita natin na ang kabuhoan ng ating pagkatao ay binubuo ito ng Espiritu ,Kaluluwa at Katawan.

Ngayon may pagkakaiba ba ang Kaluluwa sa Espiritu?

"Sapagkat ang salita ng Dios ay buhay at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim,at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu,ng mga kasukasuan at utak ,at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso .(Heb.4:12)

Mayroon palang nahihiwalay sa pagitan ng kaluluwa at ng espiritu at ng katawan kaya  hindi maaring sabihin natin na ang kaluluwa at espiritu ay iisa ,bagkus magkahiwalay ito bagamat ginagamit din minsan ang kaluluwa para tukuyin ang hininga ng buhay .(1 kings 17:17-22) ay mayroon pa ring pagitan sa mga ito.


Ngayon alamin natin ano ang tinatawag na kaluluwa?Totoo ba na ang kaluluwa ay siya ring espiritu ?

Basahin natin kung paano ginawa ng Dios ang tao sa pasimula para maintindihan natin ang kung ano ang tinatawag na kaluluwa.

"At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa at hiningahan ang kaniyang butas ng buhay at ang tao ay naging kaluluwang may  buhay.(Gen.2:7)

Ito palang espiritu ito pala ang hininga ng buhay na hininga ng Panginoon sa butas ng ilong ng tao kaya ang tao naging kaluluwang may buhay ...samakatuwid ang alabok na ginawang tao ng Dios ay hinigahan nya ito ng hininga ng buhay at ito mismo  ang naging kaluluwang buhay.

Ang kaluluwa pala ito mismo ang ating buong pagkatao na kung saan mayroon tayong buhay ,pagkilos at pagkatao.(Gaw.17:28) itong kaluluwa ito ang ating boung pagkatao na may buhay ,kumikilos ,may kamalayan ,may pakirandam ,may unawa at kabatiran sa ating mundong ginagalawan .

kaya ang kaluluwa ay hindi espiritu na walang laman at buto bagkus ang tinatawag na kaluluwa sa banal na kasulatan ay ito mismo ang ating boung katauhan.

at ang espiritu ay siyang hininga ng buhay ...."Sapagkat ang aking buhay ay buo pa sa akin at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong.(Job 27:2)

kaya nung gawin ng Dios ang tao mula sa alabok ng lupa ay hiningahan nya ito ng buhay (espiritu) na galing sa kanya at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.

At pag ang espiritu o hininga ng buhay ay wala sa katawan ng tao ang katawan ay patay .

"Sapagkat kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay...(San.2:26)

At pagnamatay ang tao ang kanyang lupang katawan ay babalik sa lupa gaya ng una ,at ang espiritu (hininga ng buhay na galing sa Dios) ay babalik sa Dios na nagbigay nito sa tao.(Ecle.12:7)

Ngayon ano patunay natin na ang kaluluwa ay itong mismo ang ating buong pagkatao na nabubuhay?

"...Samantalang inihahanda ang daong ,na sa loob nito kakaunti ,sa makatuwid ay walong kaluluwa ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig.(1 Ped.3:20)

Itong palang buong sangbahayan ni Noe na naligtas na sumakay sa daong tinawag ito na walong kaluluwa.kaya mahirap naman isipin na itong walong kaluluwa ay mga espiritu na sumakay sa daong

Ito pa ang isang patunay na ang tinatawag na kaluluwa ay ito mismong tao na buhay.

"Yaong ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tallong libong kaluluwa.(Gaw.2:41)

mahirap naman siguro isipin na ang walong libong kaluluwa na binautismuhan sa panahon ng mga apostol ay mga espiritu na walang laman at buto .kasi kung ganon paano sila nabautismuhan ng mga apostol. 

"Gutom at uhaw ang kanilang kaluluwa'y nanglulupaypay sa kanila.(Awit 107:5)

Kung ang Kaluluwa ay Immortal bakit nauhaw at nagutom ang kaluluwa.

"Sapagkat pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko.(Awit 143:3)

Eh kung ang kaluluwa ay walang laman at buto paano uusigin ng kaaway yan


Comments

Popular Posts