ANG PASKO SA IGLESIA NG DIOS NA IPINANGINGILIN NG MGA KAPATID

Marami ang nagtatanung sa Amin kung Paano namin ipinagdiriwang ang kapaskuhan o pasko ?mayroon nga bang Pasko sa loob ng Iglesia ng Dios?Nagdiriwang ba ng pasko ang Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios.

Ito ang mga tanung na ating pag uusapan at ating hihimay-himayin una maraming mga tao ang nagsasabi bakit daw hindi nagdiriwang ng pasko ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios ano ba ang dahilan.

Ito ang Unang tanung natin?Ano ba ang malalim na kahulugan at dahilan bakit ipinanganak ang ating Panginoong Jesu cristo?

Ganito ang sagot ng Banal na kasulatan ...."At sinabi sa kanila ng Anghel huwag kayong mangatakot sapagkat narito dinadalhan ko kayo ng MABUTING BALITA ng KAGALAKAN na siyang sasa boung bayan ,sapagkat IPINANGANAK sa inyo ngayon sa bayan ni david ang isang TAGAPAGLIGTAS na siya ang CRISTO ang PANGINOON.(Luc.2:10-11)

Ano malalim na kahulugan at dahilan bakit ipinanganak ang ating Panginoong Jesu cristo sapagkat ipinanganak ang isang TAGAPAGLIGTAS kaya ang buod ng kapanganakan ng Nagkatawang Tao na Dios (Juan 1:1,14) ay  KALIGTASAN sa isinugong TAGAPAGLIGTAS

Ang patunay ito ang sabi sa aklat ni Mateo "narito ang dalaga'y magdadalang tao at manganganak ng isang lalake at ang kanyang pangalang itatawag nila sa kaniya ay IMMANUEL na kung liliwanaginay sumasa atin ang DIOS..."At siya 'y manganganak ng lalake at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS sapagkat ILILIGTAS niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.(Mat.1:23,21)

Dito maliwanag na ipinanganak ang ating Panginoong Jesu Cristo para maging Tagapagligtas ng kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan  upang makita ng lahat ng laman ang PAGLILIGTAS ng DIOS.(Luc.3:4-6)

Kaya ang Boud ng kapanganakan ng Ating Panginoong Jesu cristo sa laman ay hatid ay kaligtasan sapagkat ililigtas niya tayo sa ating mga kasalanan.

Ito rin ang ARAW (KAARAWAN) na ginawa ng Panginoon?

"Ito ang KAARAWAN na ginawa ng Panginoon tayo'y mangagagalak at ating katuwaan.(Awit 118:24)

Ang araw na ito ang nakita ni Abraham kaya siya ay natuwa...."nagalak ang inyong Amang si Abraham na nakita ang aking KAARAWAN at nakita niya at natuwa.(Awit 8:56)

Kaya ang hatid lagi ng Kaarawan ng Panginoon ay Katuwaan at kagalakan..."Akoy nasa espiritu ng KAARAWAN ng PANGINOON.(Apoc.1:10)

Kaya mayroon talagang Kaarawan o ARAW (Day) ang Panginoon hindi ito tulad ng kaarawan  (day ) na Dec.25 na siyang ipinagdiriwang ng mga katoliko na araw daw ng kapanganakan ng ating Panginoong Jesus Cristo.

sapagkat ang ARAW o KAARAWAN ng Panginoon ay ang ARAW ng KALIGTASAN(2 Cor.6:2) at IPINANGINGILIN ito ARAW-ARAW

"Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,magsiawit kayo sa Panginoon BOUNG LUPA , magsiawit kayo sa Panginoon purihin ninyo ang PANGALAN niya ihayag ninyo ang kaniyang PAGLILIGTAS sa ARAW-ARAW.(Awit 96:1-2)

"...Ay paglingkuran natin siya ng walang takot sa kabanalan at sa katuwiran sa harap niya ,lahat ng ating MGA ARAW.(Luc.1:74-75)

Ito ang pasko na nararapat ipagdiwang ng isang Lingkod ng Dios na dapat paglikuran natin syang walang takot sa kabanalan at sa katuwiran sa harap niya  na tayo'y sumagana sa kaalaman at pagkilala upang maging tapat at walang kapintasan na nangapupuspos ng bunga ng kabanalan sa LAHAT NG ATING MGA ARAW .

"Gayon may hinahanap ako ARAW-ARAW at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan na gaya ng bansa na gumagawa ng matuwid at hindi lumilimot ng alituntunin ng kanilang Dios,hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios.(Isa.58:2)

"Ngunit kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa ARAW-ARAW..(Heb.3:13)

"At itoy idinadalangin ko,na ang inyong pagibig ay sa lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala ,upang inyong kilalanin ang ang mga bagay na magaling upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa KAARAWAN NI CRISTO na mangapuspos ng bunga ng KABANALAN ,na ito'y sa pamamagitan ni Jesu Cristo sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.(Fil.1:9-11)

Ito ang tunay na Diwa ng Kaarawan ni Cristo na dapat isagawa  ng isang kaanib sa Iglesia ng Dios sa ganito natin dapat ipinagdiriwang ang pasko hindi isang araw o Dec.25 lamang kundi sa LAHAT NG ATING MGA ARAW dapat naglilingkod tayo sa kanya na walang takot sa kabanalan at sa katuwiran.

Isang PASKO na hindi ISANG ARAW kundi ARAW-ARAW


Sapagkat si Cristo ang paskua na Cordero ay naihandog na nagbigay sa atin ng katubusan at kaligtasan.(1 Cor.5:7)

Utos ba Ipagdiwang ang PASKO o PASKUA sa Bayan ng Dios ?

"...Ipagdiwang ninyo ang PASKUA sa PANGINOON ninyong DIOS gaya ng nasusulat sa aklat ng tipan.(2 King's 23:21)

Hindi sa pamamagitan ng lumang lebadura ng masamang akala at ng kasamaan kundi sa tinapay na walang lebadura ng PAGTATAPAT at ng KATOTOHANAN.(1 Cor.5:8)

Kaya ang Diwa ng PASKO ay PAGTATAPAT at KATOTOHANAN.bukod dito ang Diwa nito ay ang PAG-IBIG ng DIOS sa SANGKATAUHAN na kung saan IBINIGAY nya ang kanyang ANAK na pampalubag LOOB.(John 3:16)

Dito makikita natin ang Menasahe ng Pasko ay PAGMAMAHALAN kung paano tayoy INIBIG ng DIOS marapat din naman tayo'y mag IBIGAN .(1 John 4:8-12) na kung Saan dapat natin ipamalas ang PAG MAMAHAL ,PAGBIBIGAYAN at PAGMAMALASAKIT sa ating KAPWA TAO.(1 John 3:16-18)

Diwa rin ng PASKO ang PAGPAPATAWARAN ..Mag patawaran tayo sa isat isa .(San.5:16) at mag mahalan  na magkakapatid (Awit 55:14)

Nung ipanganak ang ating Panginoong Jesu Cristo sa Bethlehem  ay Nagdiwang ang mga anghel sa langit nagpuri at lumuwalhati sa Dios HUDYAT ng KALIGTASAN  ..."Luwalhati sa DIos Kataas-taasan at sa Lupa KAPAYAPAAN sa mga TAONG KINALULUGDAN niya.(Luc.2;13-14)

Si Kristo ang ating KAPAYAPAAN sa DIOS.(Efe.2:13-15)...Ipagdiwang natin sa ating mga puso ang Kapayapaan ni Cristo ARAW-ARAW.(Col.3:15)

MALIGAYANG PASKO ARAW-ARAW

Comments

  1. Sino naman nagsabi sayo na isang araw lang nag mamahalan ang katoliko?malaking kamangmangan yan....ang dec 25 espesyal yan na araw ng paggunita sa kapanganakan ni hesus...ganyan naman sa catholic lahat may kaayusan dahil utos ng diyos yan...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts