MATEO 27:46 SCRIPTED



At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan? (Mateo 27:46)

Ito ang malimit ginagamit ng mga tumutotol  sa pagka-Dios ng ating Panginoong Jesu- Cristo ayon sa kanila ito daw ang patunay na hindi dios si Cristo  at iba daw si Cristo sa Dios.

Ngayon suriin natin talata ng Mateo 27:46 patunay nga ba ito na hindi talaga dios si Cristo.

Pansinin natin na sinalita ito ni Cristo nung siya ay nakabayubay sa krus ng kayang sinasabi na "Dios ko ,Dios ko bakit mo ako pinabayaan.

Ayon sa kanila Kung Dios si Cristo bakit niya pa sasabihin na Dios ko , Dios ko Bakit mo ako pinabayaan .

Una ang  ating sagot dyan ay ng sabihin ito ni Cristo siya ay nasa pagkakatawang tao (Juan 1:1,14) nagpakababa  kung saan bagamat nasa anyong Dios ay nakitulad sa mga tao at nag -ayong alipin at nasumpungan sa anyong tao.(Fil.2:6-8)

Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

Samakatuwid hindi tao ito kundi nag-anyong tao lang at nakitulad sa mga tao .at nung masumpungan sa anyong -tao  naging masunurin hanggang sa kamatayan sa Krus.

Ngayon bakit sinabi na naging masunurin siya hanggang sa kamatayan sa krus sa dahilan nung magkatawang tao siya isinugo siya sa isang misyon na  tutuparin ang kalooban ng Ama  na nagsugo sa kanya na naparito sa balumbon ng  mga aklat na  nasusulat tungkol sa kanya. 

Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban. (Hebreo 10:5-7)

Pansin ang sinabi ng Panginoon "Narito , ako'y pumaparito (Sa balumbon ng aklat ay nasusulat  tungkol sa akin.)Upang gawin...mayroon palang nasusulat tungkol kay Cristo na kanyang gagawin ,at ito ay nasusulat sa Balumbon ng aklat.Ito ang SCRIPT ng gagawin at sasalitain  ni Cristo na nasusulat tungkol sa kanya.

Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.(Mateo 5:17-18)


At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.(Luc.24:44)

Kaya gaya sa isang pelikula ang gagawin at sasalitain ni Cristo ay SCRIPTED na sapagkat bago pa man nagkatawang tao ang Anak ng Dos ay isinulat na sa aklat ni Moses , sa mga Propeta at sa mga Awit ang mangyayari sa kanya ,maging kanyang gagawing ministeryo at maging ang kanyang sasalitain kaya nung sabihin ni Cristo ang "Dios ko , Dios Ko bakit mo ako pinabayaan .ito ay isa sa SCRIP na nakasulat na kanyang sasalitain sa ibabaw ng krus sa aklat ng mga awit na paunang karunungan ng Dios bago itatag ang sanlibutan .(Mga Gawa 2:23)

Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo: Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo,(1 Ped.1:19-20)

Ito ang SCRIP ng Mateo 27:46

Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal? (Awit 22:1)

Kaya bago nagkatawang tao si Cristo at bago siya ipinako sa krus ang salita ni Cristo sa Mat.27:46 ay SCRIPTED na sa AWIT 22:1 at  ang nagsasalita sa AWIT 22 ay HINDI TAO.(Awit 22:6)

Nasa panahon dinadala ng ANAK NG DIOS ang kasalanan ng marami kaya kailangan siyang pabayaan ng AMA sapagkat siya ay inaring may sala dahil sa atin.(2 Cor.5:21) sapagkat ang kasalanan ng marami ay  pinasan niya sa kanyang laman.(Awit 55:22) ito ang bakod para pabayaan siya ng Ama .(Isaias 59:2) siya ang  tumayo sa ating mga kasalanan at ang parusa para sa atin ay siya ang umako.(1Ped.2:23-24,Isa.53:4-6)

Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang. (Isaias 53:10-12)

Comments

Popular Posts