KRISTO TUNAY NA DIOS

Ngayon tatalakayin natin ang mga talata na nagtuturo ng Pagka -Dios ng Ating Panginoong Jesu- cristo sabi ng mga culto ni Manalo (INC) hindi daw Dios ang ating Panginoong Jesus ,ang ganitong DIWA ay minana nila sa Mga JUDYO na naging Mga Anak ng Diablo.(Juan 8:44) o mga Anak ng Impierno.(Mat.23:15)


Ito ang isa Dinikwat na Diwa ng mga Judyo na minana ng mga culto ni Manalo (INC).

"Sinagot siya ng mga JUDYO hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin,kundi sa pamumusong at sapagkat bagaman ikaw ay TAO ,NAGPAPAKUNWARI kang DIOs.(Juan 10:33)

Inakusahan ng mga judyo ang ating Panginoong Jesu Cristo na namumusong ,sa dahilan nagpapakunwari daw ang Panginoong Jesus na DIOS na bagaman daw isang TAO .Ito ang Diwa ng mga culto ni Manalo na ang turing sa ating Panginoong Jesu  cristo ay TAO lang at hindi Dios.

Ngayon kung Banal na Kasulatan ang ating sasanguniin may patunay ba tayo sa Pagka Dios ng ating Panginoong Jesu Cristo.

Ang una natin tanungin ay ang Ang Dios Ama anu ba ang pakilala ng Ama sa kanyang Anak?

"Ngunit tungkol sa ANAK ay sinasabi ang IYONG luklukan OH DIOS ,ay magpakailan man at ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.(Heb.1:8)

Dito makikita natin na ang pakilala ng Ama sa kanyang Anak ay Dios na sabi ..."ang iyong luklukan Oh Dios.." ito ang salita ng Ama tungkol sa kanyang Anak.

Maliwanag na ipinakilala ng Ama ang kanyang anak na "DIOS" hindi sapagkat ito ang Ama kundi ito ang kanyang Bugtong na Anak.(Juan 1:18)

Paano naman ipinakilala ng Anak ang kanyang sarili ...may talata ba na ipinakilala ng Anak ang kanyang sarili na Dios? Ganito ang sabi ng Ating Panginoong Jesu cristo na verbatem na sinabi nya .

Sinabi ni Jesus (Verbatem)..."Ako ang Dios ni Abraham ,at ang Dios ni Isaac,at ang Dios ni Jacob ?ang Dios hindi Dios ng mga patay ,kundi ng mga Buhay.(Mat.22:32)

Dito maliwanag na ipinakilala ng Anak na sia ay Dios sia ang Dios ni Abraham,Isaac ,at Jacob isang Dios na Buhay .

Paano naman sia pinakilala ng Apostol Juan?

"At nalalaman natin na naparito ang ANAK NG DIOS ,at tayoy Bibigyan ng pagkaunawa upang ating makilala SIYA (ang Anak ng Dios) na totoo ,at tayoy nasa KANIYA(Anak ng Dios)na Totoo ,samakatuwid ay sa KANIYANG ANAK NA SI JESU CRISTO ITO (ang Anak) ang TUNAY na DIOS at ang BUHAY NA WALANG HANGGAN.(1 Juan 5:20)

Dito maliwanag na itinuro ng Apostol Juan na TUNAY na DIOS ang NAPARITO na ANAK NG DIOS .

Ngayon Paano naman Ipinakilala ng Apostol Pablo ang ating Panginoong Jesu Cristo?

"Na sa kanila ang mga magulang ,at sa kanila mula ang Cristo ayon sa Laman ,na siyang lalo sa lahat DIOS na MALUWALHATI  magpakailan man Siya nawa.(Roma.9:5)

Pinakilala siya Apostol Pablo na Dios na Maluwalhati magpakailanman.

"Na hintayin yaong MAPALAD na pag asa at pagpapakita NG KALUWALHATIAN ng ATING DIOS AT TAGAPAGLIGTAS NA SI JESU CRISTO.(Tito 2:13)

"Ngunit nang mahayag na ang kagandahang loob ng ATING DIOS na ating   TAGAPAGLIGTAS at ang kaniyang pag ibig sa tao.(Tito 2:4)

Dito pinakilala naman siya ng Apostol Pablo na DIOS at TAGAPAGLIGTAS

"Nang siya bagaman nasa ANYO ng DIOS ay hindi niya inaring isang bagay na marapat panangnan ang PAGKAPANTAY niya sa DIOS bagkus hinubad niya ito at naganyong alipin ,na nakitulad sa mga TAO .(Fil.2:6-7)

Dito maliwanag na ang ating Panginoong Jesu Cristo ay nasa ANYO NG DIOS o in FORMED of GOD sa Greek ay "Morphe"na meaning ay IMAGE o LARAWAN ang tunay na DIOS ay may LARAWAN.(Gen.1:26) bagaman nasa anyo sya ng Dios hindi niya inaring isang bagay ang panangnan ang pagkapantay nya sa Dios bagkus hinubad nya ito at nag -ayong ALIPIN at nakitulad sa TAO ...kung TAo ang ating panginoong Jesu Cristo bakit pa siya makikitulad sa mga TAO at mag anyong Alipin ..

Ano naman ang Patotoo ng Apostol Pedro tungkol sa Panginoong Jesu Cristo?

"Si Simon Pedro na alipin at Apostol ni JESU CRISTO  sa nagsipagkamit na kasama ng mahalagang panampalataya sa katuwiran ng ATING DIOS at TAGAPAGLIGTAS na si JESU CRISTO.(2 Ped.1:1)

Ipinakilala sia ng Apostol Pedro na DIOS at TAGAPAGLIGTAS

Paano naman ipinakilala ng Apostol Tomas ang ating Panginoong Jesu Cristo?

"Sumagot si Tomas ,at sa kaniya'y sinabi PANGINOON ko at DIOS ko.(Juan 20:28)

Ipinakilala sia ng Apostol Tomas na PANGINOON at DIOS

Ipinakilala rin sia ni Juan revelador na na Ang Panginoong Dios ang ALPHA at ang OMEGA.(Juan 1;7-8,17-18)na nabuhay at nabubuhay at siyang Darating.(Apoc.4:8)

Siya ang EMMANUEL na ibig sabihin SUMASA ATIN ang DIOS.(Mat.1:23).Ang Makapangyarihang   DIOs ang prensipe ng kapayapaan.(Isa.9:6)
 

Comments

Popular Posts