SI CRISTO BA MANLALANG



"Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit. Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit. (Jer.10:10-11)

Ngayon tatalakay tayo ng isang panibagong tanong "ito ang tanong sa atin "Kung Dios si Kristo may nalikha ba si Kristo?

Gusto palabasin ng nagtanung na para maging dios dapat may nalikha .

Ngayon pasado ba ang ating panginoong Jesu Cristo sa ganitong pamantayan.

Una alamin natin ,,"Kung sino ang lumikha at sino ang naroon sa paglikha?

Babalikan natin ang simula ng paglikha Kung sino ang nandoon ng maglikha?

Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang mga langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman......"At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.(Gen.1:1-4,26)

Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang mga langit at ang Lupa sa hebrew ang salitang ginamit sa "Dios" (God) ay "elohim"[אֱלֹהִ֑ים]

Elohim (אֱלֹהִ֔ים) is a grammatically singular or plural noun for "god" or "gods" in both modern and ancient Hebrew language.

When used with singular verbs and adjectives elohim is usually singular, "god" or especially, the God. When used with plural verbs and adjectives elohim is usually plural, "gods" or "powers".(Deut.10:17,1 Sam.4:7-8)

Kaya pag-ginamit ang salitang "elohim" hindi lang ito tumutukoy sa isang "Absulute One God" kundi sa "plural Gods" when used with plural verbs and adjectives.

pansinin natin ng gawin ng Dios ang tao sa "Genesis 1:26" sinabi ng "elohim"Lalangin NATIN ang tao sa ATING larawan ,ayon sa ATING wangis.

Dito pansinin natin na may KA-NATIN ang Dios na lumalang at ang kausap niya "KAMANLALANG" niya na gaya niya sa larawan at wangis.

kaya hindi nag-iisa ang "Manlalalang" sa dahilan may KA-NATN" siya na gaya niya rin na manlalang..at kung itaas natin ang BASA sa "Genesis 1:2" kasama ng Dios na Kamanlalang niya ay ang BANAL NA ESPIRITU na sumasa ibabaw ng tubig .

Ngayon anu ang ginagawa ng BANAL NA ESPIRITU na Sumasa ibabaw ng tubig sa pasimula ng paglalang?

Iyong sinusugo ang iyong Banal na Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa.(Awit 104:30)

Kasamang Kamanlalang ng AMA.(Mal.2:10) ang BANAL NA ESPIRITU.

"Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.(Job 33:4).

Ngayon Bukod sa AMA, at BANAL NA ESPIRITU kasama rin ang BUGTONG NA ANAK NG DIOS.(Kaw.30:4,Juan1:1-3,18) sa pagiging Manlalang .siya ang Saksing tapat at Totoo ng pasimula ng paglalang

"....Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios:(Apoc.3:14) na  nasa siping ng Ama sa pasimula.(Kaw.8:22-31,1Cor.1:24)

"Before anything else existed,[a] there was Christ,* with God. He has always been alive and is himself God...."And Christ[a] became a human being and lived here on earth among us and was full of loving forgiveness* and truth. And some of us have seen his glory*—the glory of the only Son of the heavenly Father!*..."No one has ever actually seen God, but, of course, his only Son has, for he is the companion of the Father and has told us all about him.(John 1:1-2,14,18 TLB The living Bible ) 

In the beginning the Word(Christ) already existed.The Word (Christ) was with God,and the Word (Christ) was God.He (Christ) existed in the beginning with God.God created everything through him (Christ),and nothing was created except through him (Christ).The Word gave life to everything that was created,and his life brought light to everyone......"He (Christ) came into the very world he created, but the world didn’t recognize him.(John 1:1-4,10 NLT)


"As the beginning, the Son of God creates the heavens and the earth.*(Genesis 1:1 Aramaic English Bible By Vic Alexander translation )

Sa paggawa ng Ama ng sansinukob niyari ito ng Ama sa pamamagitan ng SALITA (Kristo) at ng HININGA (Espiritu Santo)?

"Sa pamamagitan ng SALITA NG PANGINOON(Kristo) ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng HININGA (Espiritu Santo) ng kaniyang bibig.Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton: inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.(Awit 33:6-8)

Si Kristo ang Verbo (Word) na kasama ng Dios na umiiral sa pasimula at siya ay Dios "At ang Verbo (Word) ay Dios .."THE WORD (CHRIST) WAS GOD .."at walang ginawa kung wala siya at sa pamamagitan niya ginawa ang lahat ng bagay. at itong Verbo pumarito ito sa sanlibutan na kanyang NILIKHA."He come into the very world he CREATED. kaya maliwanag manlilikha ng sanlibutan itong Kristo.nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya;At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nakakapit na matibay dahil sa kaniya.

"Christ himself is the Creator who made everything in heaven and earth, the things we can see and the things we can’t; the spirit world with its kings and kingdoms, its rulers and authorities; all were made by Christ for his own use and glory.[Colossians 1:16 TLB]

Christ is the visible image of the invisible God.He (Christ) existed before anything was created and is supreme over all creation,for through him (Christ). God created everything in the heavenly realms and on earth.He (Christ) made (create) the things we can see,and the things we can’t see such as thrones, kingdoms, rulers, and authorities in the unseen world.Everything was created through him and for him.He (Christ) existed before anything else,and he holds all creation together.(Col.1:15-17 NLT)

Dito maliwanag rin na si Cristo ang Panginoon na nagladlad ng patibayan ng lupa sa pasimula at ang mga langit ay gawa ng kanyang mga kamay.

But to the Son he says,“Your throne, O God, endures forever and ever.You rule with a scepter of justice.You love justice and hate evil.Therefore, O God, your God has anointed you,pouring out the oil of joy on you more than on anyone else.”He also says to the Son (Christ),“In the beginning,Lord(Christ), you laid the foundation of the earth and made the heavens with your hands.(Hebrew 1:8-10 NLT)

Siya rin ang lumikha ng buhay?

"At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay:..."(Gawa 3:15)

Siya rin ang lumalang ng tao?

".....upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;(Efe.2:15)

Kaya ang KA-NATIN ng Dios Ama sa paglalang na kalarawan niya at kawangis ay ang kanyang bugtong na anak (Col.1:15,Heb.1:3) at ang Banal na Espiritu.(Awit 104:30) ito ang "elohim" samakatuwid bagay ang "AMA, ANG ANAK , AT BANAL NA ESPIRITU.(Mat.28:19)

15 

Comments

Popular Posts