SINO ANG "SIYA NA TOTOO" SA 1JOHN 5:20
Sino ang "SIYA NA TOTOO" sa 1 John 5:20
Ito ngayon ang paksa na ating tatalakayin kung sino ang "siya na totoo"sa 1 John 5:20 ayon sa mga Manalo Cults hindi daw ito ang ating Panginoong Jesu Cristo kung hindi ang Dios Ama
Totoo ba ang ganitong pagka-unawa basahin natin ang 1 John 5:20
"At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios ,at tayo'y binigyan ng pagkaunawa ,upang ating makilala siya na totoo,at tayoy nasa kaniya na totoo,sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesu Cristo .ito ang tunay na Dios at ang buhay na walang hanggan."
Dito may mababasa tayo na "siya na totoo ,at tayoy nasa kaniya na totoo"ayon sa paliwanag ng mga ministro ng Manalo Cult hindi daw ito ang Anak kundi ayon sa kanila ito daw ang Amang Dios .
Ngayon ang tanong natin "Sino ang SIYA NA TOTOO"
Ganito ang paliwanag ng Banal na Kasulatan kung Sino ito...."Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng SIYA NAWA,ang Saksing tapat at TOTOO ng pasimula ng paglalang ng Dios."(Rev.3:14)
Sino ang "SIYA NA TOTOO ito pala ang Saksing Tapat ng pasimula ng paglalang ng Dios samakatuwid ANAK ang ating Panginoong Jesu Cristo .(Rev.1:5)
Ano patunay na ang Ating Panginoong Jesu Cristo?Ang "Siya na totoo at ito ang tunay na Dios "
"Samantalang nagsasalita pa siya narito ,ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila ang isang tinig na mula sa alapaap ,na nagsasabi ,ITO ang sinisinta kong Anak ,na SIYA kong kinalulugdan,SIYA ang inyong pakinggan.(Mat.17:5)
Sino ang "ITO" na tunay na Dios walang iba kundi ang Sinisintang Anak ng Dios na SIYA ring lubos nyang kinalulugdan.
"At ITO ang patotoo ,na tayoy binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan ,at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay ang hindi kinaroonan ng anak ng Dios ay hindi kinaroonan ng buhay.(1 Juan 5:11-12)
Kanino ang buhay na walang hanggan ito ay nasa kaniyang Anak ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay ito rin ang buhay na walang hanggan.
"Ang sumampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan.ngunit ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay ,kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.(John 3 :36)
Nasaan ang buhay na walang hanggan ito ay nasa Anak ng Dios kaya ito ang tunay na Dios at ang buhay na walang hanggan.kaya mali ang unawa ng mga Manalo Cults pinatunayan ng Banal na kasulatan na ito ay ang Anak ng Dios na naparito at binigyan tayo ng pagkaunawa upang ating makilala "siya na totoo" at tayoy nasa kaniya na totoo sa makatuwid sa kaniyang Anak na si Jesu Cristo ito ang tunay na Dios at ang buhay na walang hanggan.
Comments
Post a Comment