ANG DATING DAAN KALOOBAN NG DIOS LAKARAN NG MASAMANG TAO

Totoo ba ang "Ang Dating Daan "nilalakaran ng Masamang Tao!



ito ang talata na kanilang ginagamit ..."Iyo (Job)bang pagpapatuluyan ANG  DATING DAAN na nilalakaran ng mga masamang Tao.(Job 22:15)

Ito ay pangungusap  ni Elipas na isang Temaneta sa Lingkod ng Dios na si Job na ayon sa kanya si Job ay nagpapatuloy sa paglakad sa Ang Dating Daan na nilalakaran ng mga taong masasama.

Pansinin natin Hindi naman ang Dating Daan ang masama kundi ang MASAMA ay ang  mga masamang tao na lumalakad sa Ang Dating Daan .kung tatanggapin natin na Tama ang sinabi ni elipas kay Job dapat din nating tanggapin na Tama si elipas nung sabihin ni Elipas na si Job ay nagpapatuloy sa Ang Dating Daan at nasa ANG DATING DAAN si Job

Kung ganun si Job na Lingkod ng Dios ay nagpapatuloy sa paglakad sa Ang Dating Daan.Ibig bang sabihin nito  na dahil nilalakaran ni Job "Ang Dating Daan " na nilalakaran ng masamang tao ay masama na rin si Job at  Ang Dating Daan

"HINDI PO"!sapagkat Hindi nagpapasama ang Paglakad ng Masamang Tao sa Ang Dating Daan ."Halimbawa pag may Masamang tao sa BILANGGUAN o (CITY JAIL) na nakakulong Masama na rin ba ang City Jail "

Natural ang tamang sagot dyan ay "HINDI"..sapagkat kung may masama sa Bilangguan na nakakulong ay para ang masamang tao ay Ituwid sa loob ng kulungan ...Para pagbayaran ng masama ang kanyang nagawang masama ,o di kaya para ang masama ay pigilin sa pag-gawa ng masama .kaya nga ang kulungan tinatawag na ito na "Correctional"kasi sa loob nito itinutuwid ang masama para bumuti.kaya hindi dahilan na dahil  Ang Dating daan ay nilalakaran ng masamang tao ay masama na rin ang Ang dating daan.

Di naman nagiging adik ang REHAB Center dahil may nakakulong na Adik,at lalong Di nagiging sira ulo ang Mental Hospital dahil may mga Sira ulo na ginagamot.

Ang Patunay Nagpatuloy si Job sa paglakad sa ang Dating ..."Ang aking paa ay sumusunod na lubos sa kaniyang mga hakbang ang kaniyang DAAN (Ang Dating Daan) ay aking iningatan ,at hindi ako lumiko ,akoy hindi humiwalay sa kanyang mga utos..."(Job 24:11-12)

"At bukod dito'y aking nakita sa ilalim ng araw sa dako ng kahatulan na nandoon ang kasamaan ,at sa DAKO NG KATUWIRAN nandoon ang kasamaan.(Eclesiastes.3:16)

dako man ng kahatulan at dako ng katuwiran ay nandoon din ang kasamaan.kaya di dahil may masama sa dako ng katuwiran ay masama na rin ang DAKO ng KATUWIRAN.

Ngayon ang Tanong natin Bakit Nilalakaranng Masamang tao ang Dating Daan Ano ang dahilan?

"Mabuti at Matuwid ang Panginoon kaya't tuturuan niya ang MGA Makasalanan sa DAAN.(Awit 25:8)

Ang Dios pala ang magtuturo sa mga makasalanan o sa mga masamang tao ng DAAN na dapat doon siya lumakad kaya kaya kalooban ng Dios ang Dating Daan ay lakaran ng masama.

Ang Tanong Bakit kalooban ng Dios na ang Dating Daan ay lakaran ng masama?

"Ganito ang sabi ng Panginoon ,magsitayo kayo sa mga Daan at magsitingin kayo at Ipagtanong ninyo ang mga DATING LANDAS kung saan nandoon ang MABUTING DAAN at magsilakad kayo roon at kayo'y mangakakasumpong ng KAPAHINGAHAN sa inyong mga kaluluwa.(Jeremias.6:16)

Ito pala ang Dahilan kaya pala pinalalakad ng Dios at tinuturuan ng Dios ang masama sa DAAN para Masumpungan ng masama ang kapahingahan ng kanyang kaluluwa na kung saan iniutos ng Dios na hanapin at ipagtanung ng masama ang mga DATING LANDAS (DAAN) kung saan nandoon ang MABUTING DAAN at magsilakad sila roon at doon kanilang mamasumpungan  ang kapahingahan ng kanilang mga kaluluwa.

Ngayon ang mabuting Daan ay Walang iba kundi ang Ating Panginoong Jesu Cristo siya ANG DAAN at katotohanan at ang buhay.(Juan 13:6,Colosas.2:6) at sa pamamagitan ni Kristo ay matatamo natin ang kapahingahan ng ating mga kaluluwa.(Mateo .11:28-29)sa pagtatanong sa mga Dating Landas (Daan) ay ating masusumpungan ang MABUTING DAAN

Ngayon Bakit DATI ang Daan na ating dapat hanapin at lakaran?

"Sapagkat tayo'y kaniyang gawa ,na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa na mga INIHANDA ng DIOS nang UNA upang siya nating LAKARAN.(Efeso.2:10)

"Ito palang Daan na ito Inihanda na ito ng  DIOS Buhat ng UNA para siya nating LAKARAN kaya "DATI"
 at ito ang kanyang mga utos na syang mga saway na TURO na syang DAAN ng BUHAY .(Kawikaan .6:23)

Ang patunay na ang MGA UTOS ay Daan ng Buhay ito ang sabi ng ating Panginoong Jesus.."At sinabi nya sa kaniya ,Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti?may isa na siyang mabuti :datapuwat kung ibig mong PUMASOK SA BUHAY ,ingatan mo ang MGA UTOS.(Mateo.19:17)

NgAYON iTONG mga Utos na ito Hindi ito bago kundi ito ang mga Dating UTOS .."Mga minamahal wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos ,kundi ang DATING UTOS na nasa inyo buhat ng pasimula ang DATING UTOS ay ang salita na inyong narinig.(1Juan 2:7)

Dati na itong Daan na ito dahil Panahon palang ni Abraham umiiral na ang Daan na ito para lakaran ng kanyang mga anak ito ang DAAN NG PANGINOON.(Genesis.18:19)

Ngayon may mga tao gusto pasamain ang DAAN na ito Ano ang sinasabi ng Dios sa mga TAONG ito?

"At sinabi ,Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan ,ikaw na ANAK ng DIABLO,ikaw na kaaway ng katuwiran ,hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa MGA DAANG  MATUWID ng PANGINOON?.(Acts 13:10)

Anak pala ng Diablo ito mga taong  walang tigil na nagpapasama sa ANG DATING DAAN..

"Gayon may iyong sinasabi ang DAAN ng Panginoon ay hindi matuwid .pakinggan mo ngayon Oh sangbahayan ni Israel ,hindi baga ang aking DAAN ay ay MATUWID?hindi baga ang iyong mga lakad ang di matuwid.(Ezekiel.18:25)


At ito ay patuloy na pinapasama at inuusig ng mga taong masasama itong mga nasa DAAN nuon hanggang ngayon. 



And he went into the synagogue, and spake boldly for the space of three months, disputing and persuading the things concerning the kingdom of God. But when divers were hardened, and believed not, but spake evil of that ( Old) way before the multitude, he departed from them, and separated the disciples, disputing daily in the school of one Tyrannus.(Acts 19:8-9)

And I persecuted this ( old) way unto the death, binding and delivering into prisons both men and women.(Acts.22:4)

But this I confess unto thee, that after the (old) way which they call heresy, so worship I the God of my fathers, believing all things which are written in the law and in the prophets:..."And when Felix heard these things, having more perfect knowledge of that (old) way, he deferred them, and said, When Lysias the chief captain shall come down, I will know the uttermost of your matter. (Acts 24:14,14)

Comments

Popular Posts