ANG DIOS NA HINDI TAO AY NAGKATAWANG TAO
Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.(Oseas 11:9)
Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa? (Mga Bilang 23:19)
"Sapagkat akoy Dios, at hindi tao."Ito malimit ginagamit ng mga INC 1914 at ng mga muslim para patunay na si Cristo ay hindi dios kundi tao lamang sapagkat sabi daw ng "Dios hindi siya tao"
Tama ang talatang ito na ang "dios ay hindi tao" at naniniwala tayo na hindi talaga tao ang Dios.
Pero walang sinasabi sa talata na ang Dios ay hindi pwede magkatawang tao ,magkaiba ito... iba ang "Dios ay hindi tao sa "ang Dios ay nagkatawang tao:
Ang STAND ng mga Kristiano ang Dios o Anak ng Dios.(1Juan 5:20,Kaw.30:4) na hindi tao ay nagkatawang tao.(Isa.9:6,Juan1:1-3,14,Fil.2:6-7,1Tim.3:16) Hindi naman mahirap sa Dios ito kasi siya naman ang nag-aanyo ng tao sa tiyan ng ating mga magulang.(Job31:15)
Ang STAND ng mga Kristiano ang Dios o Anak ng Dios.(1Juan 5:20,Kaw.30:4) na hindi tao ay nagkatawang tao.(Isa.9:6,Juan1:1-3,14,Fil.2:6-7,1Tim.3:16) Hindi naman mahirap sa Dios ito kasi siya naman ang nag-aanyo ng tao sa tiyan ng ating mga magulang.(Job31:15)
Kung ang Dios ay nagkatawang tao nanatili pa rin ang pagka-Dios niya "sumuklob lang siya sa katawang laman"
Halimbawa si satanas sa Halaman ng Eden nag-anyong Ahas siya nasa-katawan ng Ahas nawala ba ang pagiging satanas niya nung nasa anyong ahas siya "hindi naman?(Gen.3:1-2,Apoc.12:9)
Ganon din ang Anak ng Dios nung magkatawang tao ito nanatili pa rin ang kanyang pagka-Dios na nahayag sa laman .
And without controversy great is the mystery of godliness: God was manifest in the flesh, justified in the Spirit, seen of angels, preached unto the Gentiles, believed on in the world, received up into glory.(1 Timothy 3:16)
Si Cristo Tunay na Dios ,Anak ng Dios.(Kaw.30:4,1Juan 5:20) Dumating ang panahon na isinugo isinugo siya ng Dios Ama sa lupa.(Isa.6:8, Isa. 48:16)
"Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.(Juan 6:38)
Eh nung hindi pa siya bumaba mula sa langit "Tao ba siya " ito ang sagot ni Cristo?
"Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan.(Awit 22:6)
Dito maliwanag na "hindi siya tao" kaya nagawa niyang magkatawang -tao dahil hindi siya tao.
Kahit siya'y likas at tunay na Diyos,hindi niya ipinagpilitang manatiling a kapantay ng Diyos.Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ngDiyos,at naging katulad ng isang alipin.Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.At nang si Cristo'y maging tao,(Fil.2:6-7MBB)
Kahit siya'y likas at tunay na Dios naging katulad ng isang alipin , ipinanganak siya tulad ng karaniwang tao.
Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. ...."At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. (Juan 1:1-4,14)
na anopa't pinaglihi ng isang dalaga at ipinanganak at ang batang lalaki na ipinanganak ay tatawagin ang kanyang pangalan na Emmanuel na kung liliwanagin sumasa atin ang Dios sapagkat siya ang Makapangyarihang Dios ang anak ng Dios na nagkatawang tao.(Juan 1;1,14, 1Juan 5:20).
Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.(Isaias 7:14)
Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. (Isaias 9:6)
"For in Christ there is all of God in a human body;[Colossians 2:9TLB]
"Your attitude should be the kind that was shown us by Jesus Christ,who, though he was God, did not demand and cling to his rights as God, but laid aside his mighty power and glory, taking the disguise of a slave and becoming like men.[a] And he humbled himself even further, going so far as actually to die a criminal’s death on a cross.[Phil.2:5-8 TLB]
Ito ang Panginoon na ipinanganak sa pasabsaban sa Bethlehem na hindi nakikila ng bayang Israel.
Dinggin mo, Oh langit, at pakinggan mo, Oh lupa, sapagka't sinalita ng Panginoon: Ako'y nagalaga at nagpalaki ng mga bata, at sila'y nanganghimagsik laban sa akin.Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita.(Isaias 1:2-3)
Sa Hosea 11:9 si Jesus ang BANAL (HOLY ONE).(Acts 2:27,31) sa Gitna ng Israel.(Juan 1:14,Mat.18:20).
Sa Hosea 11:9 si Jesus ang BANAL (HOLY ONE).(Acts 2:27,31) sa Gitna ng Israel.(Juan 1:14,Mat.18:20).
Comments
Post a Comment