MARIA IMMACULADA CONCEPTION NGA BA

Ngayon tatalakayin natin ang Dogma ng Iglesia Katolika ukol sa ukol sa pagiging "IMMACULADA CONCEPTION" ni Maria ito ba ay Biblical totoo ba si Maria lang ang ipinanganak na walang dungis ng kasalanan (original Sin).


Ano ba ang Aral ng simbahan ukol sa pagiging Immaculada ni Maria.

"Through the Apostolic Constitution Ineffabilis Deus Pope Pius IX officially promulgated the the dogma  of Immaculade Conception in 1854 That Mary in the first instance of her Conception was preserved free from all stain of original sin.

Ito palang Dogma ng Immaculate Conception ay kinatha lang pala ito ni Pope Pius IX nung 1854 hindi pala ito aral na apostolico.na kung saan ayon sa dogma na ito si Maria ay iningatan na malaya sa  dungis ng orihinal na kasalanan.

Una hindi tayo naniniwala na ang bawat pinanganak na sanggol sa mundo sa kalooban ng Dios ay may bahid ng Orihinal na kasalanan sa dahilang hindi tayo naniniwala na pwede ipamana sa mga anak ang kasalanan ng magulang o ang kasalanan ni Adam at Eva.bagkus nilikha ng Dios ang bawat tao na Matuwid at malinis sang-ayon sa kanyang panukala.(Ecle.7:29,Efe.1:4)kaya walang sanggol na ipinanganak na may taglay na orihinal na kasalanan nung ipanganak ito.(Juan 9:1-3).

Ang katunayan sa tiyan palang ang Lingkod ng Dios na si propeta Jeremias ay pinabanal na sia ng Dios.

"Bago kita inanyuan sa Tiyan ay nakilala kita ,at bago ka lumabas sa bahay bata ay PINAPAGING BANAL kita inihalal kitang propeta sa mga bansa.(Jer.1:5)

Kaya si propeta Jeremias sa tiyan palang ng kanyang Ina ay pinabanal na sia ng Panginoon.kaya mismo si propeta Jeremias ay maituturing ring Immaculada.

Ngayon ang Bata o sanggol sa katuruan ng Banal na kasulatan ay itinuturing na hindi pa GANAP ang PAGKATAO.

"Nang ako'y BATA pa ay nagsasalita akong gaya ng bata nagdaramdam akong gaya ng bata ,nag iisip akong gaya ng bata ngayong maganap ang aking PAGKATAO ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.(1 Cor.13:11)

Nagaganap lamang ang pagkatao ng isang bata kung isang bata ay nagiging matured na sa pag iisip.(1 Cor.14:20) o naabot na ng bata ang katamtamang gulang.(1 Cor.7:36) doon palang itinuturing na Ganap na ang Pagka-TAO .sapagkat ang isang Sanggol o bata ay wala pang karanasan sa salita ng katuwiran.(Heb.5:13) at hindi pa alam ng isang sanggol ang mabuti at ang masama.(Isa.7:16) kaya ang isang Sanggol o Bata ay itinuturing na ligtas.(Mat.19:14)

Ngayon ang Maria na Ina ng Panginoong Jesus ay hindi nanatiling bata o sanggol naging ganap ang kanyang Pagka tao.kaya nga sia tinawag si Jesus na ANAK ng TAO (O anak ng TAONG si MARIA).(Mat.16:13)

Naging Ganap ang pagka -tao ni Maria nung maging ganap ito si Maria man bilang tao ay hindi pwede hindi maaring madungisan ng kasalanan sapagkat ang sabi ng Banal na kasulatan "WALANG TAO na Di NAGKAKASALA.(1 Cro.6:36)

nang pumasok ang kasalanan sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan at sa ganito naranasan ng MGA TAO sapagkat ang LAHAT ay NANGAGKASALA.(Rom.5:12) sapagkat ang lahat ay nangagkasala at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.(Rom.3:23)

"...Sapagkat sa iyong paningin ay walang taong may buhay  na aariing ganap.(Awit 143:2)

kaya ang Maria man ay hindi rin naging Malaya sa kasalanan sapagkat ayon sa salita ng Dios "Walang Tao na di nagkakasala kahit matuwid sa lupa na gumagawa ng mabuti ay nagkakasala rin.(Ecle.7:20)

At si Maria bilang tao at naging ganap na dalaga ay naging marumi rin sa panahon ng kanyang karumalan .(Lev.18:19) pero sa kabila nito sumasampalataya tayo na Inaring banal ng Dios ang banal na si Maria.(1 Cor.6:11)iningatan sia ng Dios dahil sia ang kakasangkapanin para magkatawang tao ang Anak ng Dios kaya iningatan sia ng Dios.(1 Sam.2:9) para magiging sisidlang ikapupuri pinabanal na marapat gamitin ng may ari.(2 Tim.2:21) 

Ang patunay na si Maria ay Nagkasala rin ay Nangangailangan si Maria ng Tagapagligtas.(Luc.1:46-47)at ang tagapagligtas ay ang magliligtas sa kanya sa kasalanan.(Mat.1:21,I Ped.2:24)

Comments

Popular Posts