BAKIT HUMAHARAP SA "EAST" ANG MGA KAANIB SA IGLESIA NG DIOS SA TUWING NAGKAKATIPON SA PANANALANGIN

Marami ang nagtatanung kung Bakit humarap sa "SILANGAN" kung mananalangin ang Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios sa Panahon ng pagkakatipun Ito ba ay Biblical...Totoo ba na sila ay  Sumasamba sa Araw kaya humaharap sila sa "EAST" o "SILANGAN".


Ito ay mga tanung na ating sasagutin.Una Hindi Sumasamba ang mga Kaanib sa Iglesia ng Dios sa Araw "Sun" kundi ang sinasamba namin ay ang Dios Gumawa ng Langit at Lupa at ng lahat ng bagay na sa kanya tayo ay nabubuhay.(Acts 17:23,Neh.9:6)

Pangalawa ang pagharap ng mga Kaanib sa Iglesia ng Dios sa "EAST" ay bahagi lamang  ng Kaayusan na sinusunod  sa loob ng Iglesia sa tuwing sila ay  nagkakatipun.(1 Cor.14:26,33,40) sa Totoo pwede humarap kahit saan direksyon ang sino mang gusto manalangin.(1 Cor.1:2,Juan 4:23)  ngunit sa Panahon ng pagkakatipun ng mga kapatid ito ang kaayusan aming sinusunod at ito ay Biblical.


kahit nuong Panahon ng propeta Daniel ang kaayusan na ito ay kanya ng Sinusunod sa Tuwing si Propeta Daniel ay mananalangin sia ay Humaharap sa dako (east) sa Jerusalem.

"At nang maalaman ni daniel na ang kasulatan ay nalagdaan ng pangalan siya'y pumasok sa kaniyang bahay (ang kaniya ngang mga Dungawan ay bukas sa DAKONG JERUSALEM);at siya'y LUMUHOD ng kaniyang mga tuhod na makaikatlo isang araw ,at dumalangin at nagpasalamat sa harap ng Dios gaya ng kaniyang dating ginagawa.(Dan.6:10)

"If thy people go out to battle against their enemy, whithersoever thou shalt send them, and shall pray unto the LORD toward the city ( Jerusalem ) which thou hast chosen, and toward the house that I have built for thy name" [ 1 Kings 8:44 ]


"I will bow down toward (facing) your holy temple (in Jerusalem) and will praise your name for your love and your faithfulness, for you have exalted above all things your name and your word. (Psalm 138:2)"

Kaya nuon pa man ay bahagi ng kaayusan ng mga lingkod ng Dios ang direksyon kung saan sila haharap at mananalangin sa harap ng Dios.

Ngayon ang sabi ng Banal na kasulatan Pupurihin ang Dios sa "EAST " o dakong "SILANGANAN"..."May his Name be PRAISED now and forever ,FROM THE EAST" to the west praised the name of the Lord .(Psalms 113:2-3 TEV)

Ang ginamit sa Hebrew ng "EAST" ay "Mizrach" (Mizrah)...face East- WARD "face to the direction of Sun rising" .."O Pagharap sa Direksyong SILANGAN "(east) is the direction that most jews face during prayer .(2 Cro.6:36-40,1 Kings 8:46-52)


Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah) Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo.Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.(Awit 48:8-10)

luluwalhatiin din ang pangalan ng Dios ng Israel sa "East"...."Kayat Luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa SILANGANAN sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon ng Dios ng Israel..."(Isa.24:15)

Bakit  Direksyon ng "EAST" dapat luwalhatiin at Purihiin ang Pangalan ng Dios ng Israel sa dahilang sa "east" nagmumula ang kaluwalhatian ng Dios .

"At narito ang KALUWALHATIAN ng DIOS ng Israel ay nangagaling sa DAKONG SILANGAN.(Ezek.43:2)

"...At ang kaniyang KALUWALHATIAN ay mula sa SILANGANAN...(Isa.59:19)

Sa Dakong  Silangan o dereksyon ng  (east) Pala nagmumula ang Kaluwalhatian ng Dios ng Israel kaya ito ang dahilan kung bakit humaharap sa direksyon ng east ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios .

Sa "Dako rin ng "EAST" pinaghahandogan ng Kamangyan ng mga Hentil ang Dios ng Israel...."Sapagkat mula sa SIKATAN NG ARAW (EAST) hanggang sa  nilulubugan niyaon magiging dakila ang ang aking Pangalan sa mga gentil at sa bawat dako ay paghahandugan ng KAMANGYAN ang aking Pangalan at ng dalisay na Handog sapagkat ang aking Pangalan ay magiging dakila sa gitna ng  mga gentil sabi ng Panginoon ng mga hukbo.(Mal.1:11)

Ang Kamangyan na Ihahandog sa Panginoon ng mga hukbo sa dakong "EAST" ay ang mga PAnalangin ng mga Banal.(Apoc.5:8) at ang Dalisay na handog ay ang mga hain ng pagpuri sa Dios.(Heb.13:15)kaya ito ang dahilan na sa tuwig mananalangin sa pagkakatipun ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios ay lumuluhod sila sa direksyon ng east ito ay paghahandog ng kamangyan na siyang panalangin ng mga banal.

"Oh magsiparito kayo,tayoy magsisamba at magsiyukod tayo'y magsiluhod sa HARAP ng Panginoon na may Lalang sa atin.(Awit 95:6)

Ang isa pang dahilan kaya sa "east " humaharap ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios sapagkat sa "EAST" sumikat ang "ARAW NG KATUWIRAN " (SUN OF RIGHTEOUSNES) at ito ay ang ating Panginoon Jesu Cristo

"Ngunit sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay SISIKAT ang ARAW NG KATUWIRAN na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak at kayo'y magsisilabas at magsisiluksong parang guya mula sa silungan.(Mal.4:2)

Nagmula sa East ipinanganak ang Tagapagligtas upang maging ILAW sa mga nangalugmok sa lilim ng kamatayan .(Mat.4:15-16)

Comments

  1. http://beyondreasonablefaith-ruel.blogspot.com/2011/09/does-term-mizrach-meant-far-east-and.html

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts