MARCOS 12:29
Isa sa mga talata na ginagamit ng mga INC 1914 at ng Mga Muslim para patunayan na iisa lang ang Dios ay ang Marcos 12:29 ayon sa kanila maliwanag daw sa talata na ito na IISA lang ang Dios na pinakikila ng ating Panginoong Jesu Cristo at hindi daw kasama si Cristo sa isang Dios na pinakikilala niya.
Ito ngayon ang ating isa-isang sasagutin kung tama ba ang kanilang pagkaunawa sa nasabing talata ?at totoo ba na hindi kasama si Cristo sa iisang Panginoon na kanyang tinutukoy .
Basahin natin ang Talata na kanilang ginagamit ;
Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:(Marcos 12:29)
Dito binanggit ng Panginoong Jesu cristo sa kanyang pagtuturo na ang isa sa pangulong utos ay Pakinggan mo ,Oh israel ang Panginoon nating Dios ,ang Panginoon ay IISA.
Ayon sa Kanila kasama daw si Cristo na kikilala sa iisang Panginoon na ito ,na ito rin ang IISANG PANGINOONG DIOS kasi ang ginamit ni Cristo ay "NATING DIOS"
Gusto nila patunugin na dahil "NATING DIOS" sinabi ni Cristo ito daw ang patunay ayon sa kanila na hindi si Cristo ang Dios.
Una huwag natin na kalimutan na itong sinabi ni Cristo ay "quoted" lang ito sa Kasulatan sa matandang Tipan ang tinutukoy ni Cristo ay ang nakasulat sa Aklat ni Moses.
"Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:(Deut.6:4)
Samakatuwid "Quoted" ito. at hindi kasama si Cristo sa salitang "NATIN" na inulit lamang ni Cristo ang talagang nakasulat.
Ngayon pansinin natin ang salitang "ANG PANGINOON AY IISA" itong bang salita na "IISA" tumutukoy ba ito sa absulute One o tumutukoy itong "IISA"sa iisa na UNIFIED ONE or NUMERIC ONENESS
Basahin natin sa Hebrew itong 'Quted" na sinabi ng Cristo.
אחרי הכתו את סיחן מלך האמרי אשר יושב בחשבון ואת עוג מלך הבשן אשר יושב בעשתרת באדרעי׃
בעבר הירדן בארץ מואב הואיל משה באר את התורה הזאת לאמר׃
Sa Hebrew ay "echad" [אֶחָֽד]"echad" which is used most often as a unified one, and sometimes as numeric oneness. For example, when God said in Genesis 2:24 "the two shall become one [echad] flesh" it is the same word for "one" that was used in Deut 6:4.
Itinulad ang "echad" sa pagiging IISANG LAMAN ng mag-asawa na ito ay "UNIFIED ONE or NUMERIC ONE"at hindi absulute One
Kaya nung sabihin ni Cristo ang "ang Panginoon ay IISA (echad) tinutukoy niya ang pagiging "Unified One" ng Ama, Anak , at Banal na espiritu. (Mat.28:19) sapagkat sa pagiging Panginoon ay IISA sila.
Panginoon ang Ama "YHWH" ( Luc.10:21 )Panginoon ang Anak (Jesus Cristo ) (Luc.2:11,Rom.1:4 ) at Panginoon ang Banal na espiritu (2 Cor.3:11) ito ang UNIFIED ONE (echad) na PANGINOON.(Zac.14:9)
Comments
Post a Comment